MILLICENT'S POV Nagising ako na may taong humahaplos sa kamay ko. Napabalikwas ako ng bangon at mabilis na hinanap ang taong humahaplos sa kamay ko pero mabilis na napalitan ng tanong ang isip ko kung nasaan si Eilia dahil ako na ang nakahiga sa kama ko ngayon. "Gising ka na." Tinignan ko ang taong malumanay na hinahaplos ang kamay ko. "Eilia... g-gising ka na." Nangibabaw ang labis na tuwa sa akin ng masilayan ko ang mukha niyang nakangiti sa akin. "Bebe gurl." Sinuklian niya rin ako ng nginitian at ang tawag niya sa akin na iyon, matagal kong hindi narinig iyon. "Sorry kung nahampas kita sa ulo ah. Natakot kasi ako." Hindi mapawi ang ngiti sa labi ko ngayon kaya niyakap ko na siya, lalo akong natuwa ng yakapin niya ako pabalik. Gumaan ang pakiramdam ko ngayong nalaman kong gising

