MILLICENT'S POV "Natagalan ka ba sa akin?" Bungad ko kay Eilia ng makapasok ako sa kwarto ko. Nakangiti niya akong sinalubong ng yakap, iyon nga lang hindi ko siya nagawang yakapin pabalik dahil sa bitbit ko. "Eilia." "Bebe gurl." Nakangiti pa rin siyang kumalas ng yakap sa akin.Tibay. Ang ngiti niya walang kapawi-pawi, ano nalang kaya kung malaman niya lahat ng nangyayari dito? "Ang dami mo namang dalang grocery, ano iyan? Ayuda ni mayor? Ay hindi, sobrang dami eh, mas marami pa ata sa ayuda ni mayor." "Ayuda nga." Tugon ko at inilagay sa lamesa ang dalahin ko, hindi naman nauubusan ng stock ng pagkain sa kusina kaya ayos lang na marami akong kinuha. "Ayuda pero hindi galing kay mayor." "Eh kanino? Anyways, nagsaing na ako sa rice cooker ah. Angas mo bebe gurl, bonggang-bonga ang life

