MILLICENT'S POV Inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko saka binalot ng tela ang kaliwang kamay ko. Handa na ako. Sabi ko sa sarili ko pero parang gusto kong umurong, oras na para tapusin ko lahat ng ito, ngunit parang naduduwag na ako. Ito na ang araw para matapos ang lahat. "Millicent." Napalingon ako sa kaniya ng tawagin niya ako. "Ano iyan?" Tanong ko kahit na alam ko namang baril ang inaabot niya sa akin. "You can use this, kapag talagang kailangan." "Ayaw ko. Ayaw kong gumamit ng baril." Kinuha niya ang palad ko at ipinatong baril dito. "It has three bullets, I know that you'll use this for important matter. For your protection, self protection. Sige na tanggapin mo na ito." Napasapo ako sa noo ko. Wala namang masama kung bibitbitin ko at dadalhin, gagamitin ko nga lang sa

