MILLICENT'S POV "Let us begin with Starthew Luther." Naniningkit ang mata kong pinagkatitigan ang larawan ni Starth sa hologram. "Hindi ba at siya ang unang tao na nanakit sa iyo dito sa SeeRange? Unang araw pa lang hinaharas ka na niya." Alam niya ang tungkol sa bagay na iyon? "Hindi mo man lang ba naisip kung bakit galit na galit siya sa iyo noong una kayong magkita tapos noong hindi na maganda ang relasyon mo sa iba mong kasama bigla siyang lumapit sa iyo? Naging maayos nga kayong dalawa pero nag-away na naman kayo and like what he does to you before, sinaktan ka na naman niya ng pisikal." Bantay sarado ba niya ang kilos naming lahat o ang kilos ko lang? "Oh ano ngayon?" Pabalang na tanong ko sa kanya. "Would you mind reminiscing the past Millicent?" Ngumiwi ako. "Sige lang. Tapos

