LANCE'S P O V " No! I want us to get married this month. " tanggi ko sa gusto ni Eloi na next month pa kami ikasal. " Huh!? How?! " gulat n'yang saad at nagkaruon ng maliit na gitla sa kanyang makinis na noo. " Oh! S'ya! S'ya! Madali na 'yon! " singit namang tugon ni Mommy, " Apurado pa ngayon sa kasal, dati - rati hirap daw maghanap ng kanyang mapapangasawa. " dugtong pa n'yang wika. Kaya mahina lamang natawa ang mga kaharap namin sa maluwang na living area ng bahay nila Eloi. Napapa - kamot lamang ako sa aking kilay. Nandito kami ng buong pamilya ko, except s'yempre sa ate Marge na nasa abroad, ngayon sa kanila at namamanhikan na kami. Kumpleto rin naman ang buong pamilya ng Fiancee ko, pati na rin ang kanyang Yaya Beb, dahil s'ya na nga ang last na mag - aasawa sa kanilang pami

