Chapter 2

1830 Words
Kapapasok pa lang ni Zawi sa apartment niya nang mabulaga siya sa ayos nito. Nagkalat ang mga unan at may mga butas at kalmot ito. Ang mga papel na nilamukos at itinapon niya na sa basurahan ay nagkalat sa kung saan. Napatingin siya sa gawi ng kusina at mas nagulat siya sa nakita. Basag ang ilang plato. Ang mga kutsara ay nasa sahig at may nakabitin pang stainless steel na baso sa banggera. Mga kapanahunan pa siguro ito ng mga ninuno niya at hindi niya alam kung bakit iyon ang napili niyang bilhin. Napapikit siya nang tuluyan itong mahulog at gumawa ng ingay sa sementong sahig. Nagpagulong-gulong ito at huminto sa paanan niya. Napabuga siya ng hangin. Tuluyan niyang inihakbang ang mga paa at pigil hiningang pumasok sa kuwarto. Napasinghap siya. “A-Ano ang nangyayari?” hindi makapaniwalang tanong niya habang tutop ang bibig. Pinigilan niyang mainis nang makita kung paano pinagkaguluhan ng alaga niya ang damit na ilang araw nang nakatambak sa upuang ginawa niyang tambakan ng mga nilabhang gamit. Dalawang linggo niya na iyong nilabhan. Hindi niya na naisipang tiklupin iyon at gagamitin niya na ito mamaya. Kailangan niya ito sa trabaho. Bumuga siya nang mainit-init na sama ng loob. “Dee!?” pigil ang hiningang tawag niya sa alagang nakatingala sa kanya. Si Dee ay isang pusang gala na napulot niya lang sa tabi ng kalsada. Kulay kahel na nahahaluan ng puti ang balahibo nito. Malungkot ang mga mata ng naturang pusa. Kung susuriin ay palagi itong may mapanghusgang tingin. Minsan nga ay inis na inis na rito ang kaibigan niyang si Lou nang minsang bumisita ang dalaga sa apartment niya. Kahit anong inis naman ni Zawi sa alaga, eh, nakyu-kyutan pa rin naman siya rito. “Ano ang ginawa mo?” tanong ni Zawi sa alagang nakatingala pa rin sa kanya. Ngunit imbis na humingi ito ng tawad gaya nang nakasanayan ay tiningnan lang siya nito bago tinalikuran. Nagugulat pa siyang napasunod sa pusang kung makainarti ay akala mo parte siya ng mga maharlika. “Hoy, Dee. Huwag mo akong talikuran. Mag-sorry ka!” saway niya rito ngunit binalewala lang ang pangungulit niya. “Hay, ano ba ang gagawin ko rito? Hindi naman ako p’wedeng manghiram kay Lou,” nakangusong usal niya. Si Lou ay naging kaibigan niya dahil minsan ay tinulungan siya nitong gumawa ng proyekto. Hindi naman sila magkaklase sa mga major na subject dahil Nursing ang kurso ng dalaga samantalang Business lang kaya ng bulsa niya. Ayaw niya namang maging guro dahil tamad siyang magturo. Pero sinisikap niya namang matapos ang kursong kinuha niya ngayon. Sa ganoong paraan niya lang matutulungan ang sarili. Lalo pa at masyadong malayo ang loob ng kanyang pamikya sa kanya. Payat at maliit na babae si Lou. Minsan nga ay napagkakamalan silang magkapatid dahil matangkad siya kaysa sa dalaga. Halos magkamukha rin sila kaya naman mas naging malapit siya rito. Siguro, dahil sa palagi silang magkasama sa loob ng campus kapag wala silang pasok kaya magaan ang loob niya rito. May kaliitan rin ang ilong nito, kayumanggi ang balat, singkit ang mga mata. Ang dami niya nang naririnig tungkol sa dalaga. Na kesyo may sugar daddy raw ito. May nobyong porener at ang mas malala ay may kinakasama itong may asawa na. Ngunit alinman sa mga iyon ay hindi niya makita sa babae. Palagi rin nitong bukam-bibig ang kutis niya, ang tangkad niya. Hinihiling nito na sana ganito rin ito katangkad, sana maputi at makinis rin ang kutis. Sinasabi niya na lang na maganda ang dalaga upang pagaanin ang loob nito. Ngayong may nasira na naman sa damit niya ay ang dalaga ang naalala niya. Bagsak ang mga balikat na tinungo niya ang labahan bitbit ang damit. Saka niya iyon kinuskos nang kinuskos hanggang sa mawala ang balahibo nang maarte at mapanghusga niyang pusa. “Ayan! Tapos na, hehehehe!” Tinapik niya ang sarili upang purihin. “Ngayon, kailangan kitang isampay at patuyuin nang maayos,” dagdag niya pang usal. Dahil mamaya pa naman ang alis niya ay naglinis muna siya ng mga kalat. Inayos niya ang may kalumaan ngunit maganda at maayos pa na mesa. Ang upuan naman ay may mga balahibo ni Dee kaya nilisin niya rin iyon. Nagpahinga siya pagkatapos. Napabalikwas siya nang bangon nang mapanaginipan ang trabaho. May trabaho nga pala siya. Mabilis siyang kumilos nang makita ang oras. Nang matapos ay nagmadali siyang lumabas ng bahay habang bitbit ang bag niyang may laman ng iilang gamit. Sumakay siya ng bus papunta sa trabaho. Nakahinga siya nang maluwag nang makarating siya nang maayos at may singkuwenta minuto pa siya upang magprepara. Dahil sa pagmamadali ay nakalimutan niyang kumain. Hinalungkat niya ang bag at nainis siya sa sarili dahil puro chips ang laman niyon. “Tsk! Kung kailan naman gutom ako,” dismayadong usal niya saka tumingin sa dalampasigan. “Mmm! The breeze is calming my senses,” nakangiting usal niya habang nakapikit. Sa katabing resort na ito ay ang mismong pinagtatrabahuan niya. Hindi naman ito private kaya malayang nakagala ang nga tao. Malakas ang simoy ng hangin. May mga ilaw na rin sa malalim na parte ng dagat. Hudyat na may mga mangingisda nang pumalaot. Sa ‘di kalayuan ay may nagtitinda ng balot at kendi. Mabilis na nahagip ng kanyang paningin ang lalaking nakatingala. Nakasuot ito ng puting t-shirt at itim na maong na jeans. Ilang metro lang ang layo nito sa kanya kaya naman napapansin niya ang pagbabago nang ekspresyon ng mukha nito. Nakapikit pa ito saka marahas na suminghap bago ngumiti. Parang timang . . . Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa binata habang mataman itong tinitigan. Pinagmasdan niya ang kabuuan nito habang nakahinto sa harapan ng binata. Mahaba ang pilikmata nito. Tsss, mukhang babae. Nakangiwing sabi niya sa isip. Makinis ang kutis. Tsss, halatang mayaman. Ano kayang lotion nito? Maputi ang kulay ng balat. Wew! Dinaig pa ako, hehehe. Maitim at bagsak ang kanyang buhok. May pabangs-bangs pa si Lolo n’yo, hehehe! Pero bagay na bagay. Guwapo siya! At higit sa lahat, ang nakaagaw ng kanyang pansin. Ang binata lang ang pinakamatangkad sa lahat ng narito ngayon. Kinikilig siyang napapaisip kung gaano kalambot ang labi ng binata. Malakas siyang suminghap nang bigla itong dumilat at nagtama ang kanilang paningin. Muntik niya nang malunok ang kanyang dila dahil sa gulat. Palihim niyang pinagsasampal ang sarili sa kanyang isipan. Humakbang ito paatras ngunit natigilan siya nang bigla itong magsalita. “W-Who are you?” nauutal na tanong nito sa kanya. Sasabihin ko ba? Ngumiti lang siya. “I said, who are you?” gigil na tanong nito. Tsss, mainit ang ulo ng isang ‘to. Bahagya siyang lumayo sa binata saka inabot ang isang juice sa bag niya. Iyong juice na tigsa-sampu lang sa kanto. “Oh! Sa ‘yo na! Mukha ka kasing pinagsakluban ng langit at lupa sa hitsura mo,” nakangiting abot niya rito sa isang pack ng juice. Dalawang araw na ‘to sa bag ko. Hehehe, mainit na nga siya. Hindi pa naman siguro ‘to sira. Nagtataka itong tumingin sa kanya saka bahagyang umatras. “Tanggapin mo na at baka mahuli pa ako sa trabaho,” pinilit niyang iniaabot rito ang juice saka ngumiti nang pagkaganda-ganda. Umatras ulit ito. Nanginginig pa ang kamay nang abutin ang hawak niya “Thank you,” kinakabahang pasasalamat ng binata. “You’re welcome!” nakangiting sagot ni Zawi saka kumaway paalis. Male-late pa ako dahil sa ‘yo. Tsss. “Wait!” malakas na tawag nito sa kanya kaya napahinto siya sa gulat. Kunot-noo siyang lumingon. “Bakit?” tanong niya. Ang tagal magsalita, nagandahan siguro ‘to sa ‘kin, hehehe. “Bilis!” utos niya pa. Napansin niyang napalunok ito saka umayos ng tayo. “W-What’s your name?” utal na tanong nito. Nagandahan talaga ‘to. Hehehehe, sorry you’re not my type. Ang isang Nicholas Val Montefalco ay hindi bagay sa isa lang namang magandang kagaya ko. Napaismid siya sa naisip. Huwag kang magkakamaling magkagusto sa ‘kin. Dahil sa mga mata ng mga nakapaligid sa atin, isa kang prinsipe samantalang ako ay isa lang namang . . . Ngumisi siya habang umiiling. “Zawi,” tipid na sagot niya saka tuluyan na itong tinalikuran. Mabibilis ang kanyang mga hakbang na tinungo ang locker nang makapasok sa The ZKEs. Nagmamadali siyang nagbihis. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan. Naalala niya ang ekspresyon ng mga mata ng binata. Parang hinaplos ang puso niya dahil sa ngiting sumilay sa maputlang labi nito. Ano ba ang nangyari sa isang Nicholas Val Montefalco? Ibang-iba siya sa mga naririnig ko. Sa napansin niya, malungkot ang mga mata nito noong oras na iyon. Na para bang may dinaramdam ito. Kung gaano kalambot ang kanyang labi. Erkk! Erase that! Saway niya sa sarili. Pinilit niyang huwag itong isipin ngunit saan mang dako dumapo ang kanyang paningin ay ang maganda nitong mukha ang nasisita niya. Mariin siyang pumikit saka palihim na kinurot ang sarili. Abala na sila ngayon sa trabaho ngunit heto siya at hindi magkandaugaga kaiisip sa taong hindi mawala-wala sa kanyang sistema. Nakakakaba ang ganoong pangyayari. “Focus, Zawi. Focus!” sita niya sa sarili. “Ayos ka lang?” maarteng tanong ng kasamahan niya sa trabaho. Ngumiti siya nang pilit. “Mmm. Ayos lang ako.” “May napili ka na ba?” usisa nito patungkol sa trabaho. “Wala. Ayaw ko,” tipid niyang sagot. “Ayos na ako sa ganito,” pilit ang ngiting usal niya. “Hmp! Ang dami pa namang nagkakagusto sa ‘yo!” naiinggit na anito. “Sayang ang pera, girl! Umayos ka!” iiling-iling na dagdag nito bago siya iniwan. Nagpalit na siya ng damit dahil tapos na ang shift niya. Sasakay pa siya ng bus pauwi. Kapag may ipon na ako, bibili siya nang mumurahing Scooter ng sa ganoon ay hindi siya mahihirapang mag-commute. Kaagad siyang humilata nang makauwi. Pagod na pagod at masakit ang mga binti niya. Hinilot-hilot niya iyon at nang makaradam nang ginhawa ay tumayo siya upang uminom ng tubig. Sumagi na naman sa kanyang isipan ang varsity player ng unibersidad na pinapasukan niya. Patay! Nasabi ko pala ang pangalan ko! Bigla siyang nabilaukan kaya naman umubo siya nang umubo. “Ayos lang ‘yon. Sino ba naman ang makakakilala sa isang Zawi Calih dela Vega. Tsss! Pang-masa lang ang pangalan at itsura ko. Kaya ayos lang Zawi, hindi ka naman hahanapin noon. Isa kang pangit na kuku sa paningin niya,” pangungumbinsi niya sa sarili. Naiinis na rin siya dahil pagpikit niya pa lang ay mukha kaagad nito ang bumalandra sa isip niya. “Tsss! Umalis ka sa isip ko, please lang.” Sinampal-sampal niya ang pisngi hanggang sa makaramdam siya nang antok. Mukhang kailangan niyang pilitin ang sariling kalimutan ito. Nagtataka lang naman siya dahil hindi niya naman ito pinapansin dati. Napansin niya lang talaga ito kasi napakalungkot ng mata ng binata. Iba talaga ito sa sinasabi ng mga taga-hanga ng lalaki. Nakatulugan niya na lang ang pag-iisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD