Part 2

1424 Words
NAPAKUNOT ang noo ni Honey at nagtaka. Ano ang ginagawa ni d**k doon? Sa bihis nito ay mukhang bisita din ito. Bakit hindi niya napansin? Buhat sa simbahan kanina ay dumalo siya hanggang dito sa reception pero hindi niya nakita ang binata. O, kadarating lang nito? Nagtama ang tingin nila ni d**k. Awtomatiko itong ngumiti sa kanya at kumaway. Nag-aalangan man ay tumango na rin siya at ngumiti. And suddenly she became uncomfortable. Ewan ba niya kung bakit ganoon ang nararamdaman niya sa binatang iyon samantalang ubod naman ng bait sa kanya. In fact, d**k was nice to her to a fault. Hindi niya alam kung dahil likas lang dito na mabait ito o dahil siya ang girlfriend ni Travis. Travis and d**k were first cousins and best of friends since knee-high. Kapag ang dalawa ang magkasama at babalikan ang mga karanasan nito noong mga bata pa, minsan ay nakakalimutang nasa tabi lang siya. The two men were so engrossed reminiscing their past---minsan ay ikinakapikon niya pero madalas ay hinahayaan na lang niya. Para kay Travis, si d**k ay higit pa bilang kapatid nito. Nag-iisa lang si Travis na anak at maaga pang naulila. Si d**k at ang pamilya nito, lalo na ang mama nito na kapatid naman ng ama ni Travis ang naging parang pamilya ng kasintahan niya. At malamang, si d**k naman ay nakita kay Travis ang isang kapatid na lalaki. Sa pagkakaalam niya ay malaking pamilya sina d**k subalit nag-iisa lang itong lalaki. Pahapyaw ding nabanggit sa kanya ni Travis na sa mga huling taon nito sa kolehiyo ay inako ng mga magulang ni d**k ang pag-aaral nito. It has been a year since she met d**k. Nililigawan pa lang siya noon ni Travis. Kasali na ang binata sa mga kuwento nito. Nasanay na rin siya. Buong buhay yata ni Travis, kasali si d**k. It didn’t matter whether d**k was physically around or not. Sa abroad ang trabaho ni d**k. Pana-panahon ay ipinapadala ito ng kumpanya sa abroad. Hindi niya alam kung ano eksakto ang trabaho nito. Basta ganoon lang ang intindi niya. Minsang nasa paligid lang at parang walang obligasyon sa buhay, minsang wala at mababalitaan na lang nila na nasa kung saang bansa. Kung arkitekto yata ito o engineer sa isang malaking kumpanya ay hindi niya tiyak. At sa mga panahong nasa paligid lang si d**k, madalas na kasama nito ito sa date nila. Minsan ay third wheel nila ito. Minsan naman ay foursome sila. Noong isang buwan niya huling nakita si d**k. Ang alam niya ay may-ari ng isang sumisikat na bakeshop ang girlfriend nito. Si Vera Mae. Mabilis na hinanap niya ng mata ang babae. Hindi naman siya nahirapan. Ang mama ni Eula ang kausap ni Vera Mae at nang isang middle-aged na babaeng kasama nito. At naisip niya, hindi na rin nakakapagtaka iyon sa bihis at kilos pa lamang ng mga ito. They all belonged to the same social class. “We would like to invite Mr. d**k Montoya to please join the gorgeous single men here.” Narinig na lamang ni Honey na anunsyo ng emcee. “You are specially requested by our groom,” sabi pa ng emcee. Nagpaunlak naman si d**k. Nakangiti itong nakisali sa mga naunang mga lalaki na makikiagaw ng garter. Hindi naman maintindihan ni Honey ang nararamdaman. It was just another wedding tradition, isang parte kung saan mas nagkakasayahan ang mga bisita dahil sa tuksuhan. Balewala naman dapat kung sino ang makasalo ng garter. Kung sinoman iyon ay isusuot naman iyon sa hanggang itaas ng tuhod niya. At pagkatapos ay dadampian siya ng halik sa pisngi. It would just take a few minutes at tapos na. Sa dami ng kasalang dinaluhan niya ay alam na niyang ganoon ang mangyayari. It was always like that. It was nothing, really. Pero bakit parang kinakabahan siya? She wished Travis was around. Kung kasali marahil sa mga lalaking iyon si Travis ay baka mas iba ang maramdaman niya. She would be excited for sure. At natural na kung siya ang masusunod ay gugustuhin niyang si Travis ang makasalo ng garter. Pilit na lang niyang isinantabi ang nararamdaman. Pero ng umitsa sa ere ang lace garter at mag-landing iyon sa kamay ni d**k ay bumalik ang hindi maipaliwanag na pakiramdam niya. But no one noticed, of course. Ang pumailanlang sa paligid ay maraming tuksuhan. “Hindi kami talo,” sabi ni d**k na kunwa ay napakamot pa ng ulo. “She’s almost a sister to me.” Hindi niya alam kung bakit may gumapang na tila dismaya sa tinuran nito. At bakit naman kaya? Samantalang iyon ang totoo. Kinastigo niya ang sarili. Bakit ba kasi kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya. She started to hate herself for that thought. “Where’s Travis?” tanong nito sa kanya nang magkalapit sila. “Working, alam mo na,” kaswal namang sabi niya. “Invited din pala kayo dito?” “College buddies kami ni Anthony. Plus, long-time friends pala sina Tita Estrelle at mommy ni Eula. Mommy ni Eula ang nag-imbita sa mag-ina.” “Mag-ina?” Nilinga niya si Vera Mae at ang katabi nito. Malaki nga ang pagkakahawig ng dalawa pero malayo niyang iisiping mag-ina ang mga iyon. “I know what you are thinking” nakangiting sabi ni d**k. “Mas mukha silang mag-ate kesa magkapatid,” proud na proud na sabi nito. Inagaw ng emcee ang pag-uusap nila, who made an ad lib as to how to put the garter on her thigh. “Travis should be the one doing this,” naiiling na sabi ni d**k bagaman nakangiti. Hindi niya nakuhang sumagot. She hated it when she felt the friction the moment he touched her skin. Parang gusto niyang tumayo na at mag-walk out. Pero tila nakikinita na niyang isang malaking eksena iyon bukod sa malaki ring kahihiyan. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang bagay na iyon kung sakaling gagawin niya. Magmumukha lang siyang tanga at pikon sa harap ng madaming tao. She sighed inwardly. Iwinaksi niya ang anumang uneasiness. Maybe it was just her. “Higher! Higher!” the crowd teased. Umakyat pa ang kamay ni d**k sa ilalim ng palda niya. She felt his knuckles gliding against her skin. At hindi niya gusto ang kilabot na tila gumigising sa katawan niya. No! Her mind panicked. “Okay na dito, ‘no?” pabulong namang sabi sa kanya ni d**k. Nasa kalagitnaan ng hita niya ang garter, ganundin ang kamay ni d**k. Wala naman marahil nakakaalam kung saan eksakto nakadaiti ang balat nito sa kanya sapagkat nakapailalim iyon sa kanyang palda. Lumakas pa ang panunudyo ng audience nila. It was probably the idea that his hand was under her skirt that was making them wild somehow. But no one, really, would have an idea on the panic she was having right now. Kahit siya mismo ay hindi niya maintindihan ang pakiramdam na iyon. “Oo, tama na,” sabi niya na sa loob-loob niya ay kayrami ng kahulugan. Tama nang hanggang doon na lang ang garter. At tama na rin ang mga sandaling iyon. She really wanted it to end right that very minute. Tila nadaragdagan ang kalituhan niya sa bawat sandali. Pero hindi pa tapos. Adrian and Eula had to kiss—pagkatapos ng maraming pagkakataon na hindi na mabilang ay kailangan pa uli ng mga itong gawin iyon para sa bahagi ng seremonyang iyon. At hindi lang iyon. She and d**k had to kiss, too. Lihim na napalunok si Honey. “Sa pisngi lang naman, Honey,” narinig niyang sabi ni d**k. Tumango na lang siya. Iyon din naman ang mismong sinasabi ng emcee. At alam na rin naman niya ang bahaging iyon sa simula pa lang. Pero nang yumuko si d**k at akmang hahalikan siya sa pisngi, isang abay na lalaki ang nagbiro na bahagyang nagtulak dito. Nasubsob si d**k sa kanya. On instinct, she stepped backward. And maybe, on his instinct too, inabot nito ang bewang niya para hindi siya mabuwal. And on the process, his kiss landed on her lips. For two seconds or maybe three, their mouths were pressed together. Siguro ay kapwa sila nagulat at hindi nakahuma. For one fleeting moment, their eyes met. And held. Kung ano ang mensaheng itinatawid ng tinginang iyon ay hindi niya kayang bigyan ng pangalan. O malamang ay hindi rin niiya gustong pag-isipan pa. Baka naman balewala lang iyon at siya lang pilit na naghahanap ng ibang interpretasyon. Tila naman pareho din silang natauhan. Mabilis ding naghiwalay ang kanilang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD