MILLICENT'S POV Nagtalukbong ako ng kumot para iwasan ang titig ni Starth sa akin, kanina pa siya nakatitig sa akin kaya naiilang na ako. Wala rin naman akong maisip na bagay na pwede naming pag-usapan----bakit pinag-iisipan ko ba muna lahat ng kailangan naming pag-usapan noon? Naaasar lang din ako sa sarili ko nito eh. Ang mahalaga sa ngayon nakapagpahinga na kahit sandali si Ruxle. Bago pa man namin maka-engkwentro si Elizaida at Pialv tinahi na niya ang sugat ko at kanina ako naman ang tumahi ng sugat niya dulot ng pagtaga ni Pialv, ako rin ang kumuha ng balang nasa binti niya. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa sarili ko na nagawa kong gamutin si Ruxle, sana nga lang ay tuloy-tuloy na ang paggaling niya. "Hindi ka ba nagugutom?" Narinig kong tanong ni Starth, alam kong ak

