Pagkakuha ko ng ticket, umupo muna ako sa waiting area, nag iisip kung san at anong dapat kung gawin.
di ako pweding tumawag kay daddy para di malaman ni ate Mildred ang plano namin.
" Bahala na kung san man ako makarating at mapunta, si Univers nalang ang bahala sakin."
Nag check in nako sa para mabilis nalang mamaya baka maiwan pako ng airplane. kung di sana ako inaway ni ate Mildred malamang nasa bahay pa ako hanggang ngayon baka umabot pa ako sa birthday ko sa bahay.
Pero nandito nako kailangan kung magpakatatag. after 30 mins boarding na kami. 1hr and 30 mins ang byahe papuntang manila, sa wakas makakaalis nako, pero di ko talaga alam anong mangyayari sakin pag dating ng manila.
Pagkalapag ng airplane sa airport ng manila, mas pinili ko nalang munang magpahinga at tumambay muna sa upuan, bigla akong kinabahan kaya balisa ako. ganito pala ang pakiramdam ng mag Isa at walang Kasama sa malayong lugar, patingin tingin lang ako sa paligid marami ng tao ang naglalakad palabas ng airport samantalang ako di mapakali.
" You can do it Mia, kaya mo ito." pagpapakalma ko sa sarili ko, bumili nalang akong tubig at bumalik ulit sa upuan.
" daddy I'm scared. " bulong ko sa hangin
Maya kunti ay may lumapit sakin mag asawa nasa 50' s na ang mga ito sa palagay ko.
" ok ka lang ba Miss? " Tanong ng ginang sakin
" ah po. hindi po ako ok.kakarating ko lang po kasi galing akong Cebu di ko po alam san ako pupunta ngayon. " Sabi ko.
" Ay ganon ba bat lumuwas ka ng di mo alam kung san ka pupunta? " Tanong ng ginang ulit.
" kailangan ko po kasing maghanap ng trabaho para makatulong sa papa ko." pagsisinungaling ko.
"ah ganon ba kawawa ka naman, Gabi na hija, kung gusto mo pwedi kang sumama sa Bahay dun ka muna mag trabaho hanggat wala ka pang napapasukan. " alok ng lalaki
" by the way hija ako pala si Wilbert at ang Asawa ko naman si Ana. " pagpapakilala nito.
" ako din po pala si Mia. nice to meet you po Sir Wilbert at Maam Ana. " Sabi ko
" Ano Mia gusto mo ba sa Bahay ka Muna pansamantala? " tanong ni Maam Ana.
" at pwedi ba tita at Tito nalang itawag mo samin. masyadong pormal pag sir at maam kung ok lang sayo. " Sabi ni Tito Wilbert.
" kung yan po ang gusto niyo tita, Tito. salamat po. " Sabi ko
" So sama kana. " Sabi ni Tito.
" Sigi po. " Sabi ko, sumama nalang ako sa kanila dahil mukha naman Silang mabait at mapag kakatiwalaan.
Nakasunod ako sa kanila habang naglalakad bitbit ko ang maleta ko.
" Mia ako na magtutulak ng maleta mo. " alok ni Tito.
" ako na po Tito magaan lang naman po." sagot ko dito
Magiging kasambahay nila ako, Wala akong alam na gawain sa bahay bahala nalang magpapaturo nalang ako.
Paglabas namin ng airport andun na pala ang sundo ng mag asawa, maganda ang sasakyan nito mamahalin, alam niyang mahal dahil may ganong klaseng car ang daddy niya.
" kuya pakuha ang maleta ni Mia please. " Sabi ni tita, kinuha naman nito at nilagay lahat ng baggage namin sa likod ng kotse.
" Mia sakay kana. " sabi ni Tito dahil pinagbuksan pa ako nito ng pinto ng kotse
magkatabi sila sa harap ko na upuan at ako naman sa likod nila.
Mayaman din sila, nagmamasid nalang ako sa nadaanan namin sa labas, para din siyang Cebu madaming building at maliwanag kahit gabi na dahil sa ilaw. Napukaw ang attensyon ko nung nagsalita si tita.
" Mia ilang taon kana? " bigla nitong Tanong sakin.
" ahmmmp tita 21 po pero malapit nakong mag 22, I'm old enough na po. " natakpan ko ang bigbig ko dahil nakapag English ako ng wala sa oras.inisip ko baka mabuking nila ako.
" Mia you speak English well huh. " Sabi ni Tito.
" Mga basic lang po Tito. " sagot ko nalang.
" Mia my anak kami, si Justin at Jasmin makikilala mo sila mamaya." Sabi ni tita
" ah ok po tita, " sagot ko lang. Buti naman parehong babae ang anak nila, sana makasundo ko.
" don't worry Mia mababait sila. makakasundo mo yun malamang. wait Sabi mo malapit Kanang mag 22 kailan Ang birthday mo? " biglang Tanong ni Tito.
" next week po Tito, Oct 30. " sagot ko bigla kung naalala si Mommy.
" hija don't be sad ok lang yan." Sabi ni tita, na mukhang nag alala.
" may mommy ka pa ba? nabanggit mo kasi kanina papa lang. "
" ah wala na po akong mommy tita she died 2 years ago po car accident. " Sabi ko naluha nako kaya di na Siya nag follow up question about sa mom ko.
" Sorry Mia to here that, at sorry napaalala ko tuloy sayo. " Sabi nito
" ok lang po tita, ok na ako ngayon medyo tanggap ko na po. " sagot ko nalang pero ang bigat pa din sa dibdib yung nangyari.
Alam kung ramdam nila ang lungkot ko, bigla kasi itong natahimik, mabilis lang ang byahe dahil gabi na, mabilis lang kaming nakarating sa Isang exclusive subdivision sa may paranaque.
Pinapasok kami agad ng guard at deritcho lang kami hanggang sa huminto ito sa malaking gate. Napakaganda ng Bahay sa labas pa lang kami pero ang gara na nito tingnan sa labas.
Naisip ko tuloy ang yaman pala nila, bakit naman ang bilis nilang nagtiwala sa Isang kagaya ko. Nakakapag taka pero laking pasasalamat ko na din dahil di ko naman talaga alam kung san ako pupunta.
Nagbukas ang malaking gate, at bumungad samin ang napakagandang mansion na new model lang yata dahil parang bagong gawa lang ang bahay nila.
" Bagong gawa po Ang house new tita? " di ko napigilang tanong.
" Yes hija,. sa isang Bahay sa Makati kami nakatira ng ilang months dahil Pinabago ko lahat ang design ng Bahay na ito. the new modern mansion. ayaw ko na ng makalumang mansion hija so we change. " Sabi nito sabay ngiti sa asawa nitong katabi.