ELOI'S P O V ELOI'S P O V " Bakit dito tayo? " takang tanong ko kay Lance, nang ayain n'ya akong manuod ng movie sa isang movie house sa isang mall. Alam ko naman kasing hindi s'ya mahilig duon. At kung manuod man ay sa bahay na lang nila, meron naman kasi silang movie theather sa bahay. " Wala naman! For a change! " tugon n'yang nanlalamig ang kamay na naka - hawak sa braso ko para maalalayan n'ya akong maglakad sa papasok sa madilim na silid. Hindi na ako kumibo at hinintay ko na lang ang pag - upo namin sa mapipili n'yang upuan. Sa bandang unahan pa ang nakuha n'ya, sa sobrang dilim nga ay wala akong makitang mga tao na kaparehas din naming manunuod. Puro trailer pa lang muna ang pina - pakita sa big screen, hindi pa naman kasi oras ng showing nang panunuorin sana naming movie, baka

