Chapter 3

2654 Words
Millicent's POV Panibagong araw at hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin akong makatulog, parang lumulutang pa rin ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Ano ba kasi ito? Hindi ko kasi maiwasang alalahanin iyong nangyari kagabi. Si Starth kasi alam kong may binabalak talaga siya kagabi sa akin, sa paraan ng pananalita niya binabalak niyang galawin ako, pero hindi talaga ako mapalagay dahil lang sa binabalak niyang iyon. Hindi lang naman ako nababahala ng dahil doon, nababahala din ako sa sarili kong iniisip. Paano kung hinuhusgahan ko na pala siya? Alam kong gangster siya gaya ng sabi ni Thimo pero paano kung talagang kinaiinisan lang talaga ako ni Starth kaya ganoon siya—naguguluhan na talaga ako. Ang hirap manghusga at magbigay ng opinyon tungkol sa isang tao kung hindi mo naman talaga alam ang ugali niya. Si Ruxle naman, kagabi, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa ginawa at sinabi niya. Pagkatapos ko kasing bumitaw sa kanya mula sa pagkakahawak niya sa akin ay kaagad ko siyang tinanong. "Bakit ginagawa mo iyon?" "Ang alin? Ang ilayo ka kay Starth?" "Oo." "Ah, kung tutuusin wala naman akong pakialam sa iyo sadyang iniisip ko lang ang sarili ko." "Anong ibig mong sabihin?" "Sayang ang talino ko dito, Millicent. Sayang dahil balewala iyon sa mga doktor at propesor na naririto pero kung nandito ka, may silbi ang talino at pananatili ko rito." Nakangising aniya at kinindatan pa ako bago ako tuluyang iniwan. Naiwan akong nakanganga sa gitna ng pasilyo. Kahit kailan ay ang yabang niya. Ang gusto lagi siyang nasa taas. Mas matanda nga ng limang taon sa akin si Ruxle pero kung umasta siya dinaig pa ang bata, siya ang pinakamatanda sa aming sampu ngunit para sa akin mas matured pang mag-isip si Pialv na siyang pinakabata sa amin. Inabot nalang ako ng umaga na hindi pa rin nakakatulog, maging ang pagpupuyat pa naman ay ipinagbabawal sa amin lalo pa't kakalipas lang ng Blue Hour kagabi. Baka magkaroon ng hindi magandang epekto ang gamot na itinurok sa amin kagabi kung ganito lang rin naman na pinili kong magpuyat. Kaya kahit na hindi ako makatulog ay pinilit ko ang sarili ko na matulog. Nagising ako ng tanghalian na, halos limang oras lang ang naitulog ko pero ayos na rin. Ngayong tanghalian ay sabay-sabay na naman kaming kakain, normal naman na daw kahit papaano si Lelzie, Verdlu at Uztaki. Tumabi ako kay Pialv ng nasa hapag-kainan na ako. Tahimik ang lahat at tanging kubyertos lang na tumatama sa babasaging pinggan ang siyang maririnig, walang sinoman ang nagsasalita hanggang sa basagin ni Lelzie ang katahimikan. "Millicent..." Kaagad akong nag-angat ng tingin sa kanya, magkatapat lang naman kami. "Sorry kung nagawa kitang atakihin kahapon." "Ayos lang 'yun, naiintindihan ko." Oo, naiintindihan ko nga ang sitwasyon ni Lelzie, may sakit siya sa pag-iisip pero hindi naman niya ginusto na magkasakit siya di ba? Sino ba namang tao ang gugustuhing magkasakit? "Sorry talaga," "Okay na nga." "Eh bakit mukhang hindi ka nakatulog ng maayos?" Napansin pa niya 'yun? "Ang laki ng eye bags mo oh." "Ha? Ah—ano...?" Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko si Starth na nakangisi. "Hindi nakatulog kakaisip sa akin." Anito kaya tuluyan akong napalingon sa kanya. Totoo nga naman pero hindi ganoon ang ibig sabihin nun. "Hala ate, boyfriend mo po si Kuya Starth?" Tanong ni Pialv na nasa tabi ko. Mas lalo akong natameme sa sinabi niya. "Oo, Pialv, girlfriend ko nga ang ate Millicent mo." Nagmamalaking sabi ni Starth na kinindatan pa ako at dahil doon pakiramdam ko ay bumaliktad ang sikmura ko, literal na nasusuka ako sa ikinikilos. niya. "Mukhang mar*ju*na ata ang gamot na tini-take mo, Starth." Sarkastikong sabad ni Ruxle kaya napunta ang atensyon ng lahat sa kaniya. "Tss! Ikaw ba Ruxle ilang libro na ang nakain mo?" "Sa dami niyon... sobra-sobra pa para ipagmayabang ko sa iyo." "Masyado kang mayabang," "Iyon ay dahil may maipagmamayabang ako hindi tulad mo na kailangan pang mag-ilusyon." "Kahit naman na mag-ilusyon ako kaya kong dalhin sa reyalidad ang ilusyon kong iyon." Napapikit ako sa inis, nagsisimula sila ng gulo at hindi magandang bagay iyon, pwede iyong makaepekto sa tatlo naming kasama. "Starth... Ruxle sa labas nalang kayo mag-away." Singit ko sa pagtatalo nila, lumingon sa akin si Ruxle pero si Starth nanatiling nakatingin kay Ruxle. "Millicent, pakisabi nalang na hatiran ako ng pagkain mamayang hapunan, nakakawalang gana kasing kumain ng may kasabay na ilusyunado." Ang immature talaga. Wala naman na akong nagawa ng umalis na si Ruxle na tapos nga naman na ding kumain. Wala na namang nagsalita sa kanilang lahat maging ako ay nanatiling tahimik hanggang sa matapos ang pananghalian. Nagkanya-kanyang balik ang lahat sa loob ng kwarto nila, si Pialv ay ganoon din, ayaw pa sana niyang bumalik sa kwarto niya ngunit pinilit ko siya at idinahilang kailangan ko pang matulog ulit dahil napuyat nga ako kagabi. Wala sa sarili akong naupo sa sofa ng kwarto ko. Sobrang sarap ng buhay ko dito sa SeeRange. Samantalang ang mga kapatid ko naghihirap pa rin hanggang ngayon, napaisip tuloy ako. Kumusta na kaya sila? Ano na kayang lagay nila? Nakakakain pa rin kaya sila ng maayos hanggang ngayon? Mga tiyuhun at tiyahin lang namin ang nag-aalaga sa kanila ngayon. Si Athena kaya, araw-araw pa rin bang naliligo iyon? Ayaw pa man ding maligo nun ng walang kasama? Si Luhan, ano na kayang nangyari doon sa sinasabi niyang crush niya na mahal na niya kuno, baka pagbalik ko may pamangkin na pala ako jusmiyo. Ang mga kapatid ko kaya ay maayos pa rin ang lagay? Kahit kasi na mahirap kami, sama-sama pa rin kami palagi, ni isa sa amin hindi napalayo ng pagkatagal-tagal, kahit na may mga taong binalak na ampunin ang ilan sa mga kapatid ko noon ay hindi pumayag si mama. Dalawang milyon ang napagkasunduan namin ni Doc Enrique noon na ibibigay niya kapalit ng pagsama ko sa research ng SeeRange, kalahati pa lang ng napagkasunduan namin ang nakukuha ko at ipinangbayad ko agad iyon sa hospital kasama na ang mga magiging gastos ng pananatili ni mama sa hospital na iyon. Ang natira namang pera ay pinampaayos ko ng bahay namin na ang tita ko na nga ang nangasiwa, malaki pa ang natira sa perang iyon na nagawa ko na ring ipambili ng mga bagong gamit ng mga kapatid ko. Isa pa kapag nakalabas naman na ako dito sa SeeRange ay may isang milyon pa ulit akong makukuha mula kay Doc Enrique, kumbaga sa trabaho siya ang employer ko. Napatayo agad ako ng may marinig na alarm, galing sa intercom may mga alarm kasi ang bawat intercom namin rito at gumagana lang iyon isang araw matapos ang Blue Hour. Pinindot ko ang intercom, "SeeRange subjects, go to the laboratory now. I repeat, all SeeRange subjects go to the laboratory now." Siniguro ko lang na maayos ang lagay ko bago ako tuluyang lumabas ng kwarto ko. Nakasalubong ko pa si Qatara paglabas ko ng kwarto ko. "Hi, Millicent! Laboratory din ang punta mo 'di ba? Tara sabay na tayo!" Aniya at hindi pa man ako nakaka-oo ay umangkla na kaagad siya sa braso ko. "Buti nalang pinatawag tayo mula sa kwarto natin, bored na bored na talaga ako. Wala akong magawa, nakakasawa matulog ng matulog." "Bakit hindi mo subukang magbasa ng libro? Malaki ang library sa kabilang area, maraming genre na mapagpipiliang basahin." Kibit-balikat na suhestiyon ko sa kaniya. "May punto ka rin ang kaso tinatamad akong magbasa ng libro eh." "Manood ka ng movie?" "Pag-iisipan ko hehe, oo nga pala, huwag kang ma-o-offend ah, hindi ba't galing ka sa squatter?" Napatigil ako sa paglalakad at diretsong napatingin sa kaniya habang nakakunot ang noo ko. "Uh—oo." "Kung galing ka sa squatter bakit ganiyan ka kumilos, I mean ang pormal mo kumilos, hindi ka rin balbal o jejemon kung magsalita, hindi ka rin mahilig magmura." "Sabihin nalang natin na naturuan at nagabayan kami ng maayos ng mama ko." "Mama mo? Nasaan ang father mo?" "Ang tatay ko... ano... hindi ko alam." "Hindi mo alam?" "Bata pa lang kasi ako tinakasan na niya ang responsibilidad niya sa akin." "Ay! Sorry, I hit the wrong spot ata." "Hmmm? Ayos lang, tanggap ko naman na iyon." "Uhuh... eh ilan kayong magkakapatid." "Isang dosena." "Ano? Isang dosena as in twelve (12) kayong magkakapatid?" "Oo..." "Grabe! Oh pang-ilan ka sa inyong magkakapatid?" "Panganay." "Ang dami ng kapatid mo ah, hindi ka ba nahihirapan?" "Hindi naman, lumaki na may mabuting asal ang mga kapatid ko." "Woah, ang cool ng mother mo ah! Alam mo paglabas natin dito gusto ko siyang ma-meet like hello tita! Ako po 'yung anghel na kaibigan ng anak ninyo! HAHAHAH!" Natawa rin tuloy ako sa sinabi niya. "HAHAHAHA sige ba!" Ang kanina'y mabigat na pakiramdam ko ay unti-unti ng nawawala dahil naaaliw akong kausap si Qatara, simula kasi ng dumating ako rito ay hindi pa kami nakakapag-usap ng ganito. "Tara na dali, baka tayo nalang ang hinihintay roon!" Nakangiti pa ring aniya kaya patakbo kaming pumunta sa laboratory. Hindi pa naman kami late dahil hinintay pa namin si Ofeill na kasabay na pala si Pialv. Kumaway pa sa akin si Pialv ng makita niya ako kaya kinawayan ko rin siya pabalik. "Close na close kayo ni Pialv ano?" Pabulong na tanong sa akin ni Qatara. "Mmm... para na kasi siyang nakababatang kapatid sa akin." "I see," Nagkaroon muna kami ng headcount bago masimulan ang pagche-check up sa amin, sinisiguro lang ng mga doctor na walang hindi magandang side effects sa amin ang tinurok nilang gamot kahapon. "May sumakit ba sa iyo, Millicent, o kaya nakaramdam ka ba ng pagkahilo o pagsusuka?" "Wala naman po." "May bagay bang bumabagabag sa iyo?" Sa proseso ng pagche-check up sa amin, lahat ng tanong ay kailangan naming sagutin ng totoo. "May nangyari po kasi kagabi," Napabuntong hininga ang doctor bago magsulat sa log book. "Ilahad mo." Sandali akong napalingon sa lugar ni Starth at Ruxle parehong ilang metro ang layo nila sa akin. "Iyong isa po kasi sa mga kasama naming lalaki, kahapon, inis na inis sa akin. Hindi ko po maintindihan kung bakit naiinis siya sa akin, wala naman po akong nagawang mali sa kanya..." Iyon lang ang binanggit ko at hindi na binanggit pa 'yung eksena ni Ruxle kagabi. "Tsk! Tsk! Tsk!" Napailing ang doctor pagkatapos kong magpaliwanag. "Mukhang may gusto sa iyo ang lalaking iyon." Nanlaki at nangunot ang noo ko sa sinabi ni Doc. "Naku! Nagkakamali po kayo, hindi po ganoon iyon." "May nagawa ka bang mali sa kanya?" "Wala po." "Kung wala kang nagawang mali, wala siyang sapat na dahilan para kainisan ka unless he likes you." "Napaka-imposible po talaga, Doc." "Ikaw ang bahala." Matapos ang pagche-check up sa amin ay sa pumunta muna ako sa artificial garden para naman mai-relax ang utak ko, kahit papaano nakakagaan din ng pakiramdam ang makakita ng mga bulaklak at halaman,  nakakamiss din ang sinag ng araw mula sa labas kaya mananatili na muna ako rito. Napatingin ako sa kamay ko may hawak pa pala akong ballpen, hindi ko naibalik kanina nung may pinapirmahan sa akin, kaya isinabit ko nalang muna ito sa damit ko. "Ate Millicent!" Nilingon ko ang tumawag sa akin, si Pialv. "Hi Pialv," "Ang ganda talaga dito sa artificial garden ano ate?" "Hmm... nakakawala ng stress." "Bakit stress ka ba ngayon ate?" "Uh? Hindi naman masyado." "Baka nami-miss mo lang 'yung family mo sa labas ate," "Siguro nga." "Ako rin ate, na-miss ko na ang mommy at daddy ko maging ang mga kuya ko. Ang hirap ng wala man lang tayong communication sa kanila ano?" "Kaya nga..." "Ate sa tingin mo bakit tayo pinagbawalan na gumamit ng gadgets dito sa SeeRange?" "Para hindi siguro tayo ma-home sick at magpumilit na lumabas dito, kasi isipin mo ah, kapag expose tayo sa social media habang nandidito tayo sa SeeRange, posibleng makaramdam tayo ng inggit sa mga taong nasa labas na nakikita natin sa social media, isa pa may kontrata tayo sa SeeRange na dapat nating sundin, hindi ba? Saka kung na ho-home sick ka man isipin mo nalang para sa pamilya mo 'tong ginagawa mo, para sa kapwa mo, para sa buong mundo." "Tama ka ate! Grabe, idol na idol talaga kita, ang talino mo po talaga!" "Anong talino, eh ipinaliwanag ko lang naman—" "Ang talino mo nga naman talaga, Millicent." Narinig kong sabi ni Ruxle, nandito rin siya. "Hi Kuya Ruxle. Tama po kayo! Matalino si ate Millicent." "Tss. Eh anong tawag mo sa akin, Pialv?" Nakangising tanong ni Ruxle kay Pialv. Tss... "Mas matalino ka kay ate Millicent kuya!" "Hahahaha alam ko naman 'yun Pialv, hindi mo na kailangang ulitin pa." "Kuya, bakit ang yabang mo po?" Tanong ni Pialv na nagpatigil sa pagtawa ni Ruxle. Ngumisi naman ang huli at tinapik sa ulo si Pialv. "Iyon ay dahil sa may mapagyayabangan ako..." anito at nilingon ako sandali bago harapin si Pialv. "Bukod sa gwapo at mayaman ako... matalino rin ako." "Kuya naman, wala kayang taong walang utak." "Scientifically, yes." "Ano kayang feeling kapag kasintalino niyo ako kuya?" "Wala," "Wala pong feeling?" "Oo dahil hindi mo naman mapapantayan ang talino ko." Napailing ako sa sagot ni Ruxle kay Pialv. Napakayabang talaga kahit kailan. "Ang bad mo kuya." "Psh! Whatever, babalik na muna ako sa kwarto ko." "Sige po kuya." Tiningala ko nalang ang araw, sa itaas may salaming nakaharang rito na siyang nagsisilbing proteksyon upang hindi sobra-sobra ang sikat ng araw rito sa garden, dahil din sa salamin na iyon ay hindi masakit sa mata ang sinag ng araw at pwede itong titigan. "Ate, Millicent..." napaigtad ako ng maramdaman ang malamig na kamay ni Pialv kaya nilingon ko agad siya. "Pialv, namumutla ka, okay ka lang?" "Nahihirapan... akong... humi... nga..." "P-Pialv, teka—Pialv! Gising! Pialv!" Nakaramdam na ako ng pagkataranta ng mawalan ng malay si Pialv, buti nalang at nasalo ko siya. "Pialv, gumising ka, Pialv." Nawalan siya ng malay at hindi ko alam kung dapat ba akong magsagawa ng CPR! Inayos ko ang pagkakahiga niya at tinignan ang pulso, maayos pa naman pero putol-putol, ang paghinga niya, may nadinig akong hindi kaaya-aya na para bang aatakihin siya ng hika, iginalaw ko ang ulo niya paangat dahil posibleng nakaharang ang dila niya sa lalamunan niya. "Pialv," Hindi pa din ito rumeresponde kaya umayos ako ng posisyon ko para magsagawa ng CPR sa kanya. "Pialv! Dumilat ka! Pialv." Ayaw pa rin, wala siyang naging response sa ginawa kong CPR. Kahit na medyo nababalangko ang utak ko ay nagawa ko pa ring lumabas ng garden para humingi ng tulong at ayun si Ruxle hindi pa nakakalayo. "Ruxle!" Lumingon agad siya. "Si Pialv, nawalan ng malay at hindi normal ang paghinga niya." "What?" "Nandoon—" hindi ko pa man tapos ang sinasabi ko ay tumakbo na siya papunta sa garden at agad naman akong sumunod sa kanya. "s**t! Hey, Pialv, wake up." Aniya ng malapitan ang walang malay na si Pialv. "D*mn..." Ginawa din niya ang ginawa kong pagcheck sa pulso at paghinga ni Pialv kanina saka siya nag-perfome ng CPR. "Pneumothorax..." Mahinang usal nito na nagpalaglag sa panga ko. "Ruxle, kailangan ng..." "Alam ko." "Tatawag lang ako ng doctor," "Nasa meeting silang lahat, sa conference room, malayo pa iyon mula dito, kailangan na agad ni Pialv ng agarang lunas." "Pero wala akong karayom... needle... ano... ewan!" "Huwag kang tanga!" Sigaw niya sa akin at biglang nalang hinablot ang damit ko—hindi! Iyong ballpen pala ang hinablot niya sa akin, 'yung ballpen'ng hindi ko naibalik. "T-tension Pneumothorax? H-huy! Baka hindi..." "Nakita ko ng ginawa ng dad ko 'to." "Ruxle! Baka mapahamak lalo si Pialv!" Hindi naman na ako pinakinggan ni Ruxle at basta nalang niya binaklas ang ballpen at iyong plastic na lagayan nung ballpen ay basta nalang niyang binali. "Gagawin mo talaga?" "Kailangan, Millicent!" "Mag-iingat ka." Tanging nasabi ko kahit na nag-aalangan ako sa resulta ng gagawin niya. ──────⊱◈◈◈⊰──────
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD