MILLICENT'S POV "Careful." Nilingon ko si Ruxle ng hawakan niya ako at patigilin sa paglalakad. Tinanguan ko lang siya at nauna akong maglakad, inalis ko na rin ang suot kong sapatos para mas tahimik akong makapaglakad. Masyadong marami ang bantay sa paligid ngunit nagsisitulog sila ngayon kaya kinuha namin ang pagkakataong ito para mabilis na mahanap lahat ng kailangan namin. Marahan ang ginawa kong paghakbang nang hindi ako makagawa ng ingay, ganoon din si Ruxle subalit hindi pala umaayon ang panahon sa amin dahil may iba pang guards na dumating na siyang nagpagising sa iba pang Evolus. Mabilis akong hinila ni Ruxle para makapagtago, umangat ang tingin ko sa kanya ng takpan niya ang bibig ko kaya naman tinakpan ko din ang bibig niya na nagpakunot sa noo niya ngunit tinaasan ko lang

