MILLICENT'S POV Tinignan ko si Qatara na patuloy sa pag-iyak na nakayakap na kay Uztaki ngayon, umiiyak na parang bata. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang kaawaan o ano pero pinili kong hindi nalang umaksyon. Aba, ang galing mukhang magsasama-sama sa kulungan ang tatlong d×monyo nito. Ang dalawang propesor na pumatay at isang doktor na gumahas ng menor de edad. Ano iyan friendship goals? Sinigawan ni Professor Ronaldo si Ofeill kanina pero wala naman siyang pinalapit kay Ofeill para awatin ito. May alam ba si Professor Ronaldo sa ginawang kabab×yan ni Doctor Reyes? Kung may alam man siya paniguradong pati ang bagay na ito ay pilit niyang itatago kasama ng kasalanan nila ni Professor Mateo at kapag nangyari iyon malamang pati ako ay ilalag ni Professor Ronaldo dahil sa ginawa ko uma

