Chapter 4

1958 Words
Chapter 4 Maagang bumangon si Zawi nang dumating ang Lunes. May kailangan kasi siyang ipasang reaction paper sa isa sa mga propesor niya dahil huli na siya sa deadline. Mabuti na lang at napakiusapan pa niya ito nang maayos. "Morning, Dee. Himala! Hindi mo yata inupuan ang mukha ko ngayon," baling niyang bati sa pusang may bitbit na bowl para sa pagkain nito. Ibinagsak nito iyon sa paanan niya na parang nagdadabog dahil hindi pa niya ito pinapakain. "Eto na!" malakas niyang komento. "Hindi ka bumili ng sarili mong pagkain, eh, 'no? Nagpapalibre ka na nga lang sa 'kin, hindi ka pa marunong magpasalamat," natatawang pagkausap niya rito na animo'y naiintindihan nito ang sinasabi niya. Hinimas niya ang ulo nito bago niya ito binigyan ng isang cup ng catfood. Pagkatapos niyang kumain at mag-ayos ng sarili ay dumiretso na siya sa eskuwelahan. Hindi na siya nagmadali dahil malapit lang naman at may tatlumpung minuto pa siya para maglakad. "Good morning, Calih!" malambing na bungad sa kanya ng kaibigang si Lou saka ikinawit sa kanyang braso ang kamay nito. Ngumiti siya rito. "Magandang umaga," sagot niya "Ano? May ginawa na naman ba ang alaga mo?" nanghuhulang tanong nito saka itinuro ang mukha niya. "You look sad," dagdag pa ng kaibigan. Tumawa siya nang mahina dahil nasa hallway sila at naglalakad. "Hindi naman. Pagod lang ako," nakangiti niyang sagot. "Trabaho?" usisa ng kaibigan. "Mmm," tipid niyang sagot. Napalabi ito saka inis na inayos ang tindig. "Bakit naman kasi hindi mo maiwan-iwan 'yang work mo? Ano ba kasing pinagkakaabalahan mo? Ha? At namayat ka nang ganiyan. Tingnan mo, oh!" Turo nito sa nagsusuntukang eye bags niya. "Ang itim!" saway pa nito. "Ano ba kasing work mo, ha? Share naman diyan. Baka naman magustuhan ko't mag-apply rin ako," nakangiting usal nito. Natigilan siya. "Ah, sa isang restaurant lang. Malayo rito, eh," nangangapang sagot niya. Hindi nito p'wedeng malaman kung ano ang ginagawa niya. "Hindi nga?" hind naniniwalang tanong nito. "Oo nga! Ano ka ba?" angil niya rito. "Ma-late ka na niyan," paalala niya sa kaibigan. "Atat na palayasin ako, eh, 'no?" nakangiwi nitong usal. Tumawa siya. "Hindi naman," aniya. "Male-late ka naman talaga niyan." Ipinakita niya rito ang oras at kaagad na nanlaki ang nga mata nito. "Oh no!" bulalas nito saka kumaripas ng takbo. "Kita tayo later!" sigaw pa nito habang kumakaway patalikod. "Okay!" sigaw niya pabalik. Nakangiti siyang pumasok sa kanyang classroom. Naroon na ang mangilan-ngilan niyang kaklase. Ngumiti siya sa mga ito na ginantihan naman nang nakapansin sa kanya ng isang matamis na ngiti. "Good morning, Class!" istriktong bati sa kanila nang kapapasok pa lang na profesor. Kaagad sila nitong binigyan ng seatwork dahil may meeting pa raw ang mga ito sa faculty office. Nakangiti ang lahat dahil siyempre, kapag maaga silang matatapos ay free time na nila iyon. Kaagad naman niyang ginawa ang ipinapagawa sa kanila. "Wow! Ang galing naman!" bulalas ng seatmate niya nang makita nito ang gawa niya. Nginitian niya ito. "Salamat!" aniya rito. "Tapos ka na?" tanong niya sa dalagang nerd sa klase. Palagi itong nakasuot ng salamin dahil maagang nanlabo ang mga mata nito dahil sa kababasa ng mga nagkakapalang libro. "H-hindi pa!" maagap na sagot nito. Hinarap ng babae ang sariling gawa. "Hindi talaga ako mahilig sa drawing," malamya ang boses na anito. "Ayos na 'yan," pagpapagaan ng loob na aniya sa babae. "At least, may nagawa hindi ba?" nakangiti niyang turan. "Oo naman!" sang-ayon nito. Nang matapos ang lahat ay kaagad siyang nagpasa sa faculty room. Doon niya inilagay sa mesa ng mismong profesor niya ang lahat ng seatwork nila. Siya kasi ang naatasang magpasa niyon. Dahil nakaramdam siya ng gutom at lunch break na rin naman ay naisipan niyang dumaan muna sa Cafeteria upang bumili ng pagkain. Hindi na niya hinintay ang kaibigang si Lou dahil magkaiba ang oras ng klase nila. Nauuna siyang matapos rito at isang vacant lang sa hapon sila nagkakasabay. Kaagad siyang naupo sa hindi kalayuang table nang makakuha ng pagkain. Kinain niya iyon habang abala sa pagbubuklat at pagbabasa para sa isang quiz niya mamaya. Alam niyang mahihirapan siya ro'n dahil hindi naman nya gamay ang math problems. Kinamot niya ang noo dahil sa hindi niya maintindihang solving problems. Mahina talaga siya sa math kahit anong gawin niyang pag-intindi rito. Wala talagang pumapasok sa utak niya. Pinagsalikop niya ang mga kamay habang pinakatitigang mabuti ang papel na nasa harap niya. Kamot-ulo niya itong sinimulang sagutan. "Bahala na," bulong niya sa sarili. Mabuti na lang at nasa sulok siya ng cafeteria kaya hindi siya gaanong mapapansin ng ibang estudyante. "Tss. Bagsak kung bagsak," aniya sa sarili. Bumuntonghininga siya dahil sa hirap. Sumasakit na rin kasi ang ulo niya dahil sa kaiisip ng solusyon sa problema. "Pakialam ko ba sa X at Y?" inis niyang tanong sa sarili. "Sige lang, Zawi. Baka hindi ka maka-graduate dahil sa kabobohan mo," inis niyang paalala sa sarili. Kaagad niyang itiniklop ang notebook nang tumunog ang bell hudyat na klase na niya. Hindi pa man siya nakakatayo ay nahagip na nang kanyang paningin ang lalaking nakaupo sa hindi kalayuan. May kausap itong isa pang lalaki at pawang nag-aasaran ang dalawa. Kaagad siyang napatakip sa kanyang mukha nang mabaling sa gawi niya ang paningin ng lalaki. Noon niya lang napagtantong ang binata iyon. Si Nicholas Val Montefalco. "Patay! Namukhaan yata ako!" impit ang tili na aniya sa sarili habang nagmamadaling makalabas ng cafeteria. Mabibilis ang kanyang mga hakbang. Nakahinga siya nang maluwag nang tuluyang makaalis sa lugar. Panay ang paypay niya sa sarili dahil sa kabang naramdaman. "Hoy!" Napatalon siya dahil sa gulat nang biglang sumigaw sa harap niya ang kaibigang si Lou. "Gagi! Nagulat ako, ah!" Inambaan niya ito nang suntok na kaagad namang iniwasan ng huli. "Hehe! Ano ang ginagawa mo rito?" tankng nito sa kanyang habang iginagala ang paningin sa paligid. Manhilan-ngilang estudyante ang dumadaan sa gawi nila. "W-wala! Nagpapahangin lang," nauutal na sagot niya rito. "Weh? Bakit sinasabi ng mga kilay mong nagsisinungaling ka," nakataas ang kilay na anito. Halatang nang-aasar. Pilit siyang tumawa. "Bakit ba?" "Hahaha! Wala lang," anito. "Oh, siya. Kita na lang tayo mamaya. May klase pa ako. Nakita lang talaga kita kaya ako lumapit sa 'yo," paalam nito sa kanya. Kumaway ito habang papalayo. Nakahinga siya nang maluwag. Alam niyang ayaw ng dalaga sa crush niyang si Nico. Iyon ang palayaw ng binata. Kaagad siyang pumasok sa klase. Statistics. Hindi pa amn nagsisimula ay pinagpapawisan na siya. Ramdam niyang marami siyang magiging mali at naiinis siya dahil sa pagiging negative thinker niya pagdating sa math. Kahit kasi anong gawin niyang pag-focus sa klase ay hindi niya talaga makayanan. Kagaya ngayon, pilit na pilit niya ang sariling intindihin ang ginagawa. Kailangan niyang makapasa. Maka-graduate. Ito na lang kasi ang minor niyang subject at ga-graduate na siya. Kailangan niyang ipasa ang kurso niya hindi para sa iba kundi para sa kanyang sarili. Proud siya na itinaguyod niyang mag-isa ang kanyang pag-aaral. Dahil sa pagpupursigi at determinasyon. Dahil isang oras at kalahati ang klase nila ay naka-survive naman siya sa klase. Iyon nga lang, hindi niya pa alam kung tama ang mga solusyong ginamit niya. Sa susunod na meeting niya pa iyon malalaman. Basta ang importante, may sagot. Natawa siya sa sariling naisip. May sagot at dapat tama ang sagot. Pagtatama niya sa sarili. Nang matapos ay naghintay muna siyang maunang makalabas ang mga kaklase niya. Ayaw kasi niyang nakikipagsabayan sa mga ito. Hindi naman siya nagmamadali dahil vacant naman niya. Mamayang alas tres pa ang huling klase niya. Tiningnan niya ang oras. Mahaba-habang pagbabasa ang mangyayari ngayon. Usal niya sa kanyang isip. Nang wala ng ibang estudyante ay kaagad siyang lumabas dahil may magka-klase naman sa room na ginamit nila kanina. Hindi paan siya nakakababa ay nag-open siya ng messenger. May bagong chat sa GC nila. Napangiti siya nang mabasa ang chat. Wala raw siyang klase sa last subject. Muntik na niyang masampal ang sarili dahil muntikan na siyang tumalon. Nagulat pa ang nakasunod sa kanyang propesor dahil sa ginawa niyang pagpigil sa sarili. "Sorry po!" nakangiting hinging paumanhin niya rito. Pilit naman itong ngumiti sa kanya bago siya nito nilagpasan. Dahil wala naman na siyang klase ay nag-text siya sa kaibigang si Lou. Sinabihan niya ito at ang gaga ay tuwang-tuwa rin dahil pareho pala sila. Mukhang may meeting yata ang lahat ng professor ngayon. Nakita niya rin kasi ang may-ari ng unibersidad na pumasok kanina. Mukhang may inspectiong nagaganap. Naglakad siya sa hallway at nang huminto nang makita ang kaibigan. Kumaway ito sa kanya habang malapad ang ngiti sa labi kaya gumanti rin siya rito. Ngumiti siya at kumaway na oarang tuwang-tuwang bata. Wala sa sarili siyang napalingon sa kanyang kaliwa dahil pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya. Ngumiti siya nang matamis nang magtama ang paningin nila ng binatang crush niya. Si Nicholas. Noon niya lang napagtantong nakilala siya nito kaya nang yumuko ito ay kumaripas siya nang takbo palalapit sa kaibigan. Nagtataka naman itong napatingin sa kanya. "Napapaano ka?" nag-aalalang tanong nito. Sinipat pa nito ang kabuuan niya. "W-wala! T-tara!" Mabilis niya itong nahila. "H-hoy!" pigil nito sa kanya. Huminto ito at tinaasan siya ng kilay. "Ano ba ang nangyayati sa 'yo?" taka nitong tanong. "Wala nga! Tara na!" "Gutom ako," nakasimangot nitong sabi. "I need snack! Alam mo ba na ang toxic ng klase namin ngayon!" pangangaral nito sa kanya. "Oo na! Pareho lang tayo! Doon na lang tayo sa labas. Kain tayong street foods," aniya habang iginigiya ito palabas ng campus. May nakatambay kasing naglalako ng tempura, kwek-kwek at juice sa labas ng school nila. "You're acting weird," komento nito habang naglalakad sila sa hallway. Nang matapat sila sa gate ay hindi niya pa rin ito sinasagot. "Hoy! Ano ba ang nangyari? Nakita mk siguro ang crush mo, 'no?" Kaagad siyang natigilan dahil sa sinabi nito. "Bakit mo nasabi?" "Well, ikaw lang ang makasasagot niyan. Nanghuhula lang ako," anito. "Okay," tipid niyang sagot. Nang makalabas ay kaagad silang kumain. Nakailang subo pa siya ng tempura nang muntik siyang mabilaukan dahil may paparating sagawi nila. Ang binata. Nagtago siya sa likod ng kaibigan habang ito naman ay nagtataka sa inaasta niya. "Hoy," tawag nito sa kanya. Sinenyasan niya itong huwag siyang pansinin na tinanguan lang naman ng dalaga. Nagpatuloy siya sa pagkain at nakahinga siya nang maluwag nang napansing dumaan lang pala ang binata. "Mag-usap tayo mamaya," banta ng kaibigan niya habang nakatingin nang mataman sa kanya. Kinindatan niya lang ito. Naglakad-lakad sila. Day-off niya mamaya kaya may oras pa siya oara maglakwatsa. "Crush mo 'yon?" intriga nito nang makalayi sila sa mga tao. "Sino?" "Tss. Si Nicholas. Nico for short," nakakunot ang noong anito. Tumangi siya. "Akala ko ba alam mo na?" Umiling ito. "Iba kasi ang alam ko. Akala ko yung nasa Education?" "Gaga! Ex ko na 'yon," natatawang aniya. "Aw! Akala ko naman. Tsk!" Nagkuwentuhan pa sila habang naglalakad pauwi. Malapit lang kasi ang boarding house niya. Sa unahan naman ang dorm ng kaibigan kaya sabaya lang silang naglalakad pauwi kapag wala siyang pasok sa trabaho. Kaoag mayroon kasi ay kailangan niyang mauna rito para makapaghanda pa siya sa pagpasok sa trabaho. Kaagad aiyang humilata nang makauwi "Dee, kamusta ang araw mo? Hindi ka ba napagod kahihiga riyan?" tanong niya sa pusa niyang nakatingala sa kanya. "Mabuti naman at bumangon ka na." Tumayo siya at nilagyan ng cat food ang bowl nito. Naglagay rin siya ng tubig at nilapag iyon sa harap ng pusa. Kaagad naman nito iyong kinain. Nagutom yata dahil hindi siya nakauwi kaninang tanghali. "Sorry naman! Sa susunod, uuwi ako." Hinimas-himas niya ang ulo nito. Naghanda na siya sa pagtulog. Dahil busog pa naman siya ay hindi na siya nag-abala pang magluto. Nagbasa na lang muna siya at nang makaramdam ng antok ay natulog na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD