"arayyyy ko!!! ano ba? bitiwan nyo po ako!!! nasasaktan na po ako, manong!!!!" kahit anong tawag nya sa lalaking ito ay tila wala itong naririnig. Masakit na talaga ang kanyang braso bukod s mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya ay grabe kung makakaladkad ito. Habang hila hila ng lalaki ang braso nya,,palinga linga namn ang dalaga. Pakiramdam nya sobra na syang napalayo sa kaibigan. "kumusta na kaya yon? nakauwi na kaya sya? Hindi nya ako siguro papabayaan. Kapag nasigurado nya na nawawala ako lalapit na yon sa kinauukulan naniniwala ako na importante ako s kanya. Matalino din kasi yon." pakonswelo na lang nya sa kanyang sarili. Iyon lang at naramdaman nyang may bumabagsak na luha sa kanyang pisngi.
Sino ba kasi ang lalaking ito. Base sa panlabas na kaanyuan nito,,isa itong sindikato. Kung anong klaseng sindikato ay hindi niya alam dahil nakatakip ang buong mukha nito na kala mo isang NPA sa isang pelikula,,at dalawang mata lang ang makikita.
"Narito na tayo"!. Napaawang na lang ang kanyang bibig sa kanyang nakita. Isang malaking bahay o mansyon na siguro itong kanyang nakikita. Hindi nya iyon masabi dahil malay ba naman niya eh sa tanang buhay nya eh nakatira sya sa bukid.
"oh ikaw na bahala dyan 'wag mong hahayaang makawala kung hindi malilintikan tayo kay boss"!.
"oo ako na bahala dito." yon lang at hinila naman sya nito sa isang kwarto. "Diyos ko sana wag nyo po akong pababayan. Ipahintulot nyo po na makarating po sa tamang oras ang aking kaibigan." sa kaibuturan ng kanyang puso isa lang ang makakarinig sa kanya at iyon ay ang Diyos.
Sa kabilang banda patuloy pa rin ang paghahanap ni Pat sa kaibigan kasama si Sigfred na tiyuhin ni Nicole. "Dumidilim na Pat baka kailangan muna nating umuwi. Nag aalala na sigurado ang nanay mo at si tiya. Ipinapangako ko babalik din tayo dito na kasama ang mga tanod." paliwanag ni Sigfred sa dalaga na umiiyak na ng mga oras na yon.
"ipinapangako mo ba yan sakin na babalikan natin ang kaibigan ko?"
"pangako,,this time hindi ko kailangan na i-goodtime ka." siguro sapat na yong nagtaas ito ng kamay simbolo na nangangako nga ito. Iyon lang naman ang hinihintay nya na marinig para makampante sya.
Nag umpisa na silang maglakad pauwi. "Ate, kuya, sandali." boses iyon ng isang bata na nagmumula sa likuran nila. Nagkatinginan silang dalawa. Matatakot ba sila o hindi. Ito ang nasa isip nila ng magkatinginan sila. Lilingon ba sila o hindi. Paano kung isa itong trap. "hindi ako multo at hindi rin ako kalaban. Nakita ko yong kaibigan nyo kinuha nong manong na nakatakip ang mukha." napilitan itong magsalita ng magsalita dahil alam nyang hindi naniniwala ang mga ito sa kanya.
"ulitin mo nga ang sinabi mo,? totoo bang nakita mo ang kaibigan ko?" tanong ni Pat sa bata. Prang nabunutan sya ng tinik ng marinig ang mga sinabi ng bata.
"nakita mo ba kung saan sya dinala? Sinaktan ba sya? Buhay pa b ang kaibigan ko? maituturo mo ba sa amin kung saan sila dumaan?"
"alin po ba ang gusto nyong sagutin ko?" tanong ng bata na may halong pagkalito. Sino ba namn ang hindi malilito kung sunod sunod kang tanungin. Matanda nga naiirita kapag sunud sunod ang tanong eh ang mga bata pa kaya?
"" ayyy sorry ang totoo nyan excited lang ako at least kahit paano may lead tau kung nasaan sya. db Sigfred?"
"ano palang pangalan mo?" sa halip na sagutin si Pat bumalibg ang tinigin nito sa bata.
"angelo po, eh kayo po sino po kayo? mag asawa po ba kayo?" sagot ng bata.
"ako si sigfred at sya naman si Pat. Bakit? bagay ba kami?" sabay napatingin ang binata kay pat na noon ay namumula na siguro ang pisngi mabuti na nga lang at madilim na noon hindi na mahahalata na namumula ang kanyang pisngi
"opo, bagay na bagay hehehe" sagot naman ng bata. humagikgik pa nga ito.
Pakiramdam nya tumatalon ang puso nya
"ahhhm angelo ano yong mga sasabihin mo pala samin? pagputol ng binata sa imagination ni Pat.
"O-oo nga pala angelo bago namin makalimutan, pwede ka na bang magkwento sa amin?" Nagbago ang tono ni Pat sa mga oras na yon. Naalala nya ang kaibigan na hanggang ngayon ay wala pa.
"nangunguha ako ng kahoy nang marinig ko syang may tinatawag na Frenny. Sigaw sya ng sigaw kung nasaan n yong frenny nya."
"ako yong frenny nya, hinahanap ko rin sya. Nagkahiwalay kami kanina. Meron kasi akong nakita na prutas na mukhang matamis tpos sinundan ko yong dulo. Hindi ko naman akalain na sobrang haba non. Hanggang mapansin ko na magkahiwalay na kmi ng frenny ko. Muntik na akong mahulog sa bangin buti na lang dumating ang aking Prince charming. este si sigfred pala."
"ano ba Pat puro ka kalokohan eh." saway naman ng binata sa kanya. Pero sa kaibuturan ng kanyang puso ay kinikilig din sya.
"sige po ikukwento ko po sa inyo. Nangunguha nga po ako ng kahoy ng oras ng makita ko sya na parang naliligaw sa kagubatan. Iyon pala eh hinahanap nya ang kanyang kaibigan. Lalapitan ko sana sya ng may humila sa kanyang braso at kinaladkad sya. Isang matangkad na lalaki ang kumuha sa kanya, pasensya na hindi ko nakita ang mukha nya dahil may takip ito."
"pero nakita mo ba kung saan sya dinala?" tanong ni Sigfred. Tahimik lang si Pat sa isang tabi habang pinagmamasdan ang binata habang iniinterview si angelo. Tama nga ang frenny nya gwapo na gentleman pa. Pra syang detective kung makapag usisa. Nagkakagusto na ata ako sa kanya. At least kung sa kanya ako mapupunta matutuwa ang aking ama na nasa safe akong tao. At sigurado akong magugustuhan nya si Sigfred.
"Pat nag iimagine ka na naman ba? kanina pa kita tinatawag ah."
"pasensya na Sig. may sumagi kasi sa isip ko"
"kailangan na natin umuwi delikado na dito lalo na at gumagabi na. May hint na naman ako eh galing kay angelo." sapat na siguro ang mga sinabi nya para maencourage nya si Pat na umuwi na sila.
"angelo sama ka na samin? sa...bahay ka na muna u-muwi." nagulat si Sigfred wala na ang bata sa tabi nya.
"paano na yan? Umalis na ata si Angelo. Sino nang magtuturo sa atin kung nasaan na ang frenny ko?" nag aalalang tanong ni Pat sa binata.
"andito lang sya kanina sa tabi ko."
"hayaan mo na yon baka umuwi na ng hindi mo namamalayan." Gusto nyang ipilit sa dalaga na andon lang sa tabi nya si Angelo tpos paglingon nya wala na ito. Hindi na lang nya pinilit dahil baka matakot lamang ang dalaga sa mga sasabihin nya.
"hayaan mo na wag mo na isipin si Angelo. Ang importante naituro nya sayo kung saan dinala si Nicole. Teka, bakit tahimik ka riyan? wag mong sabihin sakin na hindi nya nasabi kung nasaan ang kaibigan ko habang magkausap kau kanina?" Nakumpirma nyang totoo ang sinasabi nya ng tahimik lang ito na nakatingin sa kanya.
"hindi nya naituro sakin kung saan ngunit ang sabi nya bukas ng umaga punta ulit tau dito at sya mismo ang sasama sa atin kung nasaan si Nicole basta dapat ay makauwi na tayo ngayon dahil delikado. na."
" anu ba yan nakakakilabot naman yan.'
"kaya nga ayokong sabihin sayo eh,,kaya lang nagpupumilit ka." nakita nyang sumimangot sa kanya ang dalaga kaya napayuko na lang si Sigfred. Ang mga babae kapag ganyang nakasimangot na dapat tahimik na ang lalaki