Mabuti na lang ay nakarating na kami sa puwesto ng pamilya nila. Mukhang ipapakilala pa niya ako. Hindi ko na binigyan pa ng ibang meaning iyon. Tutal kaya niya ito ginawa ay para makilala ko at makita ko ang kaniyang kapatid. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit wala siyang kasamang babae ngayong gabi. “Hindi ka ba babae?” Tanong pa niya bago kami tuluyang makaupo sa table ng family niya. Doon ko lang napagtanto ang kanina ko pang sinasabi sa kaniya na bakit wala siyang kasamang babae ngayong gabi. Ibig niya bang sabihin ay ako talaga ang babae niya ngayong gabi? Malamang! Bakit ngayon ko lang ito naisip at bakit naman ako ang napili ni Dustin? Para pagtripan? O para bumawi sa pagtira niya sa aming bahay noong nakaraang linggo? Ewan, kahit ako ay hindi ko alam ang sagot at ayaw k

