MILLICENT'S POV Kakapasok lang ni Eilia sa banyo para maligo ng may kumatok sa kwarto ko. Tinignan ko ang oras, gabi na, sino naman ang kakatok sa akin ng ganitong oras? Lumingon ako sa banyo, abala sa pagligo si Eilia dahil naririnig ko ang lagaslas ng tubig. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto upang buksan iyon, mamaya nito ay may nakainda na palang kutsilyo sa akin kapag hindi ako nagdahan-dahan. Si Professor Ronaldo ang nakita ko sa peephole ng sumilip ako. "Gabi na, bakit nandito ka?" Tanong ko sa kanya ng buksan ko ang pinto pero hindi ko siya pinatuloy. "Good evening, Millicent." Sarkastikong bati niya kaya nablanko ang mukha ko. "Nawala sa isip kong ibigay ito sa iyo." May inaabot siyang pulang parihabang karton sa akin, hindi ko alam kung dapat ko ba iyong tanggapin. Noon

