Narinig siya ni Daddy na kakarating lang din.
" Mildred sa ngayon wala Kang pweding baguhin sa pamamahay na ito wala kang aalisin sa kung ano mang naka display dito. maliwanag? " nabuhayan ako ng loob dahil sinunod ng daddy ko ang request ko.kaya napangiti nalang ako.
" hi dad. " bati ko Kay daddy at niyakap ako nito ng mahigpit,
" thank you dad. I love you."
" I love you more baby, yaya samahan muna si Mia sa room niya. " utos nito at umakyat na kami dala ni yaya ang iba kung gamit.
Umakyat na kami ni yaya sa taas nung nabuksan na ang room ko gamit ang susi na dala nito ay natawa ako.
" Yaya bat mo nilock ang room ko, di ba lagi naman itong open? " pagtataka ko.
" di na ngayon anak at mukhang dragon na pakialamira ang madrasta mo, kakarating lang gusto na agad maging bida. " Sabi pa nito
" thank you yaya. " nasabi ko nalang.
" Anak itago mong mabuti ang keys ng master bedroom kasi ikaw ang pinapahawak ng daddy mo dahil request mo daw ito. kaya ikaw ng bahala ok. " Sabi sakin ni yaya.
" Yes yaya itatago ko itong mabuti. " Sabi ko nalang .
" bihis na anak para makababa kana at ng makakain kana " Sinunod ko na ito nagbihis nako at sabay na kaming bumababa.
Ngayong malaki nako para nlang kaming mag tropa ng yaya ko.
" Halikana anak opo kana dito sa pwesto mo ng makakain na tayo. " sabi ni daddy, si ate Mildred naman ay sa kabilang side naka pwesto.
" Dina nasan kana? " sigaw ni ate Mildred sa anak niya.
kahit nasa kainan kailangan talagang sumigaw sa isip isip ko lang, tiningnan ko si dad.
" dad, mom said don't shout if you where infront of the food or you're in the dining area." nasabi ko nalang.
" Wala na yung mommy mo Mia so lahat ng rules niya ay burado na." Sabi ng madrasta ko.
" But I'm still here Mildred, kung anong nakasanayan ng anak ko na alam ko namang tama please wag niyong baguhin at suwayin, kung gusto niyong mag stay ng matagal dito sa mansion. " mahina Pero may diin na Sabi ng dad ko.
" ok Albert sorry. " Sabi lang nito
" Ma bakit? " tanong ni Dina
" kakain na tayo maupo kana." tahimik lang kaming kumain, si dad sinulyapsulyapan lang ako.
" baby may iba ka pang gusto na pagkain papalutuan kita. " Sabi ni dad.
" No Im fine dad busog lang talaga ako, kumain kasi ako sa school bago umuwi. "
" So how's school anak? " tanong ulit nito
" It's good dad isang taon nalang at matapos nako. My teacher kana dad. Pero dad need ko pa magmasteral. Pero gusto ko muna magpahinga after kung maka graduate." Sabi ko.
" Just do whatever you want anak I'm here to support you, pwedi ka din mag aral pa ng iba para malibang ka ok. " Sabi ni dad
" thank you daddy I love you."
" I love you more anak your my priority your my happiness, kaya what makes you happy will make me happy na din." Sabi nito kaya napangiti nalang ako.
Nakikinig lang yung mag ina, di talaga ako comfortable sa kanila, parang may something.
" I have a seminar sa manila anak 3 days Yun, you want to come? " yaya ng daddy ko.
" I can't dad my exam kami. enjoy mo lang dad I'll be fine here. " sagot ko.
Nakalipas ang isang araw at lilipad na nga si Daddy papunta ng manila so naiwan ako sa bahay kasama ang mag ina.
Umaga pa lang may malakas ng kumatok sa pintuan ko, which is odd kasi wala namang nangangatok at gumigising sakin, maliban Kay yaya, na tapik or yugyug lang ang pang gising nito sakin.
Pag bukas ko ng pintuan bumungad sakin ang mukha ni ate Mildred.
" What do you want ate ang aga mo naman nanggising. " Sabi ko dito at tinaasan lang ako ng kilay
" hoy ikaw Mia wala ang daddy mo ngayon so ako ang pagsisilbihan mo ngayon, bumaba kana at ipag timpla mo ako ng kape." Sabi nito kaya nagtaka ako.
" Why me, wala ba ang mga kasama natin dito sa bahay? " Taka kung tanong.
" Bakit ikaw? para matoto ka at di ka tatamad tamad." kumuha lang ako ng ponytail at lumabas nako ng room ko.
" bilisan mo kapeng kape nako." sigaw pa nito sakin.
Di agad nag sink in sa utak ko, kaya sinunod ko lang ang gusto nito.
" Make it 2 Mia gusto ko din ng coffee." Sabi naman ng anak nito na si Dina.
" Yaya nasan kayo, " Pag bukas ko ng maids room nandon lang ang mga ito.
" yaya why? " Taka kung tanong.
" Di daw kami pweding lumabas Pag lumabas daw kami tatanggalin niya kami sa trabaho." Sabi ni yaya mukhang takot din ito.
" Mia ano na bat ang tagal." sigaw ni ate Mildred.
" yaya wait babalikan ko kayo, ipagtitimpla ko daw sila ng kape." Sabi ko at iniwan ko na sila
5 ang kasambahay namin sa bahay lahat sila di pinalabas, anong drama ni ate Mildred ako yung gagawin niyang katulong ngayon.
Buti nalang expert ako sa Pag timpla ng kape dahil ako ang nag timpla lagi ng coffee ni mommy at daddy. Yun lang ang alam kung gawin sa bahay.
Pagkatapos kung magtimpla nilagay ko na ito sa tray at dinala sa sala dahil nandun ang mag ina.
Nilapag ko lang ang coffee, at aalis na Sana ako bigla itong nagsalita,.
" Maglinis ka ng swimming pool maliligo kami ngayon." Utos nito sakin at nanlaki ang mga mata ko.
" wag mo akong laki lakihan ng mata Mia dahil ako na ang masusunod sa bahay na ito, Pag di ka susunod tatanggalin ko lahat ng ala ala ng mommy mo dito. " naiintindihan mo ba ako? bulyaw nito sakin.
Di na ako umimik at sinunod ko nalang sila, napaiyak nalang ako.