“Wow!” Bakas sa mukha ni Desiree yung tuwa at saya noong makita niya kung ano ang regalo ko sa kaniya. “Ikaw ang gumawa nito?” Tanong pa niya sa akin. Iyong excitement sa mukha niya ay hindi nakalagpas sa akin lalo na noong hawakan niya iyong regalo ko sa kaniya. She’s so cute! Appreciative din siya. Hindi ko akalaing magugustuhan niya iyong simple kong regalo sa kaniya. “Parang nakita ko ito sa isang phone ni Dustin. Nakalagay ito sa photos ng phone niya.” Ani Desiree. Nalukot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Paanong magkakaroon ng ganito si Dustin? Alam ko ako lang ang mayroong gawang ganito. Personalized ko nga ito, e, kaya imposibleng may iba pang may ganito. Ako lang ang may gawang ganiyan. Ngayon ko lang din napansin na hindi na tinawag pa ni Desiree na kuya si Dustin. Siguro

