"magandang umaga nanay" malambing na bati ni Patrice habang inihahanda ang susuutin.
"ang aga mo namang gumising? May pupuntahan ka ba?" tanong ng nanay nya na hindi ginantihan ang pagbati ng anak anakan. 'mag almusal ka muna o kaya ay uminom ng maligamgam na tubig.
"naku ikaw talaga nay mahal na mahal mo ako"
"aba eh oo naman sa akin ka na lumaki hindi ba? Ipaghahain na kita. Paborito mo ito tosilog. tosino at sinangag na may itlog." may ksma pang pagpisil sa anak.
"woooww nanay iba ka talaga, alam mong hindi ko matatanggihan yan. halika na kain tayo. sabay na tayo. Nga pala po pupunta po ako kina nicole pagkatapos nating kumain,
" kaya naman pala may mga pambobola ka pa riyan hindi mo na lang ako dineretso kanina, ,weeee may magagawa pa ba ako eh mukhang bihis na bihis ka na at handa nang lumabas ng bahay, , ay sya sige magiingat ka lang ha."
"opo ako pa po ba? salamat inay." pagkatapos nilang kumain, akmang huhugasan na ni patrice ang kinainan nila pero pinigilan sya ng kanyang ina inahan.
"sige na umalis ka n at baka mahuli ka pa sa usapan nyo ni nicole." umuwi ng maaga, , wag magpapagabi." pahabol pa nito na napapangiti na lang habang tinitingnan nya papalayo ang dalaga habang kunakaway.
"hhhm mga bata nga naman." hindi pa nya natatapos I ligpit ang pinagkainan nila ng biglang tumunog ang kanyang telepono. Base sa numero ang tawag ay galing sa Maynila . Galing sa Don, ang ama ni Patrice.
"hello po senyor?" sagot ng yaya ni Patrice.
'kumusta po kayo riyan?"tanong nito sa amo.
"mabuti naman. Eto nalulungkot dahil namimiss ko ang aking anak. pakausap ako sa anak ko."
"w-wala p-po sya senyor nasa kapitbahay. Meron na kasi syang kaibigan dito at ngayon nga eh nagkita sila. Mukhang nasasnay na sya sa buhay dito sa probinsya." pagyayabang ng mayordoma.
"ahhh ganon ba? hhm mas maganda yan na masanay sya, , , teka may panggastos pa ba kau dyan? yong pantuition ng anak ko, , ipapadala ko n lang s account mo, , "
naku sir wala pong problema.
salamat po."
pakisabi mo na lang sa kanya ay tumawag ako pra mangumusta." yon lang at nagpaalaman na ang dalawa sa isat isa.
Samantala, tuwang tuwang sinalubong ni nicole ang kaibigan. " oi friend ganda namn ng suot mo pra kang may kadate ngayon ah."
'h-ha wala noh? hindi pa uso sakin yan."
" sayang naman may ipapakilala pa namn sana ako sa'yo."
" sino naman?" maang maangan pero excited namn sya kung sino man yon..pacute pa nga xa sa kaibigan eh.
"tara na sa loob" yaya ni nicole sa kaibigan.
" aga aga may bisita ka n kaagad.!
"sira kagbi pa sya dumating. galing maynila dito n natulog. pero maya konti eh aalis n rin sya. Pinigilan ko lang kz nga sabi may ipapakilala ako s kanyang isang magandang dilag".
" saan b-banda n-aman a-ang m-maganda sa a-kin?" bago pa sya matapos magsalita eh nakita nya na ang lalaki. "lalo syang gumwapo ngayon. kaysarap nyang titigan, " maya maya pa eh nakaramdam xa ng kurot sa may pwetan nya.Pinapakilala na pala sya ng kaibigan sa bisita nila. "aray ko naman besh masakit ah.!"
"kuya friend ko si Patricia." nilahad nya ang kanyang kamay para sabihing nice meeting you, , nag imagine pa namn syang mahahawakan na naman nya ang kamay nitong malambot ngunit hindi inabot ng binata ang kanyang kamay.. Ang kaibigan na lang ang nakipagkamay sa kanya para hindi sya mapahiya.
" pra saan pa at makikipagkamay ako sayo eh nagkita na tayo kahapon?" supladong paliwanag nito sa kanya nahalata ata na napahiya ang dalaga.
"" narinig nyang humahagikgik ang kaibigan. sya pala yong sinasabi mong magandang bata na nakita mo sa gubat kagabi pero lampa?"
pinandilatan nya ang kaibigan. Dahilan yon para mamula ang pisngi nya at kiligin. Gustong tumalon ng puso nya.
"ahhh oo bunso'y. Sya lang pala, " pambibitin nito. "kung alam ko lang kanina pa ako umalis. Sige na bunsoy at baka maabutan pa ako ng traffic sa daan." tinititigan ni Patrice ng masama ang binata. Suplado kala mo kung sino! gwapo nga masungit naman, , , sayang lang ang excitement na naramdaman ko kanina.! hmp!!. kala mo kung sino ka ah!! sigaw sya ng sigaw.! kapag ikaw nanligaw ka sa akin hinding hindi kita papansinin who you ka talaga sakin" galit na galit si patrice habang ang kaibigan ay tinatawanan lang sya.
"bakit ba tinatawanan mo ako? para naman kasing hindi kita kaibigan sa ginagawa mong yan eh. Hello manliligaw agad ang iniisip mo? Hindi ka liligawan non balita ko choosy dw yan pgdating sa babae at lalo't higit ang sabi ng tatay ko eh may girlfriend na yan. Kaloka ka ke bata bata mo pa eh ligaw ligaw na agad ang sinasabi mo dyan." tawa pa rin sya ng tawa sa kaibigan na lalong nagkilos bata at kala mo eh nagtatampo sa mga sinabi nya dito.
"halika na nga kwentuhan tayo sa loob wag ka ng mgtampo sa akin kaya mag friends tayo di ba? sasabihin kung anong ang totoong nararamdaman. kahit masaktan ka pa?"
"totoo ba yon?"
"oo nga promise para kang sira dyan. ayusin mo nga yang mukha mo baka pag nakita ka ni nanay ganyan ang itsura mo mapagalitan pa ako non. Isipin pa non inaway kita."
Tatalikod na sana sila puntang sala nang marinig ang boses ng nanay ni nicole na may kausap. Sa lakas b naman ng boses nito kaya narinig ng magkaibigan ang hindi inaasahan.
"oh sigfred bakit nariyan ka sa labas anong ginagawa mo riyan?"
tila binuhusan ng yelo si patricia sa mga narinig. Paano na ang mga sinabi ko sa kanya siguradong narinig nya ang lahat.
Nagkatinginan ang dalawa. Khit si Nicole nahihiya sya dahil lahat ng sinabi nya sa kaibigan ay walang katotohanan. Ginawa lang naman nya yon dahil malaki ang agwat nila. at yong tito sigfred nyang yon lapitin ng babae kaya sigurado syang masasaktan lang ang kanyang kaibigan.
"naku tita wala po, nagpahangin lang po ako. Sakin na po yang mga dala nyo tulungan ko na po kayong buhatin ang lahat ng yan, , "
"naku ikaw talaga gwapo na matulungin pa." papuri naman ng nanay ni patrice sa bisita nila. "oh kayong dalawa kapg magboboyfriend ang hanapin nyo eh yong kagaya nitong si Sigfred. Gwapo na gentleman pa. oh ay bakit kayo nakasimangot riyan?" Hindi nagsalita ang dalawa pero bumubulong. "hhhmmp gwapo nga sinungaling naman!" sabay pukol ng sama ng tingin sa binata, na mukhang hindi namn tinablan Kaya lalong nainis ang dalawa.
"halika ka na nga beshy don tayo sa likod. Lakad lakad lang tayo habang nagkukwentuhan." at magkasabay ngang tumalikod ang dalawa ng di pinapansin ang lalaki.
"nakakainis yong lalaking yon" halatang inis talaga si Patrice. Eh sino ba naman ang hindi maiinis eh kung anu anong sinabi nya at malamang narinig nitong lahat yon.!
"pasensya na frenny ah, , hindi ko naman kasi alam na nakatago lang sya don eh.
" naiiyak na ako hiyang hiya talaga ako friend grabe."
"nararamdaman ko naman kasi feel ko kung anong feel mo, , hayaan mo sabihin ko kay nanay na kausapin"
"hindi na kailangan," boses ng isang matatag at powerful na boses ng isang lalaki. "bilang ako ang dahilan ng pagkapahiya mo humihingi ako ng dispensa. Sana ay mapatawad mo ako " nong hindi sumasagot si Patrice ay umalis na rin agad ang binata. Hindi pa siguro sya handa na makalimutan ng ganon ganon lang ang nangyari.
"friend, tara sa gubat hanap tau ng fresh na mga prutas.
"buti pa nga!"
yon lang at lumakad na sila.
Habang nag iikot sa gubat ang magkaibigan nakakita si Patrice ng isang maliit at mukhang matamis na prutas.
" ano ito?" tanong ni Patrice sa kaibigan ngunit wala ito doon.." nic!! nic!! asan ka na? akala ko kasunod lang kita,,nic!! nic!! nasaan ka b? malapit ng mag gabi! wag mo na akong pagtaguan! lumabas ka na riyan parang awa mo na.. asan la b? nicccc!!!!. sa lakas ng boses nya lahat ng ibon nabulabog.
"nic!! ikaw ba yan?" may nakita kasi sya na gumalaw banda s prutas na hinawakan nya kanina kaya't gugulatin nya sana kung sino man ang nandon ngunit nawalan sya ng balanse. Muli nyang naramdaman ang isang matipunong katawan na mabilis na umalalay sa kanya. Bago pa man mangyari yon naramdaman nyang mahuhulog na sya sa bangin.
"ikaw na naman!!? bakit ba hanggang dito eh sinusundan mo kami.?"
" bakit ikaw lang ba ang gustong magpalipas ng oras sa ganito kagandang kagubatan?"
" oh sige na maraming salamat sayo. Pwede mo ba akong tulungan?"
"depende kung anong gusto kong kapalit,," saad ng lalaki.
"anong depende? eh paano kung napahamak na ung bestfriend ko kasi hindi natin sya agad tinawag. Sige na please?"