Tapos na akong mag ayos. Mula sa suot hanggang sa simpleng make up ko. I’m ready to go na for tonight. Medyo natagalan pa nga si Mama sa pag aayos sa akin dahil si Jerald ay panay ang pang gulo gusto rin atang pati siya ay make-up-an ni Mama kanina. “Bakit nagmukha kang clown?” Tanong sa akin Jerald. “Wag mo akong bwisitin please. Ang ganda ng gabi ko ha?” Humagalpak ng tawa si Jerald. “Lumabas ka nga sa kwarto ko. Labas!” Binato ko siya ng unan pero nasambot niya lang naman ito kaya balewala lang din ang pag bato ko sa kaniya. “Bakit ka ba nang babato? Nagtatanong lang naman ako. At totoo namang makapal ang make up mo hindi bagay.” Seryoso nang sabi ni Jerald sa akin. “Isusumbong kita kay Mama kapag hindi mo pa ako tinigilan at hindi ka pa lumabas dito sa kwarto ko. Alis!”

