Part 5

1809 Words
“INVITATION at reception, hindi pa tayo makakapag-decide ngayon, ‘no?” sabi ni Travis nang pauwi na sila. “Mamamanhikan muna kami sa inyo. Tiyak na may personal choice ang parents mo sa ibang principal sponsors na kukunin natin. Pero kung pwede lang sana ay tayo ang masunod sa karamihan ng detalye sa kasal natin.” Hindi siya kumibo. Ipinako lang niya ang tingin niya sa labas. “Honey, tahimik ka naman diyan? Kumibo ka naman, darling.” Pumiksi siya nang kinalabit siya nito. “What’s the matter?” tanong nito uli. “Ikaw! Nakakainis ka!” mangiyak-ngiyak na sagot niya. “O, bakit naman? Inaayos ko naman ang kasal natin, ah?” “Hindi iyon. Nakakainis ka dahil banggit ka nang banggit tungkol sa burol. Napaka-morbid mo!” Tumawa nang malakas si Travis. “Ano naman ang morbid doon? Eh, iyang barong, formal suit for all season iyan. Pang-ninong sa kasal, pang-sagala, pang-abay sa kasal, pang-talumpati ng pulitiko, pangpunta sa Malacañang, pang-Flores de Mayo. At saka iyon na nga. Pamburol.” “Ayan ka na naman!” singhal niya. “Honey, relax. Nagagalit ka, sige, pati baby maapektuhan niyan.” Dinama ni Travis ang flat pa niyang tiyan. “Baby, inaaway ako ng mommy mo. Eh, mahal na mahal ko naman kayong pareho.” Bumalik ang tingin ni Travis sa kanya. “Remember. ‘Ney, I love you very much. Kayo nitong si Baby, mahal na mahal ko. Wala nang pinakamahalagang tao sa buhay ko ngayon kundi kayo ng magiging baby natin.” Napalabi siya. Kahit pikon na pikon kay Travis, kapag naman ganitong nagdedeklara ng pagmamahal sa kanya ay napapahinuhod na rin siya. Kinuha ni Travis ang kamay niya. “Here. Para magkaroon naman ng smile sa mga labi mo.” Isang singsing na may tampok na perlas at tatlong maliliit na bato sa gilid nito ang isinuot nito sa kanya. “Para saan ito?” Tumawa ito nang mahina. “Anong para saan? Engagement ring mo iyan. Hindi na ako nag-propose dahil inaayos na rin naman ang kasal natin. But I owe you a ring.” Bahagya nitong itinaas ang kamay niya. “Bagay na bagay sa iyo.” “Travis, kahit wala ito, walang kaso sa akin.” “Ayan ka na naman,” tila nagtatampong sabi nito. “Sabi ko naman sa iyo, I want the best for you. Hayaan mo lang ako, okay? Lahat gagawin ko para sa iyo at sa baby natin.” Kinabig siya nito dinampian ng halik sa kanyang mga labi. “BRO! Save the date, ha! Two months from now, best man ka na,” sabi ni Travis sa kanya. “Best man? Magpapakasal ka na?” gulat na gulat na sagot ni d**k. Kung hindi lang niya kilalang-kilala ang boses ni Travis, magtataka siya sa kung sinong kausap niya. Oo nga at madalas na banggitin ni Travis ang tungkol sa kasal pero hindi niya akalaing tototohanin nga nito iyon. Noong mga bata pa sila, si Travis ang maraming gustong marating. Gusto nitong guminhawa sa buhay. Gustong yumaman kaya sa paniniwala nito ang pag-aasawa ay hindi minamadali. Pero iba na ang naririnig niya ngayon sa best friend at pinsan. Mukhang desidido na ito. “You heard it right, pare. I’m getting married!” “Bigla ka yatang nagmadali, bro? Pinikot ka ba ni Honey?” Tumawa si Travis. “Hindi. Ako pa nga ang namilit. May lakad ka ba, pare? Dito ka muna sa place ko. Inom tayo.” “Luko-luko. Bawal din sa iyo ang uminom, Travis. Ano ka ba? Kung magpapakasal ka, ngayon pa lang, magpakatino ka na. Para namang hindi mo kilala si Honey. Mas mahigpit sa akin iyon.” “Kaya nga inaaya kita, eh. Hangga’t hindi kami kasal, makapag-hapi-hapi na. Yari na diet ko kapag kasama ko na si Honey. Magugutom ako.” “Paano ka magugutom? Magiging malusog ka kamo. Dapat lang kasi sumunod ka sa mga sinasabi ng doktor. Ang tigas ng ulo mo. Dapat ikaw mismo, maging health conscious. Ikaw nga itong maysakit.” “Kung magsalita ka, parang bedridden ako. Mataas lang ang cholesterol ko at high blood paminsan-minsan.” “Nila-lang mo iyan. Traydor ang ganyang sakit. Bro, nagpapaalala lang din ako sa iyo, ha. Wala kang kontrol kumain lalo na kung walang bumabawal sa iyo. Sige ka, hindi ka tatanda niya. Baka mamatay ka agad.” Tumawa uli si Travis. “Well, if that’s the case. Huwag mong pababayaan ang mag-ina ko, ha?” Natigilan siya. Hindi niya gusto iyong pakiramdam na tila naalarma sa binitawang salita nito. “What did you say?” “Honey’s pregnant.” Masigla ang tono nito. “Kaya magiging ninong ka na rin. Basta ipangako mo sa akin, kung may mangyayaring hindi maganda sa akin, huwag mo silang pababayaan.” “Travis, what are you talking about?!” Hindi niya alam kung ang pagtaas ng boses niya ay dahil sa tila pagbibilin nito o dahil sa ikinagulat niyang pagdadalang-tao ni Honey. Mas gusto niyang piliin na lang ang huli. “Mukhang ikaw pa ang mas high blood sa akin ngayon,” tatawa-tawang sabi ni Travis. “Come on, pare. Kung wala kayong date ni Vera Mae, punta ka na lang dito. Pagbigyan mo na ako, please?” “Okay, I’ll be there. Tatapusin ko lang itong trabaho ko.” Dick saved what he was doing in the computer at lumabas na ng opisina. INALIS agad ni d**k iyong ideya na alak ang dadalhin niya sa pagtungo kay Travis. Sa halip dumaan siya sa isang restaurant na pawang healthy at organic ang mga niluluto at nagpa-take out ng hapunan. Natutuwa naman siya sa ibinalita ni Travis. Bagaman biglaan ang desisyon nitong magpakasal, naisip niyang mabuti na nga iyon para magkaroon na rin ito ng sariling pamilya. High school pa lamang sila nang maulila ito sa ina. At second year college naman ito nang ang ama naman nito na tiyo niya mismo ang mamatay. Nag-iisang anak lang si Travis. Kahit nang alukin ito ng mama niya na sa kanila na tumira tutal ay pamangkin naman ito ay tumanggi si Travis. Ang katwiran nito ay malaki na ito noon. Disi-otso anyos na at maski paano ay may naiwan naman savings ang ama nito. Subalit sa huling taon nito sa kolehiyo, tinanggap na rin nito ang financial help ng mga magulang niya. Hindi lang pinsan at matalik na kaibigan ang turing niya kay Travis. Halos kapatid na rin niya ito. Panganay siya at pawang mga babae ang apat pa niyang mga kapatid kaya talagang si Travis na ang naging kabagang niya sa simula’t mula pa. Masikap naman si Travis. Naitaguyod nito ang sarili. At sa kaunting panahon ay nakapag-pundar na ito ng condo unit at sasakyan, bagaman hinuhulugan pa rin ang mga iyon. Regular employee si Travis at mataas ang posisyon nito sa call center company kaya alam niyang financially stable na rin ito. Dalawa lang ang sa tingin niyang bisyo ni Travis. Ang pagkain at ang labis na pagmamahal nito sa girlfriend na si Honey. “No wonder she’s pregnant,” hindi naiwasang bulong niya. Kinuha niya ang cell phone at tinawagan si Vera Mae para ibalita din dito ang tungkol doon. The telephone number you dial is out of the coverage area. Napailing siya. Ilang araw na niya itong kinokontak. At palaging ganoon ang naririnig niyang sagot. Nitong mga huling linggo, palaisipan sa kanya ang bigla na lang pag-alis ng girlfriend na tumatagal ng ilang linggo. Napakatipid naman nitong magpaliwanag kapag nagtatanong siya. He missed her terribly. Hindi niya alam kung dahil sa madalas ay hindi na sila nagkikita o nagkakausap man lang. O dahil malapit na ring mag-isang taon ang relasyon nila at para sa kanya ay malaking bagay iyon. Hindi pa konkreto ang plano niya kung paano iyon ise-celebrate pero ang tiyak ay iyong hindi siya makakapayag na lalagpas na lamang ang espesyal na araw na iyon na ganoon na lang. At dahil first anniversary nila ni Vera Mae, siyempre pa ay napaka-espesyal din ng regalong iniisip niyang ibigay para dito. Isang paghinga ang pinakawalan niya. Lalo niya itong na-miss. Mahal na mahal niya si Vera Mae at sa tingin niya, hindi magtatagal ay sa kasalan din ang uwi nila. Sinubukan niya ito uling tawagan. At ganoon na lamang ang disappointment niya na hindi pa rin niya ito ma-contact. Nang tumunog ang telepono niya, sabik na sinagot niya iyon. “Mimi.” “Mimi ka riyan. Hindi ako si Vera Mae,” anang nasa kabilang linya. “Daisy,” nasabi na lang niya. “Sorry, I thought you’re Mimi. I was trying to call her. Hindi na naman ako ma-contact.” “Ako, anytime madali mong ma-contact. May susi ka nga sa condo ko, eh. Pero parang nakakalimutan mo na.” “Daisy...” he paused. Hindi niya alam kung ano ang susunod na sasabihin dito. Somehow, gusto niyang ma-guilty. Hindi totoong nakalimutan na niya ito. In fact, the physical urge was always strong. Nagpipigil lang siya sa sarili. Lately nakadarama siya ng guilt sa activities niya. Kahit alam naman niyang no strings attached ang sa kanila ni Daisy. Gusto niyang mag-focus kay Vera Mae. More than ever, he wanted to be a loyal boyfriend to Vera Mae. Kaya naman nagtitiis siya kahit na naghahanap ng paglalabasan ng init ang katawan niya. “Nagluto nga pala ako,” narinig niyang sabi uli ni Daisy. “For two, as usual. Pag wala akong nakasalo ngayong gabi, babaunin ko na lang bukas ang sobra.” “Hindi ako makakapunta ngayon, Daisy.” “I cooked sinigang na baboy. Tamang-tama sa anghang, sa asim, pati sa alat.” Daisy was a good cook. Nakaramdam siya ng gutom. It was just a fifteen-minute drive to her condo. Malinis ang kalye. Kayang-kaya niyang makarating kahit sa loob ng sampung minuto. “Kumukulo na ang sabaw. If I put this in a stone bowl, mas matagal ang init kapag nakahain.” Napalunok siya. Lumikha ng ingay ang tiyan niya na parang pinapaalala sa kanya na hindi rin siya gaanong nakakain kanina. Humigpit nag hawak niya sa manibela. “Daisy---” “Maghahain na ako. You are welcome to drop by. I don’t have dessert. But you can have me for dessert, later.” He uttered a small sorry for Vera Mae at tinahak ang direksyon ng condo ni Daisy. Pork sinigang, it was! Nakahain na iyon sa mesa nang pumasok siya sa unit ng babae. Pero lumamig ang sabaw niyon na hindi nagagalaw. Pagpasok pa lang niya ay sinalubong na siya ni Daisy ng yakap at halik. Her hands roamed all over his body habang ang mga labi nito ay mainit ding naglalakbay sa katawan niya. At siya ay madaling nagpatangay sa tawag ng pisikal na pangangailangan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD