“Si Dustin iyon ‘di ba?” Mula sa puwesto namin nina Elle at Prim ay nakita pa ni Prim si Dustin. Iba talaga ang nagagawa ng salaming suot niya. Sa sobrang linaw ng mata niya kapag suot iyon ay nakikita niya talaga kahit malayo. “Oo nga!” Sang ayon ni Elle. “Wala ba kayong session ngayon, Ja? Hindi ba tuturuan mo siya?” Tanong pa nito sa akin. “Hindi naman siya um-attend sa class kanina.” Sagot sa kaniya ni Prim. “Kaya for sure dapat may class session sila ngayon ni Janine. Hindi tulad ni Zavier, nasa class siya kanina dahil wala silang practice sa basketball kaya hindi ko na tuturuan ngayon.” “Wala kaming session ni Dustin.” Sabi ko sa kanila. Napatingin silang dalawa sa sinabi ko. “Nandon ba sa room si Dustin kanina?” Tanong ni Elle. Umiling si Prim. “Wala siya sa room. O baka

