Part 4

2209 Words
SI HONEY ang mas higit na agresibo. Nasa sasakyan pa lamang sila ay siya na ang mapangahas ang kamay para maglakbay sa katawan nito. Hindi iilang beses na napabuntong-hininga si Travis. Apektadong-apektado ito sa ginagawa niya bagaman sa mga mata nito ay hindi maikakaila ang pagtataka. “Easy, ‘Ney. Baka tayo mabangga,” pang-ilang ulit na paalala nito sa kanya. Her hand was on his crotch, playing aggressively. Bago din sa kanya ang kilos niyang iyon. Hindi siya ganoon ka-intimate kay Travis. Ngayon lang. She smiled at him. Gusto niyang ituon kay Travis ang buo niyang pansin. Ayaw niyang may maisip na iba. Lalong ayaw niyang maisip si d**k. Dick. Again. Naglapat ang mga labi niya. Erase. Erase! Bumaling siya kay Travis. Dalawang kamay na pinagdiskitahan niya ang harapn ng pantalon nito. Halos pahiklas na ibinaba niya ang zipper nito. “No, honey,” pabiglang sabi ni Travis at pumatong sa kamay niya ang isang kamay nito. “Mababangga tayo,” malumanay na dagdag nito. Tumuwid ang likod niya. Isang sandali na gusto niyang mapahiya sa ginawa. Tila ayaw naman ni Travis na maramdaman iyon kaya inayos lang nito ang kabig ng manibela at inabot siya. Hinaplos nito ang braso niya bago iyong umakyat sa balikat niya. “We have to wait a little longer,” sabi pa nito. “And don’t ever think na ayaw ko ang ginagawa mo. Gusto ko. Pero delikado. Hindi ako makapag-concentrate sa pagmamaneho.” “Sorry.” Halos bulong ang lumabas sa lalamunan niya. “Don’t be. Babawi tayo mamaya.” Ngumisi ito sa kanya at napanipis niyon ang nagdaang makapal na hangin sa pagitan nila. “Ayoko na. Napahiya na ako,” nakalabing sabi niya. “Nagtatampo ang bata,” anito na may pilyong ngiti sa mga labi. “We’re almost there. Have a feast on me.” Dahil doon ay natawa na rin siya. “Ako pa talaga ang magpi-piyesta sa iyo?” biro niya. “Ikaw ang nagsimula kanina. Payag na payag naman akong ituloy mo.” “Paano kung nagbago na ang isip ko?” “Aba, huwag! Look, we’re almost there. Isang tawid na lang.” Ilang minuto lang ang lumipas at naroon na sila sa condo unit ni Travis. Bumalik ang init sa pagitan nila. Halos makalimutan nila ang magkandado ng pintuan at kagyat na sinunggaban ang isa’t isa. “You are so hot today, ‘Ney,” halos habol ang hiningang wika ni Travis. Ni hindi sila umabot sa mismong kama nito. Sumiksik siya sa katawan ni Travis. It was more than just a physical release. It was an affirmation. Kuntento siyang humilig dito at pumikit. “I love you, ‘Ney.” Hinalikan siya nito sa buhok. “I love you, too, Travis.” May gumiti na luha sa sulok ng mga mata niya. Sa isang sulok ng puso niya, ramdam pa rin niya ang sundot ng konsensya. I love you, Travis. Hindi dapat pumapasok sa isip ko ang ibang lalaki, lalo at si d**k pa. I’m sorry. I promise to love you. And no one else. “MASUNGIT ka lately, Honey. Tell me, may problema ka ba?” tanong sa kanya ni Travis nang sunduin siya nito sa opisina. Isang linggo na buhat nang ikasal si Eula. At dahil naka-leave ito, siya ang in-charge sa office nito kaya naman pagod siya pala gi. Pinipilit niyang resolbahin ang problemang dumarating hangga’t kaya niya. Gusto niyang makita ni Eula na maasahan siya nito. “Pagod lang. Alam mo na.” “Hindi ko alam,” sabi naman ni Travis. “Kahit pagod ka, hindi ganyan ang attitude mo. Kilala kita. There must be a reason.” “All right,” pabuntong-hiningang sabi niya. “I think, I’m pregnant.” “You think? Hindi ka pa sigurado?” Tiningnan niya si Travis. Mas mukhang hopeful ito kesa nagulat. “Delayed na ako ng two weeks.” mahihimigan ang pag-aalinlangan sa tono niya. “Pa-check up ka. Tara, sasamahan kita.” “Ayoko, kinakabahan ako.” “No. Didiretso na tayo ngayon sa doktor. Mainam na iyong sigurado.” Inabot ni Travis ang kamay niya at bahagya iyong pinisil. “If it’s positive, I will be glad. At wala kang dapat ipag-alala, Honey. Pakakasalan kita. Alam mo naman iyan mula't mula pa.” Malungkot siyang ngumiti. “Magugulat ang parents ko, Travis. Hindi ko pa nga sinasabi sa kanila na may boyfriend ako dito sa Manila. Alam mo naman, konserbatibo sila.” “Eh, kung buntis ka, nariyan na iyan. Saka pakakasalan naman kita. So, kung magalit man sila sa una, tiisin na lang natin. Basta tandaan mo, mahal naman kita at hindi kita tatakbuhan. Remember, talaga namang nag-iipon na ako para makapagpakasal tayo ng en grande.” “Kung buntis ako, Travis, kahit hindi na en grande. Kahit civil wedding na lang.” Ayaw niyang magmukhang desperado na pakasalan siya nito pero kapag naiisip niya ang posibilidad na buntis nga siya at ang konserbatibong pamilya niya sa probinsya, alam niya ang magpakasal sila ang dapat nilang gawin. At napagtanto niya na dapat nga ay ang pagpapakasal ang mas una nilang ginawa bago sila umabot sa sitwasyon nila ngayon. “No. You will walk down the aisle, Honey. For now, sa doktor na muna tayo pupunta para ma-confirm na rin natin kung malapit na tayong maging daddy at mommy.” Malaking bagay ang assurance na iyon ni Travis kaya kahit na may agam-agam sa dibdib niya ay hindi na rin siya masyadong nag-aalala. “POSITIVE. Six weeks on the way ka na, misis,” sabi ng doktor. Nagkatinginan sila ni Travis. Gusto niyang itama ang doktor sa pagtawag nito sa kanya ng misis subalit umiling si Travis. “Really, doc? I’m glad. Magse-celebrate kami nitong misis ko.” At inakbayan siya ni Travis. “Congratulations to both of you. Just remember, iwas sa maaalat na pagkain, ganun sa sobrang matamis. Eat lots of fruits and vegetables. Drink a lot. Have enough sleep. Take these vitamins.” Sumulat ito ng reseta. “Kung may problema, you can call me anytime. Here’s my card.” Magkahawak ang kamay nilang lumabas ng clinic nito. Pagsakay nila sa kotse ni Travis, agad siyang niyakap nito at hinalikan sa mga labi. “Ang saya-saya ko talaga ngayon, Honey. Magiging daddy na ako, magiging mommy ka na!” “Masaya din ako, Travis. Kaya lang, ang parents ko. Sila ang inaalala ko.” Hindi maikakaila sa tono niya ang damdamin niya. “Akong bahala, okay? Now, kelan mo gustong magpakasal? Let’s set the date.” “Hindi ka ba mamanhikan muna sa amin?” Sandaling nag-isip si Travis. “Nasa edad na tayo, Honey. Siguro, maganda kung ayusin na natin ang preparation at saka tayo umuwi sa inyo. Alam mo namang ulila na ako at nag-iisa na lang. I think, mas maganda na kapag nakipag-usap tayo sa kanila ay areglado na ang lahat. Of course, sasabihan ko din si Tita tungkol dito, but, really, nasa edad na tayo. We can do it by ourselves.” “Baka lalo silang magtampo?” may pag-aalalang sabi niya. “Masusumbatan pa tayo na na-by pass natin sila.” “Okay, maybe we could make some preparation. Like our attire. Siguro naman, tayo na lang ang magdedesisyon doon? Right, makipag-usap na tayo sa couturier. Kailangan din ng konting panahon para matahi ang isusuot natin. Saka makipag-meeting na din tayo sa wedding planner. Sabihin na lang natin na di pa tayo decided sa ibang details. At least, iyong ibang dapat na ayusin, magawa na.” “Kailangan pa ba ng wedding planner?” “Honey, sabi ko naman sa iyo, di ba? Ayoko ng kasal na basta-basta lang. Nag-iipon ako talaga para dito. Huwag kang mag-alala tungkol sa gastusin.” “Okay, ikaw ang bahala.” naisip niyang bale-wala nang makipagtalo pa. “And, Honey…” hinaplos nito ang mukha niya. “Maybe now, I can convince you to move in my place?” Hindi siya agad nakasagot. Sarili ni Travis ang condo nito. Ayon dito ay mayroong itong minanang matandang bahay sa probinsya pero dahil nasa Maynila ang trabaho nito, bihira naman itong umuwi doon. Matagal na siya nitong inaayang tumira sa condo nito pero tumatanggi siya. Okay naman siya sa apartment na tinitirhan niya. May ka-share siya doon na dalawa pang babae, ang magkapatid na sina Doray at Dulce. Mga kasamahan niya iyong sales clerk sa mall bago siya napasok sa kumpanya ni Eula. Dati ay tuwing weekend lang siya umuuwi sa condo ni Travis. Lubos na lubos ang tiwala niya kay Travis kaya nasanay na siya sa setup na ganoon. Kung malalaman lang ng mga magulang niya ang ginagawa niya sa Maynila, malamang na sabunot at palo ang abutin niya lalo na sa nanay niya. Baka nga ay may bonus pa iyon na pagtali sa kanya sa langgaman! But then, malayo ang mga ito. Tanging telepono ang komunikasyon nila. Tamad magsiluwas ang mga ito kahit na hinihiling niya. Siya naman, palibhasa ay puro si Travis ang iniikutan ng mundo niya, bukod pa sa trabaho niya, kinakatamaran na rin niyang umuwi lalo at inaabot din ng apat hanggang limang oras ang byahe pauwi sa kanila. “Pag na lang kasal na tayo, Travis,” sabi niya maya-maya. Kumunot ang noo ni Travis. “But why? Dapat nga magkasama na tayo ngayon. Saka buntis ka, gusto kitang maalagaan. Baka mamaya hirap kang maglihi. O may gusto kang kainin sa dis-oras ng gabi. May idea naman ako sa cravings at moods ng mga naglilihi." “I’m fine. Kaya ko naman. Saka after our wedding, iyong-iyo na ako. Hayaan mo na lang muna ako sa apartment.” He made a tsk sound. “Ewan ko sa iyo, Honey. Hindi kita maintindihan.” “SIMPLENG gown lang ang gusto ko, Nicka,” sabi ni Honey sa couturier na si Dominicka. The couturier was highly recommended by Giana, popularly known as G, ang wedding planner na kinuha nila. In fact, nang magtungo sila ni Travis sa opisina ng Okasyon ay madali na silang nakapag-desisyon na huwag nang tumingin pa sa iba. Impressed sila sa credentials ng naturang events management. After all, G Montero was a senator’s low profile daughter. “Anong cut ang gusto mo? Gaano ka-simple ang simple sa iyo? As in, no beads, no lace or meron naman pero konti lang?” sagot naman sa kanya ni Nicka. Napatingin siya kay Travis. “Kasi, ano, eh. Positive na ako. Bale magtu-two months pa lang naman. So kung mga two months ang preparation, baka halata na rin ang tiyan ko sa mismong wedding namin.” “Ah,” kaswal namang tumango ito. “Eto iyong mga designs ko na hindi masyadong mae-emphasize ang tummy pero stylish pa rin at hindi naman mukhang maternity dress.” Isang halter neckline, empire-cut gown ang tumawag sa pansin niya. Unang tingin pa lang niya doon ay alam niyang iyon na ang gusto niya. Eksaktong-eksakto iyon sa panlasa niya. Bagaman mayroong beadwork, hindi naman iyon masyadong maburloloy. “Travis, maganda ba ito?” Ipinakita niya sa mapapangasawa ang sketch. “Ito na kasi ang gusto ko, eh.” “Perfect, ‘Ney. Bagay na bagay iyan tiyak sa iyo,” he said approvingly. “Sige, Nicka, ganito na ang gawin mo sa akin. Paki-adjust mo na lang din ang details ng beadwork kasi simple lang talaga ang gusto ko. Saka hindi naman en grande ang kasal namin. Intimate gathering lang.” “Okay, I understand. From Okasyon din ba ang ibang supplier ninyo?” “Oo. Since maiksi lang ang preparation period namin, we have decided na huwag nang makipag-usap pa sa iba. We believe, we’ll have a perfect wedding through your help.” Napangiti si Travis. “Malaki ang kumpyansa namin sa grupo ninyo." "Thank you. Nagsisimula pa lang kami, And we really target mid-range events." "For a senator’s daughter---" “Like G?” agaw ni Nicka sa sasabihin pa ni Travis. “Ganyan talaga si G. Passion niya itong event planning but she doesn’t want high-profile events. Sa tingin ko nga umiiwas siya sa anino ng daddy niya. Pero ilan ang ba ang mga Montero sa Pilipinas. She could easily linked to her father lalo at nag-iisa lang siyang anak.” Ngumiti si Nicka. Mayamaya pa ay sinukatan na siya nito. Si Travis naman ay wala ring arte sa pagpili ng isusuot nito. Ang tanging hiling lang nito ay maging maayos ang lapat ng damit nito. “Basta ako, barong ang gusto ko. Iyong pormal na pormal ang itsura, ha? Iyong puwede na ring pamburol,” sabi nito. “Travis, ano ka ba? kasal nga itong pinaghahandaan natin, pamburol ang sinasabi mo diyan,” may bahagyang galit sa tinig niya. Simula’t mula pa ay ayaw na ayaw niyang paksa ang tungkol sa kamatayan. “Nagbibiro lang. Saka para makatipid na rin, ah? Di pagkatapos ng kasal, itatagong mabuti. Pag kelangan ng pamburol, hindi na bibili.” “Travis!” galit na siyang talaga. At hindi niya maintindihan kung bakit may gumapang na kaba sa dibdib niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD