MILLICENT'S POV "Tinanong kita ng ilang ulit kung handa ka ng mamatay Pialv, hinamon mo lang ako, sapat na iyon para sa sagot mong... oo." Isinaksak ko sa kaniya ang hawak kong kutsilyo ngunit hindi ganoon kalalim ang naibigay kong pinsala sa kaniya kung kaya't nagawa pa niyang masipa ako sa tuhod na nakapag-paupo sa akin. Mabilis akong bumangon at hinila ang buhok niya saka siya inuntog sa pader, sa lakas ng pagkakauntog ko sa kanya ay dumugo agad ang noo niya. Hindi ko siya bibigyan ng pagkakataong masaktan ako ulit kahit na may proteksyon pa ako. "Ihanda mo na ang death wish mo Pialv, mapapaaga eh." Hinawakan ko ang buhok niya upang itingala siya sa akin. "Nagkamali ka ng daang tinahak, itatama pa sana kita dahil bata ka pa, iyon nga lang masyado kang makulit." "Millicent! Millicent!

