“UTANG ko sa iyo ang buhay ko, Travis,” sabi ni d**k pagkaraan. Napailing siya sa pagbabalik ng alaala. Sa dami ng pinagsamahan nila ni Travis, imposibleng iyon ang makalimutan niya. Natatandaan niya ang paliwanag noon ng doctor na lubhang malalim ang naging sugat ni Travis. At alam niya, sa kanya dapat ang sugat na iyon. Naka-recover na siya ay nagpapagaling pa rin si Travis. Nakakatawa lang isipin na halos magbuwis ng buhay doon si Travis samantalang hindi rin naman nagtagal ang relasyon nila ni Jocelyn. Bago pa man sila nakatapos ng kolehiyo ay nauna nang natapos ang relasyon nila. “d**k, magpinsan tayo at matalik na magkaibigan. Kung ako man ang nasa sitwasyong iyon, alam kong pareho din ng ginawa ko ang gagawin mo. Hindi ba?” sabi ni Travis. “Tama ka. Pero ikaw ang gumawa ng gan

