“Di ka makatulog?” Muntik na akong mapasigaw sa gulat noong marinig ko ang boses ni Mama. “Iniisip mo si Kyle?” tanong pa niya sa akin. Hindi agad ako nakasagot sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at hinaplos ang buhok ko. “Anak, pwede mong sabihin sa amin ng Papa mo ang lahat. Makikinig kami sa ‘yo. Hindi ka namin ija-judge. Nandito kami para mag advise sa ‘yo kung ano ba ang sa tingin namin ay tama para sa ‘yo.” “Alam ko, Ma, kaya salamat.” “Alam mo pala, pero bakit naglilihim ka sa amin? Hindi maganda ‘yon. Dapat nagsasabi ka sa amin ng Papa mo. Hindi naman kami manghuhula para malaman kung ano ang tumatakbo diyan sa isip mo. Siyempre gusto rin namin malaman kung ano ang iniisip mo. Magulang kami, gusto namin ang makakabuti para sa inyo ni Jerald.” Nginitian ko si Mama. Ramdam ko

