MILLICENT'S POV May kung anong bagay akong narinig na papalapit sa akin, hindi iyon bala, base sa hangin nito ay mabilis ang pagkilos nito, kusa kong iniangat ang kaliwang kamay ko, sumaktong tumama ito sa kamay ko, subalit wala naman akong sakit na naramdaman. Marahan kong iminulat ang mata ko at tinignan ang bagay na nasa kamay ko. Ito ang name plate ko, parang boomerang na bumalik sa akin, ang plano ko ay asintahin ang palapulsuhan ni Pialv subalit tumama ang name plate ko sa balang nagmula sa baril na hawak ni Pialv. "Me samaligno ka ba?" Narinig kong tanong ni Elizaida na dahan-dahan ng naglalakad papalapit sa kinaroroonan namin ngayon. "Bakit lagi kang nakakaligtas?" Napangiwi ako dahil sa sinabi niya. "Maligno agad? Hindi ba pwedeng swerte lang?" "Kung naging kasing-swerte mo

