Sa kwarto ni Jerald muna matutulog si Dustin. Since malaki ang bed ni Jerald pumayag naman siya na makasama si Dustin. Nakakapagtaka nga. Noon di niya pinapayagan si Kyle, sapilitan pa bago siya umoo na doon matutulog ‘yung ex ko pero kay Dustin ang bilis niya mapapayag. May bias ba siya? “Bakit pumayag ka agad?” “May magagawa ba ako kahit sabihin kong no? Di ba ipipilit niyo rin naman? Bakit pa ako tatanggi?” Sarcastic siyang ngumiti sa akin. Akala ko tone of voice lang ‘yon, pati pala ngiti nagiging sarcastic. Hindi na ako natutuwa sa batang ‘to. Bibinggo na talaga sa akin ‘tong si Jerald. “Aakyat na ako. I want to rest.” Ani Dustin. Nagpaalam na rin siya kina Mama at Papa. Sumunod na rin sa kaniya si Jerald sa taas, matutulog na rin daw siya. Sus baka magkwentuhan lang ang dal

