“KADARATING mo lang pero paalis ka na uli?” Nagtatampo ang tinig ni d**k. Sabik na sabik siyang bumisita sa girlfriend kaya ganoon na lamang ang pagkadismaya niya nang makitang halos hindi na niya ito abutan. Nagmamadali ang mga kilos ni Vera Mae.
“I’m sorry, d**k,” sagot nito.
“Sorry. Ganoon lang? Halos isang linggo kang wala. Ni hindi kita ma-contact. Tapos kundi pa ako nagsadya dito, hindi ko malalaman na dumating ka na pala at paalis na naman.”
“Nagloloko ang signal ng cell phone sa Sagada,” katwiran nito.
Lumalim ang gatla sa kanyang noo. “Sagada? Anong ginagawa mo doon?”
Napabuntong-hininga si Vera Mae. “I’m really sorry, d**k. There are a lot of things to explain. Hindi ko maipapaliwanag ang lahat sa madaling paraan.”
Hinagod niya ng tingin ang kasintahan. Hindi niya alam kung bakit parang naging isang palaisipan ito sa kanya. “Vera Mae, ano mo ba ako? Do I deserve to be treated like this?” Hindi niya gustong manumbat pero tila iyon ang mahihimigan sa tinig niya. Uhaw na uhaw siya sa paliwanag nito subalit sa tingin niya ay wala itong balak na magpaliwanag pa.
“I’m really sorry, d**k. Alam kong marami akong pagkukulang sa iyo. And yes, you don’t deserve all of these. Kailangang makabalik uli ako sa Sagada. May mga inayos lang akong importanteng bagay kaya lumuwas ako sandali.”
“At hindi ako kasali sa mga importanteng bagay na iyan?” Halos mapikon siya.
“Hindi naman sa ganoon, Dick.” Tila nababagot ang anyo nito.
“That’s the way I see it.”
“This is... family matters.”
Napatitig siya dito. Yes, Vera Mae was a puzzle. Isang palaisipan na tila ba lalong nagiging kumplikado. Parang hindi niya kayang unawain ang mga sinasabi nito.
“Ate Mimi!” patakbong lumapit sa kanila ang nakababatang kapatid nitong si Angel. Natigil ito nang makita ang seryosong mukha niya. “Sorry po. Sige, mamaya na lang.”
“It’s alright. What is it, Angel?” baling ni Vera Mae dito.
At hindi nakatakas sa pansin niya kung paanong nagbago ang ekspresyon nito. Sa isang iglap ay bumakas ang fondness sa mukha nito. Yaong uri ng fondness na nagpapaala sa kanya sa anyo ng kanyang mama kapag naglalambing siya dito.
“Nakita ko si Kuya Brian na bumaba ng taxi. Ay, ayan na pala!” Iniwan na rin sila ni Angel pagkasabi niyon.
Awtomatiko ang pagkunot ng kanyang noo nang makita niya ang lalaking papalapit. “Sino ang lalaking iyan?” marahas agad na tanong niya. Iba agad ang pakiramdam niya sa lalaking iyon. Tila sa mabilis na segundo ay nagsimulang kumulo ang dugo niya.
“Magandang araw,” kaswal na bati ng lalaki na bahagya pang kumaway.
Tumikhim si Vera Mae “d**k, this is Brian. Brian this is Dick.”
“Boyfriend niya ako,” may diin na dugtong niya. Habang tinitingnan niya ang lalaki ay parang lalong kukulo ang dugo niya.
“Kumusta, pare.” Nakipagkamay si Brian. “Ikaw pala iyong nababanggit ni Mimi na boyfriend niya.”
“At ikaw naman, ano ka niya?” seryosong tanong niya dito at parang gusting magdilim ng paningin niya.
“Kaibigan? Kababata?” Itinaas ni Brian ang dalawang kamay. “Hindi tayo talo, pare. Kung iyon ang inaalala mo.”
Hindi iyon nakabawas sa paglalatang ng kalooban niya. He must admit, he was jealous. “Bakit ngayon lang kita nakita?” Hindi niya gustong itago ang pagseselos sa mukha niya.
“Taga-Baguio ako, pare. Biyahero ako ng prutas at gulay. Madalang akong mapunta dito. Ngayon lang halos dahil importante.”
“Magkasabay kaming bibiyahe,” sabad naman ni Vera Mae. “Nagkataong nagluwas sila ng produkto. Nagpaiwan na siya sa truck niya para sabayan ako.”
Lalong kumunot ang noo ni d**k sa narinig. Para siyang nabingi. At napatiim ang mga bagang niya.
“Vera Mae, can we talk?” Tinapunan niya ng makahulugang tingin si Brian.
Tila nakaunawa naman ito. “Labas muna ko,” anito at tumalikod na.
“What is happening to us, Mimi?” magkahalo ang pagdaramdam at pagtataka sa tinig niya.
“Nothing, Dick.”
“I don’t believe you. There’s something.”
“Nagmamadali kami, d**k. Kailangan na naming makabiyahe. Mahabang oras pa ang kailangan namin para makabalik sa Sagada.”
“Masyado kang nagmamadali at wala kang oras para ipaliwanag sa akin ang mga bagay na dapat kong maintindihan?” pilit niya.
“d**k, please. Not now. I will explain everything when the right time comes. Huwag mo lang akong pilitin ngayon. Totoong nagmamadali kami.”
Naglapat ang mga labi niya.
Kinabig niya si Vera Mae at ikinulong ng mga bisig niya ang bewang nito. His lips landed on her for a not-so-gentle kiss. But it only took him a second to realize what he was doing. Nagbago ang galaw ng mga labi niya. Naging banayad iyon. Sinuyo niya si Vera Mae sa pamamagitan ng mga halik niya, Gusto niyang iparamdamam dito kung gaano niya ito nami-miss.
Vera Mae kissed him back in a light manner bago siya nito bahagyang itinulak. “d**k, nandito tayo sa sala.”
“I miss you, Mimi.”
“I’m really sorry, d**k. I’m so busy these days. Pag naayos na iyong problema ko sa Sagada, babawi ako sa iyo.” Hinaplos ni Vera Mae ang mukha niya bago siya nito hinalikan nang mabilis. “I really have to go. I’ll just say good-bye to Angel.”
Sinundan niya ito ng tingin. He didn’t like the feeling that Vera Mae seemed like slipping away from him.
“NAPATAWAG ka, Travis?” mabilis na sagot ni d**k sa tawag ng pinsan nang mabasa pa lamang ang pangalan nito sa caller ID.
“Malungkot dito sa condo, bro. Baka hindi ka masyadong busy. Daan ka muna dito?”
“May problema, bro?” he asked.
“Wala,” mabilis na tugon nito. “Ikaw naman, nag-iimbita lang ako, mukha na bang kailangan ko ng karamay?”
“Akala ko lang.”
“Sa tono mo, ikaw ang may problema. Kaya tara na dito. Pag-usapan natin iyan. Nasaan ka ba? Mga anong oras ka darating?” sa tono nito ay tila nakakasiguro nga ito na pauunlakan niya ang imbita nito.
“Nasa malapit lang ako. I’ll be there in half an hour.”
“Great. Ipaghahanda kita ng bote,” tatawa-tawang sabi ni Travis bago pinutol ang linya.
Sa rearview mirror ni d**k ay maliit na lamang ang tanaw niya sa main gate ng subdivision na tinitirahan ni Vera Mae. He made a heavy sigh. Hindi niya gusto ang pakiramdam na tila habang lumalayo siya doon ay parang nagiging ganoon din ang kalagayan ng relasyon nila.
At iyon ang hindi niya maintindihan.
Ano ang naging pagkukulang niya kay Vera Mae?
Kinulang ba siya dito sa pagbibigay ng oras? Ng atensyon? Ng pag-aalaga?
You have Daisy, usig ng konsensya niya.
Malakas ang pagtanggi ng kalooban niya. Iba si Daisy. She was just a friend with sexy benefits. Malinaw naman kung hanggang saan lang sila ni Daisy.
Mahal na mahal niya si Vera Mae. Hinding-hindi niya magagawang pabayaan ito at ang relasyon nila. At hindi rin siya basta makakapayag na basta masira na lamang ang relasyon nila, anuman ang dahilan.
The traffic signal turned to green. Pinaarangkada niya ang sasakyan at tinungo ang direksyon sa condo ni Travis. Higit pa sa pagiging pinsan at matalik na kaibigan ay halos kapatid na niya si Travis. Malamang nga kailangan niya nang makakausap.
“Ang bilis mo, ah?” nakangising bati sa kanya ni Travis. Bukas ang pintuan nito at hindi na niya kinailangang kumatok.
Mabilis na gumala ang tingin niya sa two-bedroom unit nito. Mas maayos ang itsura niyon kaysa sa nakasanayan niya dati na makalat. Pastel blue ang kulay ng bagong sabit na kurtina at hindi niya maalalang may de-ruffles na throw pillows ang sofa nito gaya na lang nang nakikita niya ngayon.
Tumikwas ang sulok ng labi niya bago tila nanunuksong nagsalita. “Nakakapanibago, ah. Baka naman trespassing na ako dito. Nasaan si misis?”
Napangisi si Travis at kitang-kita sa kislap ng mga mata na kinikilig naman ito sa tudyo niya. “Misis? Ang sarap palang pakinggan, bro.”
“Oh, eh, hindi ba’t doon din naman kayo papunta? Kelan ang kasalan? Magpapatahi pa ako ng isusuot ko.”
“Sagot ko ang isusuot mo, d**k. Ang problema ay wala pang wedding date. Pupunta pa lang kami sa kanila. Kapag nakapamanhikan ako, saka pa lang mapa-finalize ang lahat. Kung puwede nga lang na ako na ang magdesisyon sa lahat, ginawa ko na para makasal na kami. Kaso iyon nga, pupunta muna kami sa kanila. May mga details pa na kailangan din naming ikonsulta sa parents niya.”
“Ganyan ba talaga? Sorry, no idea, bro.”
“Ano ka ba, dapat alamin mo na ang tungkol sa ganito. Don’t tell me, wala pa kayong balak ni Vera?”
Hindi siya agad nakakibo.
“Nagkakalabuan ba kayo?” si Travis.
Napapalatak siya. “Ayokong mangyari iyan,” may diin na sagot niya.
“Kapag may problema, may solusyon. Kapag may conflict, sa simula pa lang, ayusin na para huwag nang lumaki pa.”
“Tama ka diyan, bro. Si Honey nga pala, nasaan?”
“Nasa boarding house. Ayaw pa rin niyang lumipat dito. Kapag na lang daw kasal na kami. Kung ako nga lang talaga ang masusunod, matagal ko nang gusto na magkasama na sana kami dito.”
“Pinakasalan mo na sana agad.”
“Gusto ko nang marangyang kasal, d**k. Nag-ipon talaga ako para sa gagastusin kaya ayoko naman nang madalian. Gusto ko talaga iyong maranasan ni Honey na pinaghandaan ko ang okasyon na iyon. Araw niya iyon, bro. I want the best wedding for her.”
“I can’t blame you. In love na in love ka sa kanya, ‘no?”
“Oo naman, kahit mamatay pa ako ngayon din.”
“Sira ang ulo mo. Bakit mo gugustuhing mamatay kung ngayon nga at magsisimula ka nang magkapamilya?”
Tinapik ni Travis ang balikat niya. “Natatandaan mo ba iyong nangyari sa atin noong first year college tayo?”
Kumunot ang noo niya.
“Imposibleng makalimutan mo iyon, d**k. May utang-na-loob ka sa akin.” Inililihis nito ng suot na T-shirt at itinuro sa kanya ang isang pilat doon. “Naaalala mo na?”