Chapter 1
“Mr. Nicholas Val Montefalco! Bumagsak ka sa quiz!” pasinghal na anunsyo ng kanilang propesor.
Lumaylay ang mga balikat ni Nico. Naroon ang mga nanghuhusgang tingin. Mga nangungutyang tinging kahit ano ang gawin niya ay nakapako pa rin sa kanya. Kahit paanong pagsisikap ang gawin niya ay hindi niya pa rin makuha ang dapat ay para sa kanya. Pakiramdam niya ay wala siyang kuwenta. Bakit naman kasi ito ang kursong napili ko? Sandali, ito ang kursong gusto ng mommy niya. Buntonghininga siyang tumayo upang kunin ang papel na nasa mesa.
Padarag siyang naupo pabalik sa isang upuang plastik na kulay krema. Gumawa iyon ng ingay nang sadyain niyang daragin iyon paatras. Umugong ang mga reklamo ng kanyang mga kaklase. Bigla siyang nanghina dahil sa nangyayari sa buhay niya. Nawalan na siya ng pag-asang makabangon ulit.
Ayaw na ayaw niyang mag-Doctor. Pinipilit man niya ang sarili na aralin ito ay sadyang hindi ito ang para sa kanya. Malamya siyang kumilos pagkatapos ng klase. Pumunta siya sa locker area ng campus at nilagay doon ang mga gamit na hindi niya kailangang dalhin sa bahay. At dahil uwian na ay lumakad na siya papunta sa tambayan.
Nakaupo siya sa ilalim ng puno ng mangga. Habang malayo pa ang oras ay nagbasa muna siya ng mga notes niya sa isang maliit na kuwaderno para bukas. May quiz na naman sila sa isa pang subject.
Masarap ang simoy ng hangin at mapayapa ang paligid. Sa hindi kalayuan ay maririnig mo ang masaganang huni ng nga ibon. Nakaka-relax sa pakiramdam na walang gulo at ingay sa gawing ito ng Campus. Lumaki kasi siyang palaging nagsisigawan ang mga magulang. Umaabot pa sa puntong nasasaktan siya ng mga ito ng hindi sinasadya lalo na kapag nakaharang siya sa mga ito.
Napangiti siya nang malapad nang dumating sa tagpuan nila si Colleen, ang tatlong taon na niyang nobya. Mabibilis at mahahaba ang mga hakbang ng dalaga habang salubong ang mga kilay at nakasimangot. Napalis ang kaninang naglalarong ngiti sa labi ni Nico nang tuluyang huminto sa harap niya ang dalaga.
Bigla siyang nakaramdam nang takot at kaba dahil sa kakaibang emosyong nakikita niya sa mga mata ng dalaga. Naroon ang galit, sakit at pagkadismaya. Palihim na lumunok si Nico dahil sa takot ngunit rinig na rinig iyon.
“Let’s break up,” mabilis na wika ng dalaga na naging dahilan upang matigilan siya. “I don’t want this anymore!” dagdag nitong sambit. Kumunot ang noo ni Nico dahil sa narinig halatang nagugulat sa nangyayari.
“W-Why?” naguguluhang niyang tanong. “W-What do you mean?” hindi makapaniwalang dagdag niyang tanong.
Pilit na inaabsorba ng sistema niya ang mga katagang binitawan ng nobya. Mapait itong ngumiti. “Ha! You mean you don’t know? You’re mom harassed me! She threatened me to sue my family if I won’t leave you!” malakas na singhal nito habang nag-uunahan ang mga luha sa pag-agos.
Napaatras siya dahil sa narinig. Natakpan niya ang bibig dahil sa gulat at pagkalito. “W-Why would she do that?” garalgal ang boses na tanong ni Nico sa dalaga. “Why would she?” Iiling-iling na bulong niyang tanong sa sarili.
Umihip ang malakas at malamig na hangin na siyang nakapagdag sa sakit na nararamdam niya ngayon. Para bang ipinapahiwatig nito na tama lang ang ginawa ng kanyang ina. Na tama lang na magkahiwalay sila ng kanyang nobya. Na tama lang ang lahat ng nangyayari ngayon.
“Hindi mo talaga alam?” tanong ng dalaga. Nanghuhusgang tingin ang ipinukol nito sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya. “Are you accusing me?” bulalas niyang tanong rito. Hindi siya makapaniwala sa tinuran nito at masama siyang tumitig rito.
Nililipad ng hangin ang maikli at maitim nitong buhok. Para iyong dinuduyan kasabay nang pagpatak ng mga luha nito. “She said you’re failing. You’re failing on their dreams and they want me out! Out of your life,” buntonghininga nitong turan habang kinakalma ang sarili.
“W-What?” nagugulat na tanong ni Nico sa dalaga. Hindi siya makapaniwalang magagawa iyon ng kanyang ina. Ito palagi ang kumukontra sa kanyang desisyon.
Palagi na lang . . .
“I’m sorry! I have to go,” pilit ang ngiting usal ng dalaga.
“What do you mean? Ayos lang sa ‘yo?” nagugulat na usisa niya.
“Yeah, it’s fine,” tipid ang ngiting wika nito na mas lalong ikinagulat ni Nico.
May mali . . .
“Did she offer you money?” Mas lalong nanlaki ang mga mata niya dahil tumango ang dalaga.
“Oo. I can’t believe she would go such lengths just to kick me out. Ganoon ako ka disgusto ng pamilya mo,” usal nito. Mapakla itong ngumiti sabay iling. Ibinaling nito ang tingin sa tanawin. “Hay, this will be the last time that’ll come here. It will remain in my memory though,” dagdag pa nito na akala mo ay hindi umiyak kanina lang.
Pakiramdam niya tuloy ay tuwang-tuwa ito sa nangyayari sa kanilang dalawa.
“B-But . . . “
“Ops! No but’s, Nicholas. Besides it’s toxic to be around you. You knew that, right? They wouldn’t give us peace. The people around us are mad at us! Sa tingin mo ba ay makakayanan ko ‘yon? No! I rather die,” tila nandidiri pa nitong wika.
Para siyang binuhusan nang malamig na tubig. “How could you say that? Akala ko ba ay masaya ka? Ang sabi mo sa akin noon ay masaya kang maging nobyo ako?” naguguluhan, nalilito at hindi makapaniwalang tanong niya sa dalagang nakangiti na ngayon.
“Me?” Turo nito sa sarili na sinabayan pa nang impit na tawa. “Happy? Ha!” anito saka pinaikot ang mga mata. “I can’t be happy with you! Masyadong maraming arte ang mga taga-hanga mo. Tsss!” naiinis nitong sambit bago ngumiwi.
“Anyway, I have to go.” Tumalikod ito saka kumaway bago naglakad paalis. Naiwan siyang tulala at nasasaktan. Tuluyan nang bumigay ang kanyang mga tuhod at pabagsak siyang napaupo sa damuhan.
Matagal bago siya nakahuma. Para bang sumikip ang dibdib niya at nilamukos ang puso niya dahil sa sakit na naramdaman. Pakiramdam niya ay tinraydor siya. Pinilit niyang tumayo at umalis na ngunit para bang napakabigat ng mga paa niya. Mabagal man ay nagawa niyang ihakbang ang paa hanggang sa dinala siya nito sa dalampasigan.
Hindi niya namalayang nakasakay na pala siya sa sariling kotse at nagmaneho papunta sa lugar na ito. May mga puno ng niyog sa paligid at may mga taong nagtatampisaw sa tubig. Ang banayad na paghampas ng alon at ang malamig ngunit may halong init at alat na simoy ng hangin ay ang siyang dahilan upang matauhan siya. Wala na. Tapos na ang relasyon nila ng pinakamamahal niyang nobya.
Pumikit siya saka malakas na huminga. Pinipilit pakawalan ang mabibigat na pakiramdam sa kanyang dibdib. Tumingala si Nico upang pigilan ang nagbabadyang luha. Pinakinggan niya ang paligid. Naririnig niya ang tawanan ng mga batang naglalaro at ang mga huni ng ibon sa paligid. Naroon ang mga nag-uusap na mga kalalakihan kaharap ang kanilang mga bangka.
Where is this place?
Tanong niya sa isip saka dumilat. Muntik na siyang matumba nang pagmulat ng kanyang mga mata ay isang babaeng ngayon niya lang nakita ang matamang nakatitig sa kanya. Pinagmamasdan siya nito. Tumatabingi pa ang ulo na animo ay pinag-aaralan ang mukha niya.
Wala sa isip siyang napahawak doon. Bigla siyang nahiya nang maalala ang hitsura niya dahil sa pagkakatitig sa kanya ng dalagang hindi niya alam ang pangalan. Nang matapos ito sa katititig sa kanya ay bahagya itong tumawa.
Natigilan siya at napatitig sa dalaga. Ang paraan nang pagtawa nito ay parang musika sa kanyang pandinig. Kung makatawa ang dalaga ay para bang matagal na siya nitong kilala. Kung sabagay, sikat naman siya bilang basketball player sa unibersidad na pinapasukan niya.
“W-Who are you?” nauutal na tanong niya rito ngunit binigyan lang siya nito ng isang matamis na ngiti. “I said, who are you?” natatarantang tanong niya ulit sa dalaga.
Umatras ito saka may kinuha sa bag na dala. “Oh! Sa ‘yo na! Mukha ka kasing pinagsakluban ng langit at lupa sa itsura mo." Nakangiti nitong inabot sa kanya ang isang pack ng----.
Seriously? Juice? Zest-O lang ang alam kung juice pero ito, OK? WTF! I’m not a kid.
“Tanggapin mo na at baka mahuli pa ako sa trabaho,” nakangiting usal nito na inilapit pa sa mukha niya ang hawak nitong juice. Umatras siya ngunit kalaunan ay tinanggap niya rin ang bigay ng dalaga.
“T-thank you,” kinakabahang usal niya.
“You’re welcome!” nakangiting sagot ng dalaga bago kumaway habang papaalis.
“Wait!” Malakas na tawag niya rito. Huminto naman ito kaagad at nagtatakang lumingon.
“Bakit?” kunot-noong tanong nito. Hindi naman siya kaagad nakasagot. “Bilis!” utos nito kaya napaayos siya ng tayo.
“W-What’s your name?” utal na tanong niya sa dalaga.
Ngumisi ito bago umiling. “Zawi,” tipid na sagot nito saka tuluyan nang umalis.
Napangiti siya. Kahit ‘yon lang. Kahit ‘yon lang ay gumanda ang pakiramdam niya. Ano kaya ang ginagawa niya rito? Trabaho, trabaho ang ipinunta niya rito. Sagot niya sa sariling tanong.
Madilim na nang umalis siya sa lugar na iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit kanina ay lugmok na lugmok siya ngunit nang makita niya ang dalaga ay biglang gumaan ang pakiramdam niya. Biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Nawala lahat ang bigat sa dibdib niya at nakangiti pa siya ngayon.
“Taga-saan kaya siya?” usal niyang tanong sa sarili habang nasa daan ang paningin habang nagmamaneho.
Ayaw niya sanang pansinin ang naiisip at nararamdaman niya ngunit hindi niya alam kung bakit gusto niya itong makita ulit.
Naibagsak niya ang katawan nang makauwi sa Condo. Maputi ang lahat ng gamit roon. Ang pintura ay puti rin at nahahaluan ng itim sa ibang parte ng pader. Malinis at nakaayos ang lahat ng gamit. May computer sa tabi ng kama niya at may mini-refrigerator doon.
Kailangan niyang kausapin ang kanyang ama. Ito lang kasi ang nakakaintindi sa mga hinanaing niya. Ito lang ang nalalapitan at nasasabihan niya ng mga problema niya.
“Dad?” mahinang tawag niya rito sa kabilang linya.
“What is it?” sagot nitong tanong. May bahid nang pag-aalala sa boses ng ginoo. Alam kasi nito na kapag tumatawag siya ay may problema. Ganoon na ang set-up nilang mag-ama simula nang kontrolin ng kanyang ina ang buhay niya.
“I think I need to change my course,” nanginginig ang labing usal niya.
“I’ll talk to your Mom. Don’t worry, Son. I got your back,” sagot nito.
“Thanks Dad! I love you.” Ibinaba niya kaagad ang tawag dahil sa kaba.
Napanatag siya dahil sa sinabi ng kanyang ama. Ito lang talaga ang tanging sumusuporta sa lahat ng gusto niya. Hindi siya nito pinagbabawalan. Ngunit kapag alam nitong hindi makabubuti sa kanya ang mga desisyon niya ay pinagsasabihan siya nito.
Iidlip na sana siya nang tumawag si Ridge, ang madaldal niyang pinsan. “Oh? Bakit?” walang ganang sagot niya habang nagkakamot ng ulo. Masyado na iyong makati.
“Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko, Nico,” anito na bumubulong pa. “Gusto mong malaman?” dagdag nitong tanong.
“I’m not interested,” nakangiwing sagot niya sa pinsan bago hinarap ang librong aaralin niya.
“You’re girlfriend is here kissing another guy,” anunsyo nito dahilan upang mapaayos siya ng upo. Bumalik ang lahat ng enerhiya sa katawan niya. Napatayo siya ng wala sa oras nang tuluyang rumehistro sa utak niya ang mga binitawang kataga ng pinsan.
“She’s kissing some random guy, dre! The f**k? What a wild girl you have got, Nico,” nanginginig na usal nito. Ramdam niyang natatakot itong makitang nanonood sa kung ano mang ginagawa ni Colleen,ang Ex-girlfriend niya.
“W-what? What do you mean?” garalgal ang boses na tanong niya.
“Tsk! Sinabi ko naman sa ‘yo! Huwag mong patulan ang babaeng ‘yon!” pangangaral pa nito sa kanya. Sumipol pa ito. “Ilang beses kitang pinagsasabihan, tingnan mo ngayon. Nakikipaghalikan na sa ibang lalaki. Hiwalayan mo na ‘yan, Nico,” mariing utos ni Ridge.
Dismayado. Bumuntonghininga ako. “We broke up,” anunsyo niya. “Kanina lang nangyari,” dagdag niya pa.
Narinig niya itong suminghap sa kabilang linya. “s**t! s**t! s**t! She look at me! She saw me!” naghuhuramentadong sambit ng pinsan. Ramdam niyang tumatakbo ito. “What did you say?” usisa nito dahil mukhang hindi nito narinig ang mga sinabi niya kanina.
“Wala ‘yon! Thank you for telling me,” walang kabuhay-buhay na usal niya bago pinatay ang tawag. Hindi niya na hinintay ang sasabihin nito dahil sigurado siyang bukas na bukas ay malalaman iyon ng lahat.
“Siguraduhin mo lang na hindi ka magsisisi sa desisyon mo Colleen. Dahil kapag ikaw ang naghabol, wala ka ng babalikan dahil wala ng babalik.” Kuyom ang palad na banta niya sa kawalan. Naghanda na siya at natulog siyang ang nasa isip ay ang babaeng nagngangalang Zawi.