MILLICENT'S POV Kape, gatas, tsaa, calamansi at sili. Hindi ko alam kung magagawa kong magising dahil sa mga ito. Sabi ni Thimo pampagising lang daw ang kape ngunit susubukan ko pa rin para magawa ko ng mapalis ng tuluyan ang epekto ng gamot na itinurok sa akin ni Professor Mateo. Iinom ako ng kape ngayon at titignan ang magiging epekto nito sa sarili ko, sana lang ay makatulog na ako ulit ng walong oras sa loob ng isang araw. Sinimulan ko ng itimpla ang kape, may nasagi akong mansanas sa lamesa ngunit itinabi ko lang ito, baka lalo lang akong antukin kapag kumain ako ng mansanas. Tatlong basong kape ang iinom ko, purong-puro. Alam kong makakasama ang uminom nito ng ganito karami subalit mas makakasama kung patuloy akong makakatulog ng napakahabang araw. Alas-dose na ng madaling ara

