Chapter 2

2992 Words
Millicent's POV Ayaw pa ring bitiwan ni Lelzie ang buhok ko, nagsisimula ng magwala si Uztaki, inaatake na rin siya ng sakit niya, si Verdlu naman nasa sulok na habang humihikbi, napatingin ako kay Pialv gusto niya akong tulungan pero malalagay lang siya sa alanganin oras na tulungan niya ako. "Lelzie, tama na!" "Ang gusto ko... bunutin ang buhok mo, isa-isa mula sa anit mo!" "Sinabing tama na, Lelzie!" "Lelzie, itigil mo na 'yan." Lumapit na si Thimo kay Lelzie para pakalmahin ito. "Thimo-nyo! Bitiwan mo ako!" Pagpupumiglas ni Lelzie mula kay Thimo ngunit hanggang ngayo'y hawak pa rin ni Lelzie ang buhok ko. "Lelzie, masakit na. Pakiusap!" "Thimo, bitawan mo ako!" "Lelzie, nasasaktan na si Millicent, tumigil ka na." "Bitiwan mo ako, Thimo!" "ANONG NANGYAYARI DITO?!" Nadinig ko ang boses ni Manang Esmeralda ngunit hindi pa din ako binibitawan ni Lelzie. "JUSMIYO! LELZIE! BITIWAN MO IYANG SI MILLICENT! AGUY, VICENTE! TARA DITO! NAGKAKAGULO ANG MGA BATA!" sigaw pa ni manang hanggang sa may mga grupo na ng gwardiya na pumasok at inilayo mula sa akin si Lelzie. "Bitawan ninyo ako!" Pagpupumiglas pa ni Lelzie habang hawak siya ng mga gwardiya sa magkabilang braso niya. "Dalhin muna ninyo si Lelzie sa kwarto niya." Utos ni Manang Esmeralda sa mga gwardiya at agad naman itong tumalima. "Millicent, hija. Ayos ka lang ba?" "Opo." "Oh-oh! Turukan muna ninyo ng pampatulog pareho iyang si Uztaki at Verdlu." Utos pa niya muli sa iba pang mga gwardiya na hawak-hawak si Verdlu at Uztaki ngayon. "Tara, hija, bumalik na muna tayo sa kwarto mo." "Opo." Sagot ko at medyo nahilo pa ako pagtayo ko, mabuti nalang at tinulungan akong tumayo ni Manang. "Kayo, Ruxle at Starthew! Bakit hindi man lang ninyo inawat si Lelzie at Millicent??" Galit na tanong ni Manang doon dalawa. Diretso naman akong tinignan ni Ruxle kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. "Sorry po..." Marunong din naman palang mag-sorry ang isang 'to. "Sorry po, kasi busy po ako sa pagbabasa." Puno ng sarkasmong aniya na ikinalaglag ng panga ko. Ang yabang talaga. "Bakit kailangan pa naming makialam? Hindi naman namin sila obligasyon ah." Si Starth naman ang nagsalita. "Tsk! Tsk! Tsk! Halika na nga muna sa kwarto mo Millicent." Ani manang at inilalayan niya akong bumalik sa kwarto ko. "Kayong dalawa, mag-uusap pa tayo mamaya ah!" Tila may banta pa ang tono ng pananalita ni Manang doon sa dalawa. Nang makarating kami sa kwarto ko at kumuha agad si manang ng cold pack at idikit iyon sa ulo ko. "Makakatulong ito para maibsan ang sakit ng ulo mo." "Ah-ah, salamat po pero mas mabuti po siguro kung ako na ang hahawak niyan." Saad ko dahil siya pa talaga ang nagdadampi ng cold pack sa ulo ko. "Ako na ang bahala, Millicent. Kumalma ka lang diyaan." "Eh kaya ko naman pong alagaan ang sarili ko." "Huwag ka ng makulit, kapag nalaman ni Doc Juaneo na may sugat at bukol ka sa ulo talagang matagal kang mananatili doon sa laboratoryo." "Julio po, manang, hindi Juaneo. Doctor Julio Reyes po." "O'siya iyon na nga, pagpasensyahan mo nalang ako at matanda na." Napanguso na lamang ako at minabuting makinig kay manang. Ayokong manatili sa laboratoryo, hindi ako komportable roon lalo pa't kung anu-anong kemikal ang nakikita ko roon, may ibang chemical mixture pa nga na umuusok at talaga nga namang hindi kaaya-aya ang amoy ng mga kemikal doon dahil naghalo-halo na. Sobrang pinahahalagahan kasi talaga ng mga doctor rito ang kalusugan namin kaya naman oras na magkalagnat, ubo, sipon, o sugat man lang kami ay under observation na kami dahil baka isa daw iyon sa mga side effect nung mga gamot na itinurok sa amin. Ang clofrominzum ay isa sa mga gamot na itinuturok sa amin tuwing ikaapat na araw sa loob ng isang linggo. Ang gamot na ito ay pinaghalong antibiotics at mga herbal na gamot tulad ng lagundi, sambong at bayabas. Noong nakaraan lang natigil ang pagturok niyon sa amin. "Millicent, paalala ko lang sa iyo... mamaya ay..." "Hindi ko naman po nakalimutan, blue hour... tama po ako di ba?" "Mabuti at naalala mo." Blue Hour... sa typical na depinisyon sa Google at mga dictionary, ito ay tumutukoy sa paglubog ng araw habang ang kalangitan ay kulay asul na mas lalo pang pinatingkad. Ngunit dito sa SeeRange, ang blue hour ay tumutukoy sa panibagong gamot, na may panibagong gamot silang magagawang ipagamit sa amin, bagong gamot na posibleng lunas sa sakit. "Para saan po ang gamot mamaya?" "Para sa Malaria..." Napatango-tango ako sa isinagot ni manang. "O ayan... kahit papaano okay na ang ulo mo..." "Oo nga po, hindi na masyadong masakit." "Mamayang tanghalian pala... manatili ka nalang rito. Hahatiran nalang kita ng makakain mo." "O'sige po..." Nginitian lang ako ni Manang Esmeralda bago siya tuluyang lumabas ng silid ko. Nang makalabas siya ay kinuha ko ang huling librong binabasa ko, book summary ito ng lesson namin, sa ngayon kasi ay naka-stop kami sa pag-aaral pero siniguro naman ng SeeRange na makakakuha kami ng acceleration test kapag nakalabas na kami sa lugar na ito. Ginugol ko ang mga oras ko sa pagbabasa hanggang sa maunawaan ko ang binabasa ko. Hindi naman kasi ako katalinuhan, hindi rin ako tulad ng ibang estudyante na isang basahan lang ng textbook na binabasa ay mauunawaan na agad, ako kasi kinakailangan ko pang basahin ng paulit-ulit ang binabasa ko para lang maintindihan ito, mas gusto ko 'yung napag-aaralan ko at hindi basta nakakabisado lang. Isinantabi ko muna ang libro ko ng marinig ko ang boses ni Pialv mula sa intercom. "Ate Millicent?" "Pialv, bakit?" Tanong ko din mula sa intercom. "Pwede dyaan muna ako sa kwarto mo? Nabo-bored kasi ako sa kwarto ko." "Ah sige, sige..." binuksan ko naman na ang pintuan at pinapasok siya sa loob ng kwarto ko. Naalala ko tuloy 'yung unang araw na pumasok ako dito sa SeeRange, si Pialv iyak siya ng iyak noon, hindi kasi siya sanay na mapalayo sa parents niya kahit kahit katorse anyos na siya ay grabe pa din siya kung umiyak. Noong panahong iyak siya ng iyak ako ang nag-comfort sa kanya kaya hanggang ngayon, sa lahat ng tao dito sa akin siya pinakamalapit, ganoon rin ako sa kaniya. "Tapos ka na manood ng movie ano?" "Kakatapos ko lang po panoorin 'yung Never Gone sobrang bitin ng ending. Oo nga pala ate, dinala ko ang portable ko rito pati ang flash drive ko, panoorin po natin 'yung Five Feet Apart." "Sigurado ka?" "Sabi mo kasi ate, hindi mo pa napapanood 'yung Five Feet Apart." "Hindi pa nga..." "Tara panoorin po natin," "Sige." Pinaupo ko na muna sa sofa si Pialv, habang inililigpit ko ang mga librong binasa ko. "Ate iyong Titanic po, napanood niyo na?" Tanong niya ng makaupo ako sa tabi niya. "Iyon ba 'yung kay Jack at Rose? Iyong sa may barkong lumubog?" "Iyon nga ate! Ang ganda din nun! Grabe ang iyak ko ng mamatay si Jack doon." "Talaga... umiiyak ka pala sa movies na pinapanood mo." "Opo. Pero ate baka maipaliwanag mo sa akin kung bakit namatay si Jack sa Titanic hindi ko pa rin kasi ma-gets ang part na 'yun." "Ganito kasi iyon, ang katawan kasi natin ay naglalabas ng exercise hormone irisin kapag nasa lamig o nilalamig tayo, ang hormone na iyon ay ginagawang init sa katawan ang fats natin..." "Naintindihan mo ba?" "Opo..." "May isa pang paliwanag sa pagkamatay ni Jack Dawson... hindi ba't nabanggit nila sa movie na sobrang lamig nga ng tubig, at nakita mo rin siguro sa movie na si Rose at iyong ibang sumakay sa Titanic ay nagyelo, ibig sabihin lang nun ay sobrang lamig talaga sa dagat na iyon, ang dugo kasi natin sa katawan ay pwedeng huminto sa pag-ci-curculate kapag sobrang lamig at hindi kinaya ng katawan natin." "Grabe, lalo po tuloy akong naawa kay Jack, ang hirap ng dinanas niya." "Tsk! Tsk! Huwag mo ng alalahanin iyon, fictional character lang si Jack, remember? Pero ang barkong Titanic, totoo iyon, totoong may lumubog na barkong Titanic." "Uhuh... ah sige ate, nood na tayo ng Five Feet Apart." "Sige..." Ipinatong niya sa ibabaw ng lamesita ang portable niya habang magkatabi kaming nakaupo sa sofa. Makalipas lang ang dalawang oras na panonood ay nagulat nalang ako ng makita ang luha ni Pialv na tuloy-tuloy pa rin sa pagtulo. "Ilang beses ko ng pinanood ito ate pero hanggang ngayon ay naiiyak pa rin ako. Ay hala ate... hindi ka man lang naiyak?" "Ha? Eh... bakit ko naman iiyakan 'yan? Movie lang naman 'yan..." "Ibang klase ka ate! Hahahhah tara nood pa tayo ng ibang movie," "Bahala ka." Nakangiting tumango siya sa akin bago mag-play ng movie, portable lang talaga ang gamit nilang manood dito, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng personal gadgets dito sa loob ng SeeRange. Bawal ang cellphone, tablet, laptop, iPad at kung anu-ano pang gadgets, kung manonood ka ng movie may copy ng mga movies na gusto mong panoorin sa laboratory, magsabi ka lang kung gusto mong manood, provided na nila ang portable at ang flash drive. "Oh Pialv, nandito ka pala." Sabay kaming lumingon ni Pialv sa pumasok sa kwarto ko, si Manang Esmeralda, may access kasi talaga siya sa lahat ng kwarto rito kaya makakapasok siya kahit kailan niya gustuhin. "Millicent, inihanda ko na ang tanghalian mo. Ikaw naman Pialv, pinahatid ko na sa kwarto mo ang pagkain mo, ipapakuha ko nalang doon para ihatid dito." "Salamat po manang," tugon ko sa kaniya bago siya lumabas pero ilang minuto lang ay dumating na din ang pagkain ni Pialv. Nagdasal muna kami bilang pasasalamat bago kami sabay na kumain. Kadalasan naman ay sabay-sabay kaming sampu na kumakain pero dahil na rin siguro sa nangyaring isyu kanina sa amin sa entertainment room ay pinaghiwa-hiwalay na muna kami. Kusa akong napatigil sa pagsubo ng pagkain. Iyong nangyari kanina... kasalanan ko ba 'yun? Kasalanan ko ba kung bakit kami nagkagulo kanina? "Ate, ayos ka lang?" "Pialv," "Po?" "Sa tingin mo ba kasalanan ko 'yung nangyari kanina sa entertainment room?" "Wala kang kasalanan ate, ipinagtanggol mo lang naman si Verdlu kanina eh," "Pero kung hindi ko pinairal ang init ng ulo ko hindi aatakihin ng sakit si Lelzie, hindi mapapraning ni Verdlue at Uztaki..." "Ate, don't blame your self, parang ganito lang 'yan, nagpakabayani ka po, at si Verdlu nga ay iniligtas mo, tingin mo ba ate, ang pagpapakabayani ay isa ng kasalanan? Nang iligtas ba ni Jose Rizal ang Pilipinas? Naging kasalanan ba iyon?" "Ang talino mo... grabe..." "Sadyang mahilig lang ako sa history ate," "Sabi mo eh, bilisan na nga nating kumain dahil kailangan pa nating matulog at maligo ulit mamaya. Remember Blue Hour..." "Para sa Malaria di ba ate?" "Mmm..." Pagkatapos naming kumain ay magkatabi na rin kaming natulog, para na talaga siyang nakababatang kapatid para sa akin. Habang nasa tabi ko si Pialv at natutulog naaalala ko na naman tuloy ang mga kapatid ko bago ako umalis para manatili sa SeeRange. Grabe ang iyak nilang lahat noon pero desidido na talaga akong manatili sa SeeRange para sa pera na kakailanganin namin sa operasyon ni Mama. Pagpatak ng alas-cinco ay pinabalik ko muna si Pialv sa kwarto niya para makaligo na siya. Sa pagsalang kasi sa Blue Hour, kinakailangan na malinis talaga kami. "Okay, we will be having an attendance first, starting to our five boys..." Panimula ni Doctor Reyes na siyang magtuturok ng gamot para sa amin ngayon. "Okay, Hatsuro, Uztaki..." "Present." "Hughstome, Ruxle?" "Present." "Luther, Starthew?" "Present." "Whizer, Thimo?" "Present." "Xercival, Verdlu?" "Haaaa? Preeeesennnttt..." Napalingon ako kay Verdlu na nakayuko habang kagat-kagat ang daliri niya. Pati si Doc Reyes ay napalingon sa kaniya kaya tumawag siya ng nurse para alalayan si Verdlu. "Okay, female... Cimmieen, Qatara?" "Present." "Damzerzo, Pialv?" "Present." "Laverde, Millicent?" "Present po." "Panerzo, Lelzie?" "Ako ba ang tinatawag mo, Doc? Ay ako ba? Ano kakanta ako? Ah sige HAHAHAHHAHAH!" Kontrolado pa rin si Lelzie ng sakit niya. Kasalanan ko'to eh... "♪I'm just a girl in a village doin' alright then I became a princess overnight now i gotta figure out how to do it right so much to learn and see♪" "Lelzie kanta din ako!" sambit ni Verdlu at maging si Uztaki ay nakisali. "♪Up in the castle with my new family in a school that just for royalty a whole enchanted world is waiting for me I'm so excited to be SOFIA THE FIRST!♪" Sabay-sabay pa talaga silang tatlo na kumanta kaya napailing nalang si Doc Reyes. "♪I'm finding out what being royal is all about SOFIA THE FIRST! Making my way it's an adventure today it's gonna be the time to show them all that I'm Sofia the firstttt~♪" "Tapos na kayo?" Sarkastikong tanong ni Doc Reyes na hindi naman din pinansin nung tatlo dahil tuwang-tuwa nga sa pagkanta. "Okay... Zayn, Ofeill?" "Present!" "DOC! KANTA PA KAMI!" Sigaw ni Lelzie habang tumatawa pa. "Verdlu at Uztaki tara kanta tayo dali... ♪A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y and Z now I-♪" "Lelzie tama na," "Po? Pero gusto ko pa kumanta," "Mamaya na okay?" "Okay po." "Doc, doc! Ako! Kakanta rin ako!" Sigaw ni Uztaki pero inilingan lang siya ni Doc. "Uztaki, tama na..." "Sayang..." "All right, let us go to the process, Nurses paki-isolate ang mga may sakit, Qatara, Pialv, Lelzie, Verdlu at Uztaki. Pakibigyan sila ng vitamin C at turukan ninyo para sa immunization." Tumango naman ang nurses na siyang umaalalay doon sa tatlo naming kasama na may sakit sa pag-iisip maging si Qatara at Pialv ay sumunod na din sa kanila na nakakikilos naman ng normal. "Okay, let us start with this..." ani Doc at pinaupo kami sa kanya-kanyang seat namin, kada isa sa amin ay tinurukan muna ng antibiotics. Maging ang vitals namin ay kinuha din muna bago kami ilagay sa kanya-kanyang isolated bed, mahigpit kasing pinipigilan ang pagkalat ng mga bacteria at viruses dito sa loob ng laboratory. Sa mga isolated beds ay may mga kable na nakakabit at ito ay ang sumusuporta sa buong process namin habang nakahiga kami rito. Since kami ang ginamit na subjects kailangan na mayroon kaming suporta sa katawan dahil hindi pa sigurado ang mga doktor sa magiging epekto ng mga gamot sa amin at ang isolated beds nga ang nagiging suporta namin. Matapos ang isang oras na pananatili sa isolated bed ay may lumapit na nurse sa akin at ginamitan ako ng syringe para kuhanan ng dugo, matapos kuhanan ng blood sample ay may panibago siyang syringe na inilabas. "Para saan po iyan?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya. "Panibagong gamot." Sagot niya. Ito ata iyong para sa Malaria pero teka??? "Ahm... nurse paano masisiguro na effective ang gamot na ito kung wala naman kaming Malaria?" "Hindi ko din alam, basta sinunod ko lang ang utos ni Doc Reyes." "Okay..." "Mag-hintay ka pa dito hanggang alas-otso, pagpatak ng alas-otso inumin mo ang mga gamot na ito, ito may iiwan din akong mineral water dito." Bilin pa ng nurse at hindi pa man ako nakakasagot ng tugon ay tinalikuran na ako nito. Tulad ng sinabi niya ay ininom ko nga ang mga gamot na iniwan niya pagpatak ng alas-otso at bago ako tuluyang bumangon mula sa isolated bed ay in-off ko muna ito, isang maling galaw lang kasi sa isolated bed ay pwede ng maging sanhin ito ng electric shock o ng electric wiring. "At ang pakialamera ay nandito na." Nakangiwing bungad sa akin ni Starth. Napailing nalang ako at nilampasan siya ngunit ayaw niya akong tigilan dahil hinawakan pa niya ako sa braso ko. "Starth... dyaan ako tinurukan, masakit..." Bahagya niyang tinignan ang parte ng braso ko na hawak niya, akala ko ay bibitawan na niya ngunit mas hinigpitan niya lang ang pagkakahawak sa parteng iyon kaya napadaing ako sa sakit. "Alam mo Millicent, sa totoo lang, simula't sapul... nakakaramdam na ako ng inis sa iyo... at talaga nga namang hindi ko..." Dumiin pa lalo ang hawak niya sa braso ko, nahihirapan naman akong pumalag dahil lalaki siya at mas malakas sa akin. "... maintindihan kung bakit ba inis na inis ako sayo, pero kahit na ganoon..." "Starth, please... nasasaktan na ako..." "Eh sa gusto nga kitang saktan..." "Starth, kung gusto mo sasamahan kitang magpatingin sa mga psychiatrist dito? Baka may sakit ka-" "What the hell, Millicent? Bakit naman ako magkakaroon ng sakit sa pag-iisip?" "Aba... malay ko... bakit hindi ka kasi-" "Millicent Laverde... maganda ka nga, matangkad, palaban at higit sa lahat marunong..." "Starthew! Nasasaktan na ako!" Tumaas na ng tuluyan ang boses ko, habang iniinda ang sakit ng braso ko. Balak ko sanang humingi ng tulong sa kung sinoman pero hindi ko alam kung kanino hihingi ng tulong sa pagkakataong ito. "Sumama ka sa akin." May kakaiba sa tono ng pananalita ni Starth na nagpataas ng balahibo ko. Ang sabi ni Thimo sa akin noon, isang typical na gangster daw si Starth bago pa man siya pumasok ng SeeRange. "Hindi ka naman masasaktan kung susunod ka sa akin." "Pero Starth! Teka nga, naka-drugs ka ba?" "Are you out of your mind?" "Starthew Luther, please ano ba!" "Sumama ka nalang sa aki-ahhhh!" Nabitawan lang ako ni Starth ng mayroong log book na tumama sa kamay niyang nakahawak sa braso ko, paniguradong masakit ang pagkakahampas ng log book na iyon sa kamay niya kaya nabitawan niya ako. Nang maalis ang kamay niya sa braso ko ay agad akong napaurong dahil kinikilabutan pa rin ako. "She's not going with you." May diing saad ni Ruxle kaya wala sa sariling napatulala ako sa kanya. Nagtatagis ang bagang niya habang nakatingin kay Starth, sa tingin palang naglalaban na silang dalawa. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Starth. "Kakagaling ko lang sa isolation bed ng marinig ko ang boses ni Millicent." "Tsh! You can go now, Ruxle." "Okay, let's go, Millicent." "What?" "I'll go with Millicent." Aniya at hinila na ako palayo kay Starth. ──────⊱◈◈◈⊰──────
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD