Sunod-sunod ang pagtangong ginawa ko. Gusto ko talagang makita ang sinasabi niyang paintings ni Dustin. Hindi ko lubos maisip na kayang gawin iyon ni Dustin. Akala ko pa naman ay walang talent ang lalaking iyon kun’di ang mambabae lamang. Sa sinabi ni Desiree ay bigla akong na curious sa mga kayang gawin ng kuya niyang si Dustin. Halos tumakbo na si Desiree sa sobrang excitement na nararamdaman niya noong pumayag akong ipakita niya sa akin iyong mga art ng Kuya niyang si Dustin. Hindi ko akalaing may tinatago palang talento si Dustin. Mahilig palang mag paint ang lokong iyon. Hindi ko maiwasang mamangha sa aking isipan. At excited na rin akong makita iyong mga katha at likha niya. Tutal hindi ko na makita si Dustin at pinabayaan niya na ako sa kapatid niya ay naisipan kong sumama n

