MILLICENT'S POV "Lelzie, please huwag ka munang makulit." Inaasikaso ni Doctor Reyes si Lelzie na nagpapasaway. Nakaupo na silang lahat ngayon at inaantay nalang ang vaccines na ituturok sa kanila. Mataman kong tinignan mula sa kinatatayuan ko si Professor Mateo na may hawak-hawak na log book. Ang saya-saya niya ngayon. Ano ba ang nagpapasaya sa kanya? Dahil sa panibagong gamot na ituturok o dahil sa pagkamatay ni Thimo. Napatay na niya si Thimo, hindi malayong si Eilia na ang isunod niya lalo na at walang pagbabago sa ginagawa nila ngayon. Si Professor Ronaldo naman seryoso lang na nanonood sa pagsasaayos ni Doctor Reyes sa lahat. Inisip ko pa naman na sobrang bait ni Professor Ronaldo iyon pala siya ang utak ng lahat ng ito, nagtiwala ako sa kanya patungkol kay Eilia iyon pala pinap

