THIRD PERSON P O V " Sure ka na ba!? " gulat na tanong ni Benj at nanlaki pa pati butas ng kanyang ilong. " Hundred percent sure! " seryoso namang tugon ni Lance at tsaka s'ya tumingin ng diretso sa kanyang mga mata. Para malaman nitong desidido nga s'ya sa kanyang pinag - tapat kani - kanina lang. Ilang segundo ring nakipag - titigan ito, kaya nu'ng masalamin nito sa kulay brown na mga mata ni Lance ay humugot na lamang ito ng malalim na buntong hininga. " Okay! Supportive naman tayong magkakaibigan sa isa't isa kaya kung ano man ang kailangan mo sabihin mo lang! " tugon naman ni Benj, kaya nangiti na rin si Lance. Itinuloy na muna nila ang pag - inom habang hinihintay si Arnold na dumating, nandito ulit sila sa Bar ni Lance. Ilang linggo pagkaraan nila Lance pumunta sa Rest house

