Isang taon na ang nakalipas mula nung nawala si Mommy. first death anniversary na niya. Nagpadasal si Daddy sa bahay nagpakain na din, Pero di ko lang ma gets ang secretary ng daddy ko panay hawak sa kanya, tinitingnan ko lang sila.
" kailan mo ba kasi ako patitirahin dito sa mansion niyo Albert, ako ng mamahala dito sa bahay at syempre mag aasikaso sayo, gusto na talaga kitang alagaan." sabi pa ni ate Mildred.
kaya nagtaka ako bakit tinawag nalang niyang Albert ang Daddy ko, Samantalang boss niya ito.
" Soon Mildred not now, di pa alam ni Mia nag tungkol satin baka mabigla yung bata. " Sabi ni dad at dinig na dinig ko ito.
" dad may relasyon kayo ng secretary mo? kailan pa dad? " Sabi ko medyo mahina lang ako nagsalita pero may diin.
" anak let's talk inside ok." pumasok ito sa loob ng bahay at sumunod naman ako, tiningnan pa ako ng masama ni ate Mildred kitang kita ko ang Pag irap ng mga mata nito sakin.
" dad kailan pa? bat di ka nagsabi sakin akala ko ba walang lihiman dad? answer me dad. " Sabi ko naiinis nako kaya napapaiyak na din ako.
" 4 months na kami anak sorry kung di ko nasabi sayo na kami na, natatakot kasi akong baka magalit ka. " paliwanag nito
" akala ko ba dad di mo papalitan si mommy akala ko ba tayo lang magkasama forever dad. At ano yung narinig ko kanina she want to stay in our house dad? " sabi ko.
" She want anak, para na din may magbabantay sayo pag wala ako."
" I don't need her dad may yaya ako at hatid sundo naman ako sa school pag pumasok , so I don't need her. " pabulyaw ko Kay daddy.
" San mo natutunan yan Mia yang pagtaas mo ng boses huh? " galit na sabi nito
" I hate you dad, I hate you. " at pumasok na ako sa room ko, iyak ako ng iyak. Pano nalang pag may bago na si dad na ititira dito tapos titira sila sa room ng mom ko.
Galit ako sa daddy ko, galit din ako Kay ate Mildred. bakit ganon lang kadaling pinalitan ni dad si mom, I hate him. Pero wala nakong magagawa pag dadalhin niya talaga dito yung babaeng yun. Pero pano ako.
" Mommy please protect me, I felt something fishy Kay ate Mildred parang may binabalak ito na masama. "
Nakatulog nalang ako sa kakaiyak at madaling araw nakong nagising 4am na. di na ako bumangon tinulog ko nalang ulit.
kinabukasan nag iisip ako pano ko ma protektahan ang kwarto ng mommy ko, ayaw ko naman na dun itira ni daddy ang babaeng yun.
Bumaba nako nakabihis na din at nakaready na lahat ng gamit ko para sa pag pasok sa school.Naabutan ko si Daddy na nag kakape mukhang inantay niya talaga ako.
" Good morning anak." tumayo ito at hinalikan ako sa pisngi gaya ng nakasanayan namin.
" Mia can I talk to you. " Sabi nito habang nakaupo ako sa pwesto ko lagi.sa dining area.
" Sure dad let's talk." sagot ko dito.
" titira na dito so Mildred kasama ng anak niyang dalaga at gusto ko pakisamahan mo sila ng maayos. " Sabi nito sakin.
" Fine dad kung yan ang gusto mo I have no right para suwayin ka. but I have 1 condition na sana di mo ipagdamot sakin. " Sabi ko.
" Say it anak ano yun." sagot nito.
" Please don't let ate Mildred to use the master's Bedroom, please kept that for mom, at para sakin na din. Anything from that room is Mom things, I don't want someone touch that. And one more thing dad wag niyang baguhin ang design ng mansion it's all mom's idea if you don't mind." mahaba kung sabi.
" Thank you anak sa Pagpayag." Sabi ni dad
" kung dyn ka sasaya dad, wala nakong magagawa. " sagot ko Kay dad.
" ipapalabas ko Kay manang ang mga gamit na kailangan ko lang ipapalipat ko sa ibang room, para walang ibang papasok ng room ng mom mo , ikaw lang at ako, ok anak. " panigurado pa nito.
" Thank you dad, at kukunin ko lahat ng duplicate para walang magpupumilit na pumasok dun." Sabi ko pa.
" Ok anak after ni manang kunin ang mga gamit ko na kailanganin ko ipapabigay ko agad ang mga keys at duplicate sayo. " Sabi pa nito.
" Kain na anak bago ka pumasok sa school. "
" sa school nako kakain dad, thank you. " nagpaalam na din ako at hinatid nako ng driver papasok sa school. 1 year nalang at makakapag tapos nako sa isip isip ko.
Mabilis lang ako sa school dahil absent ang prof namin at yung Iba may meeting kaya nagpasundo nako agad Kay kuya personal driver ko.
Ayaw kasi nila ni mom at dad na nagmamaneho ako, Pero marunong nako kasi naka school driving nako.
" Mom I promise to you walang gagalaw sa mga gamit mo, mananatili itong nakaayos gaya ng gusto mo laging ayos. I miss you mom and sorry kung di ko napigilan si Daddy na patitirahin sa bahay ang bago niyang jowa.
Dumating na din ang sundo ko at umuwi na kami derecho ng bahay. Pagkarating ko sinalubong na agad ako ni yaya,.
" Anak may ibibigay ako sayo mamaya huh, andyn na yung madrasta mo, mukhang maghahasik ng lagim sa mansion, gusto pa niyang pumasok sa masters bedroom, Sabi ko nalang sa kanya off limit at wala samin sa mga keys dyn. " mahabang sabi ni yaya.
" Mia hi." Sabi nito pagkakita sakin nakaupo ito sa sala.
" hi po." sagot ko lang.
" yang mga pictures niyo itatabi ko na yan specially yang mga pictures ng mommy mo, dahil ako na ang bagong asawa ng dad mo, so lahat ng mayron dito na magpapaalala sa mommy mo remove ko na lahat ipapalagay ko sa bodega. " sabi ni Ate Mildred.