Part 3

1810 Words
“SORRY,” halos magkasabay pa nilang sabi. Nauwi sa ingay ang ugong ng kantiyawan sa paligid. Lalo nang naging uneasy si Honey. Mabilis na hinanap niya ng mata si Vera Mae, who was also watching! Hindi niya alam kung paano magre-react. At kahit na nang game na tumawa lang si Vera Mae ay hindi pa rin siya mapakali. Kumaway pa sa kanya ang girlfriend ni d**k. Sa wakas ay natapos na ang mga sandaling iyon. Bitbit niya ang throw bouquet ni Eula nang umalis siya sa gitna. Noon din naman niya nakitang paparating si Travis. “Hmmm, mukhang ikaw na ang next bride?” malapad ang ngiting bati sa kanya ng nobyo. “Bakit ngayon ka lang?” hindi niya alam kung bakit parang iritado ang naging tono niya. Dagli namang napakunot ng noo si Travis. “Masungit yata ang honey ko?” “Hinahanap ka ni Ma’am Eula. Magpakita ka sa kanya,” sabi na lang niya. Tiningnan siya ni Travis at saka nagkibit ng balikat bago nilapitan ang mga bagong kasal. Hindi naman ito nagtagal at nakita niyang buffet table na ang pinuntahan. Bumaba ang tingin niya sa bouquet. It was very simple yet beautiful. Iba’t ibang kulay na tulips na binungkos ng silk ribbon. Napakaganda. Bagay na bagay sa personalidad ni Eula. Iniisip niya, kung siya kaya ang ikakasal, ano kaya ang bagay na bouquet sa kanya? Siguro ay bulaklak ng amorseko at santan, kantiyaw niya sa sarili. Pangkaraniwan lang naman kasi siya. Pero tiyak na hindi papayag si Travis. Kapag kasal ang paksa ng usapan nila, malaking kasalan ang nasa isip nito. Gusto na nitong magpakasal sila pero hindi pa raw sapat ang ipon nito para sa kasal na gusto nitong ibigay sa kanya. Handa na rin ang loob niya na magpakasal. Travis was her second boyfriend. Nasira nga ang pangarap niya ang magiging unang nobyo ang mapapangasawa pero sa tingin niya suwerte pa rin siya. Pangalawa man niyang boyfriend si Travis ay alam niyang sa kasalan na sila mauuwi. Matagal nang naka-programa sa utak niya iyon. Na si Travis na ang kapalaran niya. Ayaw na niyang magkaroon pa ng ibang ka-relasyon. After all, kasal na lang talaga ang kulang sa kanila ni Travis. She sighed. Bakit ba nabagabag siya ng presensya ni d**k kanina. Hindi niya gusto ang pakiramdam na gumapang sa kanya. Pilit niyang iwinaksi ang bumabangong ideya sa isip niya. Pero parang tukso na tinamaan ng sulyap niya sina d**k at Vera Mae na nakikipag-social talk sa ibang bisita. d**k’s hand was at the small of her back. It was a very familiar gesture at hindi niya maintindihan kung bakit parang inaalon ang pakiramdam niya. Bakit apektado siya na hindi niya mawari. Mabilis siyang nagbitaw ng tingin sa mga ito at sinundan ng tingin si Travis na kumukuha ng pagkain. She looked at him... lovingly. Habang pinagmamasdan ang nobyo ay lalo naman niyang idinidikta sa isip na mahal niya si Travis. Oo naman. Mahal niya si Travis. Ipinagkaloob na nga niya dito ang virginity niya kahit hindi pa sila sa kasal. Nasa isip na niya ang future niya na kasama si Travis. She made another sigh. Maybe d**k was especially handsome today. Kaya bahagya siyang nataranta ng presenya nito. Travis was handsome in his own right, but Dick... Oh, well, iba ang dating ni d**k. Pero dapat, kahit na iba ang dating ni d**k ay wala siyang kiber dito. Pinsan ito ni Travis! Napangiwi siya. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Hindi naman siya malanding babae. Pero bakit nagkakaroon siya ng ganoong atraksyon kay d**k. Susme, mag-pinsan pa ang mga ito! “Kumain ka na, ‘Ney?” Napansin na lang niya na nakabalik na si Travis. Itinuon niya ang pansin dito. Napailing siya nang makita na puro matatabang karne ang nasa plato nito. “Oo, kanina pa. Travis, hindi ka na naman nag-iingat sa pagkain mo,” paalala niya dito. “Alam mo namang bawal sa iyo ang mga iyan.” “Paminsan-minsan lang naman, eh. Pagbigyan mo na ako.” At sumubo na ito. Kung siya lang ang masusunod ay kukunin niya ang plato nito at papalitan ng iba. Noong isang buwan lang ay isinugod nila sa ospital si Travis. Dumaing ito ng labis na pagkahilo at sinabayan pa ng paninikip ng dibdib. At nalaman nila na napakataas pala ng cholesterol level nito bukod pa sa mataas ding presyon ng dugo. Maraming binawal na pagkain dito. In fact, binigyan pa talaga ito ng mga listahan ng pagkain na dapat lang nitong kainin. Pero matigas ang ulo ni Travis. Hindi lang ito ang pagkakataon na pinansin niya ang pagkain nito. “Ang sarap!” ani Travis nang makasubo. Inirapan niya ito. “Baka bumulagta kang bigla diyan, ha?” “Ikaw naman. Hindi, siyempre. Papakasal pa tayo. Lalo na ngayon, ikaw pala ang next bride. Di paninindigan na natin iyan tutal lagi naman nating napag-uusapan ang tungkol sa kasal. ‘Ney, ikuha mo naman ako ng canonigo, please?” naglalambing na utos nito. “Travis, matamis iyon,” angal niya. “Sige, konti lang naman, eh. Please, ‘Ney?” He was always calling her ‘Ney, short of honey. Kung bakit naman daw kasi Honey ang naging pangalan niya na sana ay term of endearment na rin nila sa isa’t isa. Nakasimangot na sumunod na rin siya. Nang bumalik siya, padarag na ibinaba niya ang dessert. “Ikaw, ha! Ang tigas ng ulo mo. Mamamatay ka kaagad niyan. Lahat ng bawal sa iyo, iyon ang kinakain mo.” “Tsk, don’t say that! Papakasal pa tayo.” Tila umilaw ang mga mata nito nang may mahagip ng tingin. “Nandito pala si d**k?” At tila awtomatiko ang naging paglapad ng ngiti nito. “Oo. Kakilala pala niya si Sir Anthony. Saka kababata daw ng mother ni Vera Mae yung mommy ni Ma’am Eula. Siya nga pala ang nakasalo ng garter.” She hated it when she sound guilty at her last sentence. “The next groom!” Tumawa naman si Travis. “Malamang double wedding kami.” Lihim siyang napailing. Walang kamali-malisya si Travis sa nangyari. At naisip niyang dapat nga ay ganoon din siya. Pero bakit ba hindi niya maipaliwanag ang uneasiness na naramdaman niya kanina? And, oh the term. Malisya. Kung puwede lang siyang maglulundag sa mga sandaling iyon para iwaksi ang ideyang iyon. Kumapit siya kay Travis at sadyang inihilig pa ang katawan dito. She wanted to feel his warmth. At gusto rin niyang ipaalala sa sariling hindi na siya dapat na mag-isip pa ng iba. Naramdaman naman iyon ni Travis. Nilingon siya nito saka ngumiti. "Mukhang nahahawa ka sa romantic ambience, ‘Ney. At sino ba ako para mag-reklamo?" Kumindat ito sa kanya at ito na ang nagkawit ng kamay nito sa bewang niya. "Bro! Nandito ka na pala.” Lumapit si d**k at pabirong sinuntok ng magaan ang balikat ng pinsan. “Oo. Balita ko, ikaw nakasalo ng garter. Papakasal na kayo ni Vera Mae?” Tumawa si d**k. “Puwede! Pero baka kayo nitong si Honey ang mas sumunod na. Siya ang nakasalo ng bouquet.” “Yeah, well, malamang nga. At siyempre, best man ka, bro. Pero kung gusto mo, double wedding tayo,” ngisi ni Travis. “Nasa plano ko rin naman iyan pero mauna ka na. Hindi naman ako nakikipagkarera.” Pagkuwa ay napatitig ito sa kinakain ni Travis. “Bro, puro bawal sa iyo ang mga iyan, ah?” “Isa ka pa, para paminsan-minsan lang, eh.” “Paminsan-minsan, eh, sobra naman. Baka atakehin ka diyan?” Itinulak ni Travis ang plato. “Okay, ayan titigil na. Kayong dalawa pinagtutulungan ninyo ako. Hindi ba kayo naaawa sa akin? Pumapayat na ako.” “That’s good for you, bro. Sinabi naman talaga ng doktor na kailangan mong magbawas ng timbang.” Umungol si Travis. “Bakit, katawang pang-romansa pa naman ako, ah? Di ba, ‘Ney?” “Heh!” natatawang singhal niya dito. Hindi sinasadyang napasulyap siya kay d**k. Nakatitig ito sa kanya. At bigla siyang nakadama ng pagkailang lalo at naramdaman niya ang pag-iinit ng magkabilang pisngi. Parang bigla siyang na-guilty na baka iniisip ni d**k ang mga intimate moments nila ni Travis. She groaned inwardly. Bakit ba ganito na lang ang pakiramdam niya ngayon kapag nasa paligid si d**k. Naiinis na siya talaga sa sarili niya. “Travis.” Isiniksik pa niya ang sarili sa boyfriend. She wanted to be close to him. Wala siyang pakialam kung makatawag siya ng atensyon. Minsan lang naman siya mag-PDA. “Hmmm...” Nilagok ni Travis ang inumin nito. “Malambing yata ngayon ang honey ko.” “Ayaw mo ba?” Pati tono niya ay nilambingan din niya. Tumuon ang buong atensyon nito sa kanya. “Ako, tatanggi? Alam mong hindi.” Kumawit ang bisig nito sa bewang niya. Ang kamay ay dumako at banayad na humimas sa balakang niya. She squirmed a little. She wanted that intimacy. She wanted more than that. Tumingala siya kay Travis at halos mag-abot ang kanilang mga mukha. Tumikhim si d**k. “Diyan na muna kayo at kinakawayan ako ni Vera Mae.” Sa sulok ng mga mata niya ay nakita niyang tumalikod na si d**k. Pero hindi siya nagbitiw ng tingin kay Travis. Inilapit pa niya lalo ang mukha dito. “Kiss me.” “Whoa!” Hindi maikakaila ang gulat ni Travis. Ipinikit niya ang mga mata at siya na ang humalik dito. She nipped his lower lip gently. Ang lumaban ng halik si Travis, tinanggap niya iyon. Seconds later, nang maghiwalay ang mga labi nila ay may pagtatanong ang mga tingin na ipinupukol nito sa kanya. “You’re something today, ‘Ney,” tila hindi nakatiis na sabi nito. Tipid siyang ngumiti. “Ayaw mo ba?” “Ako, aayaw? Gustong-gusto ko!” Ngumisi ito. Kinuha nito ang kamay niya at dinala sa ilalim ng mesa. “Ganito ang epekto ng ginawa mo sa akin.” Sa ilalim ng palad niya ay nakapa niya ang paninikip ng twill slacks nito. Hindi na niya ikinagulat iyon. Sa halip, mapangahas ang kamay niyang dinama pa ito. “Honey.” Tumikhim si Travis na tila may bara na inalis sa lalamunan. “You are really different today.” “I just want to feel your love, Travis,” mahinang sagot niya. Higit sa pisikal, alam niya sa sarili niya na mas higit niyang kailangan ang kumpirmasyon sa emotional side niya. Kailangan niya ang paglalapit na iyon para umayos ang nagulong balahibo niya. “Ah, I’m more than willing to do that. But not here. Kailangan pa ba nating magtagal dito?” Mga mata na nila ang sumunod na nag-usap. Iniwan na nila ang mesa at pahapyaw na nagpaalam sa mga ikinasal at saka umalis na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD