CHAPTER 8

1019 Words
" Sa una hindi anak, kasi si Mommy mo lang talaga ang mahal ko, Nung mga panahon na lugmok ako at walang makausap, Si ate Mildred mo lagi ang nandyn para patawanin ako at para alagaan ako. Nung isang beses na nag inom kami Kasama ng mga tauhan natin sa office nag bar kami, nagising nalang ako sa isang hotel na may katabi at Wala Ng damit." mahabang kwento ni dad " At ayon na nga katabi ko na siya, at lumipas yung 1 month nagsabi na siya na buntis siya. So tinanggap ko nalang at naging kami na nga, pero anak magkahiwalay pa din kami ng room niyan di ako tumatabi sa kanya, kasi si Mommy mo pa din ang nasa isip at puso ko, parang di ko kayang may mangyari saming dalawa ni Mildred sa mismong Bahay pa natin. " dagdag pa nito. " So dad you're drunk that time, nung may nangyari sa inyo? Are you sure na may nangyari talaga? Maybe she planned all of this so that she can hook you and be part of our family. " Sabi ko. " Anak I'm not sure but be careful ok, wag mong sabihin to sa iba, Basta daddy will always love you and I will always choose you no matter what happen. " Sabi nito " Basta malalaman natin pag lumabas na yung baby. " dagdag pa nito. " ok dad, I won't tell it to anyone. secret lang natin to. " dad if ever umalis man ako it's for us huh, Basta dad know that I love you. and dad kung mangyari man Yun, mag ingat ka ok at Kay Sofia ka magtanong sa kanya ako cocontact kung mangyari man yun, be strong para kasi tayong nagpapasok ng ahas sa sarili bahay dad, and anytime pwedi niya tayong tuklawin." Sabi ko " Malalaman din natin anak kung anong totoo, kung lalabas ang baby, mag papa DNA ako agad at di niya malalaman Yun, marami din akong asikasuhin bago pa Siya manganak. Basta ingat ka lagi anak, kung kailangan mong lumayo para di ka masaktan ng babaeng yun ok lang sakin.basta dapat ligtas ka. " Sabi ni dad. " Malapit na graduation ko dad halos kasunod lang ng birthday ko, finally makakatapos nako. " Sabi ko " congrats in advance anak, you did well, I'm so proud of you. I love you. " Sabi ni daddy " I love you too daddy. thank you dad. "Sabi ko Dumating na ang mag Ina galing sa gala, at bumaba ng sasakyan na madaming dalang shopping bags. " Hi hon. " bati nito sa daddy ko. " Ngayon ko lang napansin na parang di comfortable si daddy na tawagin ng hon ng babaeng ito, now it makes sense. " sa isip isip ko lang " Dad pasok nako sa room ko goodnight dad." Sabi ko sabay halik sa pisngi ng daddy ko. lumipas ang isang buwan at graduation ko na, at next week naman ay birthday ko. Masaya sila dad, lolo at lola ko, masaya kaming kumain lang sa labas after graduation at naghanda rin sa bahay sila dad, dahil may mga bisita siyang dumating at mga kaklase ko din nagsipunta sa bahay. Nagsindi lang ako ng candle para Kay mommy. "Finally mommy tapos nakong mag aral, akalain mo yun kahit ang hirap pumasok sa school simula nung nawala ka, Pero ako parin ang nasa top, ako pa din ang com laude mommy. Sobrang saya ni dad, Sana ikaw din, mahal na mahal ko kayo ni daddy mommy. " After party natulog nako. kinabukasan nagising ako sa malakas na katok ng pinto.kaya gumising ako at binuksan ko kaagad ang pintuan. " oh nagising ang prinsesa, Bakit naging cold ang daddy mo sakin anong sinabi mo sa kanya huh, " bigla nitong hinablot ang mahaba kung buhok at sinampal ako ng malakas. " outch ate masakit, Wala akong sinabi Kay daddy ano ba bitawan mo ako. " sigaw ko dito. " wag mo akong saktan sa sarili naming pamamahay sumusobra kana. " hinablot ko ang buhok niya at bigla itong sumigaw. sinampal ko din ito ng malakas sa sobrang galit ko. " Albert Albert yung anak mo sinasaktan ako, aray aray tama na. " malakas na sigaw nito, dahilan para lumabas si daddy sa room niya. " Mia stop that." Sabi ni daddy pero dahil galit pa din ako sinampal ko pa ulit si ate Mildred. " ikaw ang kakampihan ng daddy ko diba sigi magsama kayo. " Pero alam kung di galit si daddy sakin pinapalabas lang nito na si ate Mildred ang kinampihan niya. " Mia bitiwan mo na yan. " kaya binitiwan ko ito at pumasok ako sa room ko. Nag impake nako ng mga gamit ko, luluwas nako ng manila. Magpapalamig muna ako, bahala na, kailangan kung maging independent. para samin ni daddy kahit magkalayo kami, di pa namin alam kung ano talaga ang plano ng babaeng yun, kailangan naming maging wise ni daddy. di na ako pinuntahan ni daddy sa room ko, alam ko na kung bakit. kaya nung gabi na lumabas nako ng bahay at nag taxi nalang papuntang airport. kailangan ko munang lumayo, baka may binabalak pa si ate Mildred na mas masama pa. " daddy wag Kang magpatalo, Sana kayanin mo na mag isa ka lng, Sana isang araw maging ok na lahat at sunduin mo na ako. " Kailangan kung eh message si Sofia. " Sofia if dad will ask you please tell him that I'm fine, at mag ingat siya lagi mahal na mahal ko siya. pakisabi please. " Mia " Sigi Mia ingat ka kung san ka man pupunta huh. " reply nito. " I will, thank you Sofia. " Pagdating ko ng airport kumuha na agad ako ng ticket, marami pang pera ang atm ko na mula sa allowance ko dati, dahil lagi itong nilalagyan ni daddy. kaya balak kung mag withdraw sana, Pero pagkabukas ko ng bag ko nagulat ako dahil may 5 bundle ito ng tig 1000k, 500k lahat. ramdam talaga ni daddy na aalis ako kaya siguro naglagay ito ng pera sa bag ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD