“Ate na lang.” “Magagalit sa akin si Kuya kapag tinawag kitang ate.” “Hindi niya naman maririnig. Ayaw mo ba?” Hindi siya nakapagsalita. Ngayon ko lang napagtanto na sinabi nga pala sa akin ni Dustin na sa States lumaki itong kapatid niya kaya malamang ay hindi ito sanay tumawag ng Ate kahit pa kanino. Kaya hindi ko na pinilit pa ang pagtawag niya sa akin niyon. “Sorry, hindi talaga pwede e.” Sabi pa niya. “Bakit naman magagalit si Dustin? Wala naman siyang magagawa kung iyon ang gusto kong itawag mo sa akin. Pero kung mas prefer mo akong tawagin sa pangalan ko, feel free to call me by my name.” Paliwanag ko sa kaniya. “Wala namang kaso sa akin iyon. Tawagin mo na lang akong Ja or Janine. Ikaw nang bahala kung ano ang mas gusto mo.” Naiintindihan ko naman kung tawagin niya ako

