“SALAMAT sa paghahatid mo, d**k,” wika sa kanya ni Jocelyn nang bumaba ito sa pagkakaangkas sa kanya. “Hindi ka na dapat magpasalamat. Alam mo naman kung bakit,” puno ng karisma na sagot niya dito. Saka ito tinitigan. “Hanggang pakikipagkaibigan lang muna ang kaya kong ibigay, d**k,” tila nahihiyang sabi nito. “Nangako ako sa papa ko, eh. Wala munang boyfriend habang hindi pa ako nakakatapos ng high school.” He smiled back, encouragingly. “Payag akong sa friendship muna. Dapat nga, magpasalamat na ako doon, eh. Kesa naman sa basted agad.” Kinuha niya dito ang ilang libro na bitbit nito bukod pa sa school bag. Nagsimula silang maglakad. Dalawang bloke pa ang layo ng bahay ni Jocelyn pero ayaw nitong magpahatid hanggang doon. Nasabi na nito dati pa na madaming tambay sa kalye ng mga

