" kakayanin ko Sofia, pilitin kung magpaka tatag at pilitin kung di maging mahina." Sabi ko, Maya kunti ay my kumatok sa pintuan. sino kaya yun.
" bukas yan." sigaw ko, kaya tinulak nito ang pintuan.
" anak ok ka lang. " Sabi ng Yaya ko na nilapitan pa ako agad nito.
" May masakit ba sayo anak, may pasa ka sa braso bakit? " Sabi nito, kaya umiyak ako habang yakap ang Yaya ko.
" Yaya ang sama niya, tinapunan ako ng kape, pinag linis ng pool, sinabunutan pa at kinaladkad. this is the worst day of my life Yaya. sobrang sakit po."
" tapos yung kwento niya Kay daddy ako daw ang nanakit. ako daw ang nauna." himutok ko kay Yaya.
" Sorry anak di kita napag tanggol kanina, tinakot niya kami, di niya kami pinalabas Ng kwarto. "
" Wag ka nalang lumabas pag nandyn siya, iwasan mo nalang siya, pero anong nangyari bat basang basa siya? " Tanong ni Yaya
" tinulak ko siya ya, naawa kasi ako Kay Mia, kaya para matulungan ko siya tinulak ko si ate Mildred sa pool. " paliwanag ni Sofia.
" Salamat sa pagtulong sa alaga ko Sofia huh, salamat at naglakas loob Kang ipagtanggol siya. " sabi ni yaya habang pinupunasan nito ang mga luha ko sa mata.
" kahit sino ya ang makakita sa ginawa ni ate Mildred talagang maawa Kay Mia. tsaka ya pag Kay Mia talaga ipag tatangol ko talaga. " Sabi pa nito.
" oh siya kailangan niyo ng kumain para lumakas kayo, galing kayo sa digmaan eh." Sabi pa ni Yaya na natawa naman kaming magkaibigan.
" tsaka Mia pinaakyat talaga ako ng daddy mo baka daw di kapa nakakain, kaya bumaba na tayo. " dagdag na sabi pa ni Yaya.
Nung dumaan kami sa room na ginamit nila daddy at ate Mildred narinig namin na nagsigawan ang mga ito.
" wag na wag mong saktan ang anak ko Mildred kung ayaw mong paalisin Kita sa pamamahay ko. " Sabi ni Daddy
" di ko sinaktan ang anak mo tinuruan ko lang siya pano kumilos dito sa bahay, dahil yang anak mo walang kaalam alam sa mundo." sigaw nito
" Wala ka ng paki sa anak ko, kung di man siya kumikilos dito sa bahay Wala ka n dun. ayusin mo yang ugali mo Mildred. "
" Napanood ko lahat sa CCTV ang ginawa mong pag gising at pagtapon ng kape sa anak ko huh. di kita mapapatawad pag inulit mo pa yun. pasalamat ka di naka record yung sa pool area kung nagkataon at nakita ko ang pinag gagawa mo sa anak ko ipapakulong kita. "
" May pasa sa braso ang anak ko anong ginawa mo dun huh? " gigil na sabi ni daddy Kay ate Mildred.
Pero di ito umimik at nag iiyak nalang, Buti nalang talaga at may CCTV kung hindi binaliktad pa ako ni ate Mildred.
" Hali na kayo ng makakain na. " Sabi ni Yaya
Masaya ako na nalaman ni daddy ang totoong nangyari. mahal talaga ako ni dad kasi di ito Basta bastang naniwala Kay ate Mildred. Sana lang talaga di siya pakasalan ni daddy para di magiging legal ang pagsasama nila.
Medyo nabawasan ang bigat sa puso ko.
" Mia ok kana? " Tanong sakin ni Sofia.
" ayos lang ako tara na baka mapansin ni Yaya na di tayo nakasunod sa kanya." Sabi ko
Habang nagpapahinga nalang kami ni Sofia sa baba kakatapos lang kumain biglang bumaba si daddy at pinuntahan ako nito sa sala.
" Anak can I talk to you? " Sabi nito at tumabi sakin. Nakita ko pa lang si daddy ay tumulo na agad ang luha ko. kaya dali dali ko itong pinunasan.
" Sure dad basta ba your not mad ok lang sakin." Sabi ko
" I'm sorry anak nasaktan ka ng ibang tao, sorry din kasi nagalit ako sayo kanina bigla at naniwala agad sa kwento ni Mildred. Sana mapatawad mo ako anak sa di pag protect sayo." Sabi nito
" ok lang dad, sana next time alamin mo din yung side ko. she hurt me dad. she even pulled my hair Buti nalang Sofia is here to protect me." Sabi ko
" thank you Sofia sa pag protect sa kaibigan mo." tango lang ang sinagot ni Sofia.
" Di ko mapaalis si Mildred dahil ang sabi niya sakin ay buntis daw Siya, di ko naman kayang pabayaan lang ang Kapatid mo anak kaya iwasan mo nalang siya para di kayo magkabanggaan." Sabi pa nito
" really dad, sana nga dad totoong buntis siya. Sigi dad ako nalang ang iiwas at sana wag din niya akong pakialamanan, Basta mag ingat ka sa kanya dad, I smell something fishy sa kanya, mukhang may binabalak." nasabi ko nalang.
" Pero dad may balak ka bang pkasalan
Siya? "
" Wala anak, gusto ko si mommy mo lang ang unat huling pakakasalan ko. at promise yan ."
Lumipas ang ilang months at medyo ok na ako, di kami nag papansin ni ate Mildred. hinayaan nila ako, pinapansin ko din ang tyan nito pero di naman ito lumalaki.
"Ano kayang binabalak nito? " sa isip isip ko lang.
" Anak ok ka lang? " Tanong ni dad sakin.
" Ayos lang ako dad why dad? " Tanong ko dito.
" Malapit na kasi ang birthday mo, last year di ka nagpaparty ngayon gusto mo ba? " Tanong nito.
" Wag na dad, I'm fine lilipas din naman Yung birthday ko, di na kailangan ng party. " Sabi ko
" Sigi anak Ikaw ang bahala pero pag may gusto Kang gawin or bilhin sabihin mo lang anak ha. " Sabi pa nito.
" Sigi po dad, but I have everything naman na dad, si mommy nalang talaga ang kulang and I miss her so much." Sabi ko
" I know anak, miss ko na din ang mommy mo, she means a lot to me. " Sabi pa nito.
" Really dad, bat inuwi mo si ate Mildred dito, di mo ba siya mahal? " nagtataka kung tanong Kay dad.