Chapter 1

3561 Words
CHAPTER 1: Home: SeeRange MILLICENT'S POV "Takbo! Nandyan na ang baliw! HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Kagigising ko lang ngunit ang ingay agad sa labas ang siyang sumalubong sa akin. Nakalimutan kong buksan ang sound defense ng kwarto ko! Natataranta ko tuloy na nahawakan ang seradura ng pintuan ng kwarto ko para labasin si Starth na ginugulo na naman si Verdlu! Hindi maganda ‘to! At lalong hindi maganda na hindi ko magawang buksan ang pintuan, paano nga ulit buksan ito?! Sinubukan kong ikalma ang sarili ko pero lalo lang akong nataranta nang marinig ko ang sigaw ni Verdlu mula sa labas, wala akong ideya kung anong kalokohan na ang ginawa ni Starth sa kanya. Bakit ba kasi ayaw bumukas ng pintuan?! "Millicent~" Aksidente kong napindot ang intercom at saktong naroroon pala si Qatara. "Gising ka na ba? Pinapatawag na tayo ni Manang Esmeralda para sa agahan!" "Q-Qatara! Ano… paano ulit buksan itong pintuan?" Alanganing tanong ko dahil iniisip ko na baka tawanan lang niya ako dahil sa tanong ko. "Nakalimutan mo na naman?! Pindutin mo yung small screen malapit sa doorknob, may color blue na button diyan tapos passcode mo." Niyanag na naman ng nagsalpukang tectonic plates ang utak ko dahil sa pagpapaalala sa akin ni Qatara ng bagay na iyon. "Salamat!" Sambit ko ng makalabas ako ng kwarto ko, hindi pa ako nakakapag-ayos ng sarili ko ng patakbo akong lumabas para hanapin sina Verdlu at Starth. Nagmamadali akong tumakbo sa pasilyo ng bumunggo ako sa kung sino at dire-diretsong akong lumagapak sa lupa. Hindi ko man lang narinig na rumesponde ang taong nabunggo ko at doon pa lang ay alam ko na kung sino ang nabunggo ko. Salubong ang kilay ko na hinarap siya bago ako tumayo. "Sorry." Paghingi ko ng paumanhin kay Ruxle (Rasel) na hawak-hawak ang psychology book niya. Bahagya pa akong yumuko dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin niya. "Running in hallways was prohibited but you violate that rule." "Eh—eh kasi naman kailangan kong—" Huwag mong sabihin na makikipagtalo ka pa Millicent! "Pasensya na, pero… pero nakita mo ba si Starth at Verdlu?!" "The last time I remember… nakasalubong ko si Starth na hinahabap si Verdlu, now you are looking for both of them." "Nakita mo? S-saang corridor?" "Dunno." Kibit-balikat na aniya na nagpalaglag ng panga ko. "I was busy minding my own business." "Ruxle naman… alam mo naman na iisa lang ang ibig sabihin kapag hinahanap ni Starth si Verdlu hindi ba?" "Yes. It only means that Starth is going to attack him." "Iyon naman—" "Millicent, stop making a fuss about this. There were lots, really lots of guards and medical staffs around, they will surely save Verdlu from Starth." "Ang kaso sa dami ng tao rito halos karamihan sa kanila ay wala namang pakialam kay Verdlu!" Hindi ko sinasadyang mabulyawan siya kaya natutop ko ang bibig ko bago paulit-ulit na humingi ng paumanhin. "Pasensya na, sorry… hindi ko sinasadyang sigawan ka." Alanganin akong umalis doon bago ko hanapin si Starth at Verdlu ngunit sa laki ng SeeRange, hindi ko magawang hagilapin ni isa sa kanila. Dumaan ako sa kwarto ni Verdlu pero wala namang sumagot sa akin mula sa loob, mukhang wala rin namang tao sa loob. Napahilamos ako sa mukha ko dala ng pagkainis na nararamdaman ko dahil hindi ko mahanap silang dalawa at nag-aalala na rin ako para kay Verdlu. Naalala ko bigla si Nurse Althea na siyang personal na nag-aalaga kay Verdlu kaya naman kumaripas agad ako ng takbo patungo sa station ni Nurse Althea para maabutan lamang siya doon na natutulog, hindi ko alam kung paano ko siya gigisingin kaya umalis na lang ako roon ng hindi pa rin nahahanap ang mga taong hinahanap ko. Bagsak ang mga balikat ko nang makarating ako sa dining hall kung saan naroroon na ang mga kasama ko. Lahat sila may ginagawa kaya hindi ko alam kung sino ang una kong dapat na lapitan ganoong inihahanda pa lang ang agahan namin, hanggang sa napansin ko si Lelzie at Thimo na nakaupo sa tapat ng mahabang lamesa, parehong nagpapalitan lang ng tingin kaya naman naisipan kong tumabi kay Lelzie at kalabitin siya. "Lelzie." "Hmm? Millicent, good morning!" Bati niya pero kitang-kita ko naman na inaantok pa rin siya. "Magandang umaga rin! Ano… nakita mo ba si Verdlu o si Starth?" "Nagising ka sa ingay nung dalawa?" Tanong sa akin ni Thimo na nakikinig pala sa usapan naming dalawa ni Lelzie, bahagya naman akong tumango sa kanya bilang tugon. "Nakasalubong ko si Verdlu kanina, I helped him to hide away from Starth. Stop worrying, he's fine, he is currently staying in my room." Mabilis akong napangiti sa sinabi ni Thimo, nawala sa isip ko na magkaibigan nga pala sila ni Verdlu kaya talagang tutulungan niya ang huli! Walang duda na totoo ang sinabi niya gayong ang sabi ni Ruxle kanina ay nakasalubong daw niya si Starth na hinahanap si Verdlu. "Sandali nga!" Malakas na sambit ni Lelzie na siyang nakaupo sa tabi ko na bigla na lang tumayo at inilapit ang mukha niya kay Thimo. "Thimonyo! Are you telling me na nagawa na namang pagtripan ni Starth si Verdlu?! Nasaan si Nurse Althea, ha?" "Lelzie, minimize your voice." Suway ni Thimo kay Lelzie dahil sa lakas ng boses nito. Napatingin ako sa paligid, napalingon pala ang karamihan sa amin dahil sa lakas ng boses ni Lelzie. Mabilis na bumalik kay Lelzie at Thimo ang atensyon ko ng aksidente kong masalubong ang tingin ni Ruxle, sa lahat ng nandito ang tingin niya ang palagi kong iniiwasan dahil tila ba hinahalukay niya ang bawat organs ko sa tuwing tinitignan niya ako at alam kong hindi maganda iyon para sa akin kaya umiiwas ako. "Who wouldn't get frustrated ba? Ganyang ginag×go ni Starth si Verdlu alam mo namang mabilis na atakihin si Verdlu ng sakit niya hindi ba? What will happen after that? Tayo ang bubulabugin ni Starth sa biglang pag-ataki ng sakit ni Verdlu? However, isn't it funny? Seeing Verdlu screaming because of fear while he keep on scratching the walls until his—" Gulat akong nakatulala kay Lelzie dahil sa mga salitang lumabas sa bibig niya, mukhang siya itong inaatake ng sakit niya ngayon ngunit mas nagulat ako sa biglang pagtayo ni Thimo para takpan ang bibig ni Lelzie para pigilan itong magsalita at para na rin pakalmahin ito. "Calm down, okay? We are going to have our breakfast with your favorite hotdog, just wait a little longer and calm down." Nakatunganga lang ako habang pinapanood si Thimo na pakalmahin si Lelzie dahil hindi rin naman ako makakatulong sa pagpapakalma sa kanya. "I want some orange juice!" Angil ni Lelzie ng kumalma na ito. Tinignan naman ako ni Thimo at naintindihan ko agad ang tingin na iyon, na bantayan ko si Lelzie habang inihahanda niya ang orange juice nito. Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ni Lelzie dahil hindi ko rin naman alam kung papaano ko siya kakausapin. "Millicent." Doon ko lang tinapunan ng tingin si Lelzie, nakokonsensya ako dahil muntikan ko ng magising ang sakit niya na natutulog sa kanya, isa iyon sa mga dahilan kung bakit ayaw ko siyang kausapin. "Bakit?" "You are messy, like eww!" Aniya kaya nalilito akong tumingin sa kanya. "I mean that dry saliva near your mouth and some dirt in your eyes… did you bother yo wash your face after you woke up ba? You are so kadiri, Millicent." "Nakapaghilamos?" Nahawakan ko ang magkabilang pisngi ko at kinapa ang labi at mga mata ko. Umiwas ako ng tingin kay Lelzie ng mapagtanto ko ang kahihiyang iyon. "Hindi pa nga." Nawiwindang na sabi ko bago tumayo para magtungo sa pinakamalapit na banyo. "Goodluck, Millicent!" Narinig ko pang sigaw ni Lelzie dahilan upang lalo akong pamulahan ng pisngi, sa sobrang pag-aalala ko kay Verdlu ay nawala sa isip ko na maghilamos kanina. Ibig sabihin mula ng kinausap ko si Ruxle kanina hanggang sa maupo ako malapit kay Thimo at Lelzie ay ganito ang hitsura ko?! Halos mabaliwnako habang hinihilamusan ang sarili ko sa lababo bago suklayin ang buhok ko gamit lamang ang daliri ko. Matapos ang limang minuto ay kaagad na akong lumabas ng banyo at binalikan si Lelzie na hindi ko naman din dapat iwanan. "I reserved a seat for you, Millicent!" Nakangiting salubong sa akin ni Lelzie nang makabalik ako sa dining hall. Ngumiti naman ako sa kanya pero nagulat ako ng bigla niyang himasin ang ulo ko at ngitian ako muli. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya, mabuti na lang at napadako ang tingin ko kay Thimo na tahimik ng kumakain sa tapat ni Lelzie. "Pasensya na, hindi ko dapat iniwanan si Lelzie…" "Mmm?" Gulat siyang nag-angat ng tingin sa akin kaya maging ako ay gulat ding nakatingin sa kanya. "Hindi mo naman kailangan mag-sorry. Nothing happened, anyway. Besides sinabi naman sa akin ni Lelzie na tumakbo ka ng washroom because you forgot to wash your face." Alanganin akong napangiti dahil sa kahihiyan bago ako nagsimulang magsandok ng sarili kong pagkain. Napakatahimik ng hapag habang kumakain kaming lahat, tanging ang kalansing lang ng mga kubyertos ang siyang maririnig sa paligid, sa dami ng tumatakbo sa isipan ko ay doon ko lamang napansin si Verdlu na malapit sa kinauupuan ni Ruxle at tahimik na kumakain. Hinanap ko si Starth sa hapag-kainan subalit wala naman siya rito. Mabuti naman. Kakausapin at kakamustahin ko sana si Verdlu subalit pinili kong manahimik na muna at hayaan siyang tapusin ang kinakain niya. Nagpatuloy ang katahimikan sa pagitan naming siyam gayunpaman hindi nagtagal iyon ng walang anu-ano ay may marahas na nagbukas ng pintuan sa dining hall, tila ba handa ang nagbukas nito na sirain ang pintuan. Kamuntik-muntikan ko ng mabitawan ang mga kubyertos na hawak ko sa pagpasok ni Starth, nakangiti ng nakaloloko habang marahang naglalakad patungo kay Verdlu. Gustuhin ko mang tumayo para harangan siya at nang mailayo si Verdlu sa kanya ay hindi ko magawa, sadyang nakakatakot ang awra na bumabalot sa kanya ngayon, para bang handa siyang s×ktan sinoman ang magtangkang pumigil sa masamang binabalak niya. "Verdlu Xercival… tsk, tsk, tsk! Habulan ang nilalaro natin at hindi taguan. Simpleng bagay hindi mo magawang intindihin?" Gusto kong tumayo para kay Verdlu ngunit natatakot akong harapin si Starth, dahil alam kong hindi magandang bagay ang idudulot sa akin sa oras na humakbang ako paabante, gayunpaman, ano ang mas matimbang? Ang sarili ko o ang kalagayan at kabutihan ng kaibigan ko? Sa tanong na siyang iginawad ko sa sarili ko ay labis akong napaisip at nang mauwi ako sa iisang kasagutan ay napatayo ako sa kinauupuan ko, handa nang ipagtanggol si Verdlu nang mamataan kong naunahan na ako ni Ruxle na ngayon ay nakapamulsang nakatayo habang sinasalubong ang mga tingin ni Starth na handa ng k×mitil ng buhay ng sinoman. "Can't you see that I'm busy here?" "I don't give a d×mn about your business Ruxle, I am not here for you." "Yes you came here for Verdlu but what have you done? Iisang tao lang ang pakay mo pero lahat kami inabala mo. Keep your bullsh×ts in your pocket, wait until he finished eating." Salubong ang mga kilay ko na nakatingin kay Ruxle dahil sa mga salitang binitawan niya. Sariling kapakanan lang pala niya ang iniisip niya! Kung kaya't napahakbang na ako mula sa kinatatayuan ko, papagitna na sana ako sa kanilang dalawang nang mayroong humigit sa braso ko. Gulong-gulo akong napaangat ng tingin kay Thimo na hawak ang braso ko ngayon, kulang na lamang ay sumubsob siya sa mga pagkaing nasa mesa sapagkat nasa kabilang bahagi pa ng lamesa ang pwesto niya. "I know what you are planning to do, Millicent. Manahimik ka na lang at kumain—" "Sinasabi mo bang… ipagsawalang bahala ko na lang ito?" "Yes, of course you care for Verdlu pero tingin mo ba ay tungkol pa rin kay Verdlu ito. Look, it is something between Ruxle and Starth, to make it simple, labas ka sa gulo nilang dalawa. Ako na ang bahala kay Verdlu." "Pero Thimo—" Binitawan niya ang braso ko at inilingan ako, bagsak ang mga balikat ko nang nilingon ko si Starth at Ruxle na nagpapalitan na nang masasamang tingin. Sabihin na nating may personal silang alitan pero ang away nila ay makakaapekto sa mga kaibigan kong naririto. Napalabi ako at halos nawalan na nang ganang kumain ng iangat ni Lelzie ang kutsara ko na may lamang kanin at ulam na siyang nakataas na sa harapan ko ngayon. "Thimonyo's right, Millicent. Now, eat up." Ngumiti na lang ako kay Lelzie dahil kung lalo ko lang papairalin ang pagkabalisa ko at tiyak na makakasama lang iyon sa kanya. Bumalik ako sa pagkain subalit ang gilid ng paningin ko ay nakatuon kay Ruxle at Starth na nagpapalitan ng masasamang tingin. Sa kanilang banda, tumayo naman si Thimo mula sa kinauupuan niya at tinabihan si Verdlu para masigurong hindi ito magagawang galawin ni Starth. "You guys are too annoying." Saad ni Qatara pagkatayo niya mula sa pwesto niya na basta na lang dinaanan si Starth at Ruxle sa gitna nila mismo. "I almost lost my appetite. Duh?" At tuluyan na siyang lumabas ng dining hall. Muntikan na akong maglabas ng buntong-hininga sa harap ng pagkain kaya naman napalunok na lang ako at mabilis na tinapos ang pagkain ko. Matapos kong kumain ay dali-dali akong lumapit kay Thimo na nasa tabi ni Verdlu, palabas na silang dalawa nang humabol ako at sumabay sa paglabas nila, nagulat na lang ako ng akbayan ako ni Lelzie na tapos na rin pa lang kumain. "Kakakain mo lang, huwag kang tumakbo." Saway ko sa kanya pero nginitian lang niya ako bago itaas ang hinlalaki niya sa akin. "Lelzie, seryoso ako." "I am totally fine." Napaatras ako ng bigla niyang ilagay ang mga kamay niya sa noo ko at marahang hinilot iyon. "Ang dami mong inaalala, baka tumanda ka kaagad niyan. Chill lang, Millicent, chill~" Chill? Kumalma, maghinay-hinay. Paano ko nga ba dapat bigyang kahulugan ang salitang iyon? Napakibit balikat na lang ako hanggang sa marating naming apat ang kwarto ni Verdlu. "Hindi na sana kayo nag-abalang ihatid ako." Pahayag ni Verdlu pagdating namin sa kwarto niya. Hindi ako tumugon sa halip ay nakinig lang ako sa kanya. "Ayos lang naman ako. Besides nasanay naman na ako kay Starth. Honestly, nawiwindang na rin ako sa pag-aalala ninyo sa akin. It… doesn't feel right, there's something wrong at siguro nga ay dahil iyon sa pag-aalala ninyo sa akin. I appreciate that pero ayoko na sanang bigyan pa kayo ng aalalahanin… especially you, Millicent." "Ako?" Naiintindihan ko kung bakit niya ako naituro pero hindi ko maintindihan kung bakit ako lang ang tinutukoy niya. "Stop worrying about me, it is not healthy… for me." Hindi maganda para sa kalagayan niya? Nakagat ko ang labi ko na siyang sinundan ng pagtama ng lindol sa isipan ko para magising ako. "Pasensya na, hindi ko lang maiwasan." "Alam mo Millicent, maiiwasan naman iyan eh!" Biglang bulalas ni Lelzie sa tabi ko, napagilid pa ako dahil sa lakas ng sigaw niya ay tila ba nabingi ako dahil sa lapit niya. "Ang tanong, nasaan iyong magaling mong nurse?!" "Lelzie, Lelzie, calm down." Nilapitan siya ni Thimo dahil nagsisimula na naman siyang sumigaw ng sumigaw. "Hindi naman kasi g×gaguhin ni Starth iyan si Verdlu kung nababantayan siya ng maayos ng nurse niya hindi ba?! Nasaan ba kasi si Nurse Althea? Kapag hindi pa niya inayos ang trabaho niya isa-isa kong bub×nutin ang mga kuko niya…" aniya at ngumisi, pare-pareho kaming nagulat sa mga salitang lumabas sa bibig niya, dahil habang lumilipas ang bawat araw tila ba hindi naman gumaganda ang kalagayan niya. Tila ba lumalala pa lalo. "Lelzie, you know what, just stop talking…" "Do you want to do it with me, Verdlu?" Namimilog ang mga mata ni Verdlu na umiling kay Lelzie. "Hell, no. Never. You're the one who needs to take a rest. You better go back to your room…" "Nah! Let's take off every n×ils of that freak." "No. Seriously, no." "Lelzie, tama na. Besides it'll be better kung iinumin mo na ang gamot mo. Hindi ba?" Pilit na inaya ni Thimo si Lelzie na lumabas na sila ng kwarto ni Verdlu ang kaso ayaw talagang magpaawat ni Lelzie, unti-unti ay kinakain na siya ng sakit niya dahilan upang hawakan ko ang braso niya, nagbabakasakaling makakatulong iyon sa kanya para gumaan ang pakiramdam niya. Bakit pakiramdam ko ay may kasalanan ako kung bakit siya nagkakaganito? Hindi… sadyang kasalanan ko talaga ito. "Instead of arguing about Nurse Althea, why don't we petition to remove her from her job as Verdlu's personal nurse?" Suhestiyon ni Thimo habang abala pa siya sa pagpapakalma kay Lelzie. Bahagyang umawang ang labi ko dahil sa sinaad niya, hindi naman niya ibig sabihin na tanggalan ng trabaho si Nurse Althea, ang gusto niya lang sabihin ay palitan ito bilang Nurse ni Verdlu, kung susumahin, kahit na hindi na kami magpetisyon na palitan si Nurse Althea dahil sa kapabayaan niya ay tiyak na isang salita lang ni Thimo kay Professor Mateo ay agad siyang pakikinggan nito. Napaisip tuloy ako sa sinabi ni Thimo, nagpabalik-balik sa kanilang dalawa ni Verdlu ang tingin ko habang nag-iisip at nang makapagdesisyon ay nagbitaw agad ako ng salita. "Ako na ang magbabantay kay Verdlu." "I'll take the job." Lumingon ako sa likuran ko ng marinig ko ang boses ni Ruxle, salubong ang mga kilay ko na nakatingin sa kanya pero diretso lang siyang nakatingin sa akin habang nakapamulsa. "I will repeat, ako na ang magbabantay at mag-aalalaga kay Verdlu. I will surely do a great job taking care of him." Mabilis kong pinihit paharap sa kanya ang katawan ko, pilit na pinipigilan ang pagtaas ng mga kilay ko. "May alam ka man sa pag-aalalaga sa kalagayan ni Verdlu pero nasisiguro kong mas may kakayahan akong gawin ang trabaho." "What will you do if he suddenly act recklessly? What will you do if he att×ck you? He's obviously stronger than you, you won't stand a chance when he act vi×lently Millicent. Now, let me do the job." Napaisip ako dahil sa inilahad niya. Paano nga ba oras na mangyari iyon? Paniguradong hindi lang ako ang masasaktan, maging si Verdlu mismo. Gayunpaman, mapapantag lang ang kalooban ko sa magiging kalagayan ni Verdlu kung ako mismo ang mag-aalaga sa kanya. Nawiwindang man ako na magsalita para sa sarili ko ngunit tumayo pa rin ako para sambitin ang ibig kong sambitin. "Magagawa kong alagaan at bantayan ng maayos si Verdlu, at ang ibig sabihin nang pag-aalaga at pagbabantay ko ng maayos sa kanya ay nangangahulugan lamang iyon na hindi siya aatakihin ng sakit niya sa pinakamalalang paraan katulad kung paano siya parating inaataki ng sakit niya." Napalingon ako kay Lelzie ng pumalakpak siya at iangat ang hinlalaki tungo sa akin. "I like your statement, Millicent Laverde!" Aniya at patuloy na pumalakpak na animo'y nagtatawag ng kalapati. "Millicent will be a good caregiver to Verdlu, of course! Of course!" Subalit mabilis na huminto sa pagtawa si Lelzie ng tignan siya ng masama ni Ruxle, para siyang bata na nagtago kaagad kay Thimo. "Whatever it is, let me handle Verdlu's condition." "Ako na ang gagawa." "You don't even understand what condition he's really facing as of the moment." "Alam kong schizophrenia ang sakit ni Verdlu at—" "Because of his schizophrenia it affects his mental health as he has having a hard time to address what reality is and what is not. With such condition, patient like him has a different behavior especially when their illness attack them." H-hindi niya ako binigyan na pagkakataong magsalita! Ang lalo pang nakapagpasimangot sa akin ay ipinaliwanag niya sa akin ang bagay na iyon na para bang hindi ko naiintindihan sa pinakasimpleng salita ang sakit na kinahaharap ni Verdlu! Isa't kalahating buwan, isa't kalahating buwan na akong nananatili rito at bawat araw na lumilipas, sa bawat araw na iminumulat ko ang mga mata ko sa umaga at mamamataan ko ang sarili ko na naririto ako tila ba gumigising ako sa pangarap ko. Iyong pangarap ko na makamtam ang komportableng buhay. Na paggising ko sa umaga ay hindi agad nauubos ang lakas ko sa pagmulat lang ng mga mata ko. Sa iisang desisyon na siyang binitawan ko para kay mama ay wala akong kamalay-malay na magagawa kong baguhin ang buhay na kinagisnan ko, hindi lamang ang buhay ko kundi maging ang buhay ng mga kapatid ko. "Handa po ako na sumama sa research ng SeeRange." Ang siyam na salitang binitiwan ko ay siyang naging susi upang mahanap ko ang hugis heringgilyang kastilyo sa gitna ng mapanglaw na kagubatan. Gaano man kapanglaw ang gubat na siyang nakapalibot sa kastilyong ito ay hindi nito nagawang apektuhan ni minsan ang kasiyahan at pag-aasang naghihintay sa heringgilyang kastilyo. "Its decided, I will take care of Verdlu." Muling nagsalubong ang mga kilay ko dahil nagpupumilit pa rin siya na siya na ang mag-aalaga kay Verdlu. Sa pagiging makasarili niya, magagawa niyang mag-alaga ng ibang tao?! Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, hindi dapat ako nag-iisip ng ganitong mga bagay. "Ayaw ko ng makipagtalo sa iyo tungkol dito…" huminga ako ng malalim. "Nakikiusap ako sa iyo, hayaan mo na ako na alagaan si Verdlu, lalo na at makakatulong—AHHHHH!" "MILLICENT!" "LELZIE!" ──────⊱◈◈◈⊰──────
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD