Nakatulala lang ako sa phone ko. Sunod sunod ang pagtunog niyon dahil sa ingay ng group chat namin nina Elle at Prim. Kung ano anong kalokohan ang sinesend nila at salitan pa silang nagbabatuhan ng katatawanang linya. Pero ako nakatulala lang at hindi ma absorb yung happiness sa gc namin. Iniisip ko pa rin yung sinabi sa akin ni Elle kanina bago kami naghiwa-hiwalay ng landas. Hindi ko lubos maisip na magkakagusto sa akin ang isang Dustin Dela Fuente, ngunit iyon ang hinuha ng dalawa. Na nahuhumaling na sa akin si Dustin. Ayaw kong paniwalaan pero dahil sa nangyari noong party at sa mga sinabi sa akin ng parents niya at ni Desiree ay napapaniwala ako sa mga sinasabi naman ngayon ng mga kaibigan ko. Prim: Janine, are you okay? Elle: Iniisip niyan kung paano paaamuhin si Dustin my love

