“Nandito na tayo Ma’am,” sabi sa akin noong driver. Pinagtaxi ako nila Mama kasi kung magcocommute ako, masisira ang beauty ko ngayong gabi. Saka mahihirapan ako dahil mahaba itong gown na suot ko. Talagang panlaban sa mga contest. Iba rin kasi magbigay ng gown si Dustin, talagang pang mayaman at ang mahal. Hindi kaya pagalitan siya ng Mommy niya kapag nalaman ng mga ito na gumastos siya para lang sa isang gown na ibibigay niya sa akin. Ang presyo nitong gown ay katumbas na ata ng isang buwang sahod ni Papa, baka nga katumbas pa ito ng tatlong buwang sahod ng Papa. Kinuha ko ‘yong phone sa pouch na pinadala sa akin ni Mama. Luma na ito. Galing pa ito sa probinsiya namin. Ito lang kasi ‘yong meron na puwede ko madala kanina. Hindi siya bagay sa suot kong gown pero wala naman akong magag

