MILLICENT'S POV Sumikat na ang araw ngunit ang nakasanayan kong pagbubukas ng bintana ay hindi ko nagawang gawin, dahil sa kailangan kong umiwas pansamantala sa mga tao dito. Bumangon nalang ako mula sa pagkakahiga sa kama at pumunta sa banyo upang maligo, ang malamig na tubig ay nagdala ng panginginig sa katawan ko, Pebrero na ngayon at normal lang na talagang taglamig lalo na sa umaga, kahit na ang mainit na tubig ay tila ba walang palag sa malamig na klima. Hindi ako sigurado kung gaano ako katagal na naligo ngunit masasabi kong mas matagal ang naging pagligo ko ngayon kumpara sa nakasanayan ko noon. Matapos maligo ay inayos ko na ang mga kasangkapang gagamitin ko sa pagkain. Tatlong araw na ang nakalipas simula ng tulungan ako ni Thimo na makalabas sa kwarto kung saan ako ikunulon

