Mabilis hinanap ng mga mata ko si Dustin ngunit bigo ako. Hindi ko talaga makita kung nasaan si Dustin, kanina pa kahit noong iwan pa lang ako niyon kay Desiree. Saan naaman kaya nagsususuot ang lalaking iyon? May pa sabi sabi pa siya sa akin kanina na siya ang magiging escort ko ngayong gabi, e, ang labas ay si Desiree ang naging escort ko hindi siya. Mabuti pa itong kapatid niya ay hindi ako iniiwan kahit nandito na ang mga friend niya. “I’m calling Dustin. I’m really sorry Janine. May pagka kabute rin iyon si Kuya. Minsan biglang susulpot tapos minsan naman ay bigla na lang mawawala at hindi na makita.” Natatawang sabi niya habang hinihintay sagutin ni Dustin ang tawag niya. “Ayaw niyang sagutin. Malamang ay nag eenjoy ito ngayon kasama ang friends niya.” “Kasama niya ang mga kaib

