MILLICENT'S POV Akala ko ay tuluyan na akong makakatulog dahil sa tagal ng pagdating ni Starth,mabuti nalang at dumating na siya bago pa man bumagsak ang talukap ng mga mata ko. Inaasahan kong hinihingal o puro sugat siyang babalik subalit ng magtapo ang paningin namin ay para lang siyang naglakad-lakad sa labas at nagpahangin. Ibang klase. Naupo ako mula sa pagkakahiga at hinarap siya ng maayos. "Galing ah. Ginagawa mo ng hobby ang pagtulog." Sarkastikong aniya na ikinairap ng mga mata ko. "Wala naman kasi akong magawa. Bakit ba ang tagal mo?" "Malamang kailangan kong magdahan-dahan, ang dami na naman kayang Evolus sa labas." "Hindi ka nila nahuli? Malakas ang pandinig ng mga iyon ah?" "Tsk! Tsk! Tsk! You are wrong, Millicent. Katulad lang din sa tao ang pandinig ng Evolus, ang lam

