Nagsimula nang magdrama sa harap namin si Elle. “Sabihin ninyo, inagaw niyo lang talaga sila sa akin. Kunwari pa kayo noong una na hate na hate niyo sila tapos ngayon aagawin niyo lang pala sa akin.” Ang bilis mag transform ni Elle, kanina lang ay ang supportive niya sa amin tapos ngayon ay bigla na siyang na broken hearted. “I hate him because I never had a chance to know him. Ngayong nakilala ko si Zavier, alam kong nagkamali ako dahil ni-judge ko siya agad at inaamin ko ang pagkakamali ko sa part na ‘yon.” “And?” Tumaas ang kilay ni Prim. “What do you mean ‘and’?” “Hindi man lang ba kayo mag sosorry sa akin? Pakiramdam ko kasi ay na bypass ako sa ginawa ninyo! Lalo ka na Prim, may nangyari na sa inyo ni Zavier, pinagtaksilan ninyo akong dalawa. Huhu! Akala ko ba magkaibigan

