MILLICENT'S POV Tahimik at payapa akong nanananghalian ng may kumatok sa bintana. Si Starth iyon panigurado. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya para mambulahaw ngayon. Tinapos ko na muna ang kinakain ko, hindi naman emergency ang pagkatok niya lalo pa't paisa-isa ang ginagawa niyang pagkatok. Ang sarap-sarap ng kain ko nang iistorbo ang isang ‘to. Sobrang bait ni Starth, nakakatunaw ng puso. "Magandang buhay!" Bati ko sa kanya ng buksan ko na ang bintana. "Bakit ang sama ng tingin mo sa’kin?" "Kakagising mo lang ba?" "Hindi. Maaga akong nagising kanina! Epektibo ang gatas at mansanas ni Ruxle!" "Tsk! Bakit ang bagal mong buksan ang bintana?" "Nagtatanghalian pa ako eh. Ang istorbo mo Starth!" Inirapan niya ako at inabutan ng isang maliit na Tupperware. "Banana con yelo. Gawa

